Chapter Thirty-Four

1.3K 44 8
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Road to happiness

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Mama asan si Aiden?" Ito ang una kong tanong kay mama matapos makapasok sa loob ng aming bahay.

"Ay naku ayun lasing na. Kainuman ng tatay at kuya mo!" Napapailing na sabi nito.

"Kainuman?!" Gulat kong tanong dito "Akala ko ba galit si papa at kuya kay Aiden?"

"Ewan ko ba kung anong pinakin mo dyan sa lalaking yan aba'y umagang umaga umiiyak at nag eeskandalo dito sa atin!" Kwento ni mama.

"Huh?!" Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"Nagmamakaawa sa amin na bigyan daw namin siya ng pagkakataon na patunayan na tunay ang nararamdaman niya para sayo at kapag hindi daw kami pumayag ay araw arawin niya ang pagpunta dito. Aba'y nakakahiya sa mga kapit bahay!" Kwento pa nito.

"Hindi lan yun! Grabeh nagkakanda-milipit na sa pagtatagalog sa pakikipag usap sa amin eh mukhang di naman sanay!" Singit ng aking hipag.

"Diyos ko sana naman hindi sila nag-away ng kuya!" Sagot ko naman.

"Ay naku muntik na ngang bugbugin ng kuya mo eh kaso itong si Aiden hindi daw lalaban at willing magpabugbog basta mapatawad lang daw namin siya!" Ang hipag ko naman ang nagkwento

"Biruin mo yang laki nyang yan willing magpabugbog sa kuya mo! Mabuti na lang at naawat kasi and daming mga usisero at usisera sa paligid" dagdag pa nito.

"So papaano nahantong sa inuman ang lahat?!" Pagtataka ko.

"Eto kasing papa mo eh feeling bata pa! Nakipag kasundo kay Aiden. Kapag napagbagsak daw siya at ang kuya Kiel mo sa inuman ay papayag na daw silang maging kayo at kapag naman natalo si Aiden ay hindi na ito pwedeng magpapakita sa'yo kahit kailan" si mama ulit.

"Ha?!!!" Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

Hindi ko malaman kung ako ay matutuwa at maiinis.

"Tapos walang ibang pinag-usapan kungdi ikaw. Parang kriminal nilang inenteroga si Aiden" dagdag naman ng kanyang hipag.

"S-sinong nanalo?" Bakas ang kaba sa king boses.

"Ikaw na ang humusga" sabi ni mama bago ako tuluyang pumunta sa aming likod bahay.

Nakita ko na wala ng malay sa kalasingan si kuya at papa samantalang si Aiden, bagamat lasing na rin, ay nakaupo at gising pa.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Luuuccccas I-i m-miss youuuu! Aaannnndd I-i looovveee yooouuu!" Lasing na pahayag si Aiden habang inaalalayan ko ito patungo sa aking silid.

"Grabeh Aiden lasing ka lang... magpahinga ka na nga" sabi ko dito matapos maihiga ang lalaki sa kama!!!

Tinangka ko itong bihisan upang mas maging komportable ito ng bigla nitong hawakan ang aking kamay.

"I-i won!" Proud na sabi nito habang namumungay ang mga matang nakatitig sa akin.

"Magpahinga ka na nga at bukas na tayo mag-usap" sagot ko dito.

"Nope I want you to listen!" Giit nito "I am sorry because I was being an idiot. I was so busy blaming myself for what happen to you that I forgot that I should be fighting for you instead! For us!" Pag-amin ni Aiden.

"When you gave your resignation letter earlier I became so scared because I thought that I would loose the best thing that has ever happened to me! And that is you Lucas!" Pagpapatuloy nito.

"A-aiden..."

"I love you Lucas del Rosario. I have fallen in love with you at first sight on the very first day I met you. I love how you blush around me and I also love how you geniunely care for Alexie" bulong nito.

"I love that you're a fire cracker when you're mad, I love that your smart, I love it when you're jealous and possesive, I love how you perfectly fit in my arms and most importantly, I love how you made me feel at home whenever I am with you" halos maiyak ako sa pag-amin ni Aiden.

"I can think of endless reasons for loving you and none for not loving you. And If I have to convince your dad, your mum, your brother, your sister-in-law, heck even your nephews, that I love you then bring it on!! I will do so because you are mine Lucas and I am yours" sabi pa nito bago ito makatulog sa kalasingan.

Parang ilog na umagos ang aking luha. Sobrang na-touch ako sa naging confession ni Aiden. Hindi ko namalayan ang na nasa likod lang pala si mama at nanonood sa aming dalawa. Nakangiti nitong isinarado ang pinto ng akin kwarto.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Morning Romeo" masayang bati ko kay Aiden habang pupungas-pungas itong bumungon.

"Here" inabutan ko ito malamig na tubig.

Halos magkanda ngiwi ang mukha nito dahil sa hang over.

"Urggghhh!" Ungol nito "thanks" sabi nito matapos uminom ng tubig.

"Alak pa more?!" Tukso ko dito.

"Who else do I need to convince this time?" Kunot noong tanong nito na tila hindi nito na gets na nagbibiro lamang ako.

"Ooohhhh?? So you remember??" Tanong ko dito.

"Off course I remember winning the bet" sagot nito "anything after that is a blur" dag dag pa nito.

"Thank you" sabi ko dito

"For what?" Litong tanong nito.

"For fighting for us and for loving me" nakangiti kong sabi dito.

"Don't be silly! We belong together and that's all that matters" hindi ko napigilang bigyan ito ng mabilis na halik sa labi na siya namang saktong pagpasok ni papa sa aking silid.

"Oi! Tama na yan! Umagang umaga eh! Tara mag almusal na tayo" sabi nito.

Di ko naiwasang pamulhan ng mukha.

"Yes po, sir" sagot ni Aiden.

"Anong sir?!" Nakataas ang kilay na tanong ng papa ko sa lalaki "parte ka na ng pamilya namin mula ngayon kaya ituring mo na akong parang pangalawang magulang" ngumiti ito bago umalis.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng silid Aiden. Bakas ang matinding kaligayahan sa aming mga mukha.

Hindi maikakaila na handa naming harapin ang kung ano mang pagsubok ang ibabato sa amin ng tadhana. Haharapin namin ito ng magkasama.

-THE END-

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon