••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Second meeting is a 'coincidence'
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Isang linggo rin ang lumipas matapos ang aking encounter sa gwapong estranghero. Isang linggo rin akong nagtiis sa panunukso ng aking mga katrabaho ko sa cafe.
Maging si kuya Kiel ay nakikisali rin paminsan-minsan!
Ilang araw na rin akong naghihintay ng tawag mula sa aking mga inaplyang trabaho ngunit kahit na isa sa kanila ay wala pang nagpaparamdam.
Naisipan ko tuloy lumabas at magpunta sa mall dahil day-off ko ngayong araw. Minabuti ko na libangin ang aking sarili kaysa mag mukmok sa loob ng bahay.
Lumipas ang aking buong maghapon sa paglilibot sa mall. Bandang gabi na nang maisipan kong mag movie marathon sa bahay pag-uwi. Bumili ako ng dvd at makukukot sa supermarket.
Dumiretso ako sa isle kung saan nandoon ang mga paborito kong junk foods. Abala ako sa pamimili nang makarinig ako ng pamilyar na iyak ng bata.
Sinundan ko kung saan naggagaling ang iyak at nakita ko na ibang lalaki ang may buhat-buhat sa bata, from the cafe one week ago.
Tila wala itong balak na patahanin ang bata at mas inuuna nito na makalabas ng supermarket subalit hindi nito magawa dahil mahaba ang pila sa check point kung saan tinitingnan ng gwardya ang resibo ng bawat mamimili bago palabasin.
May kung anong pwersa ang nag-udyok sa akin na lapitan ang bata upang ito ay kamustahin.
"Hello little man, nagkita na naman tayo" bati ko dito.
Tumigil ito sa pag-iyak pagkakita sa akin na parang nakakakilala.
"May sumpong ka nanaman ba ha?" tanong ko dito kasabay nang paghawak sa maliit nitong kamay. Kumapit naman ito sa aking daliri ng mahigpit at nag-umpisang ngumiti.
"Boss pwede ba, wag ka ngang basta-basta lalapit sa anak ko?" galit na pagsita sa akin ng lalaki
"Excuse me?!" parang di ako makapaniwala sa aking narinig
"Sabi ko-" uulitin sana nito ang kanyang sinabi subalit hindi ko na ito pinatapos pa.
"Kilala ko ang tatay ng batang 'yan at sigurado ako na hindi ikaw yun!" galit na sagot ko bago inumpisahang kunin ang bata.
"Baka nagkakamali ka lang" galit na pahayag nito!
"As if naman?!" Bwelta nang utak ko.
"Hindi nga ako magkakamali kasi nga kakilala ko!" sagot ko ulit dito.
Nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao.
"Boss may problema ba?" tanong ng isa sa dalawang security guard na lumapit sa amin
"Meron boss, ito kasing baliw na'to gustong kunin ang anak ko" kunwari'y galit na akusa sa akin lalaki.
"Anong anak ang pinagsasabi mo dyan?! Kilala ko ang ama nang batang 'to at hindi siya iyun. Tingnan niyo nga ang suot nang bata? Mukhang mamahalin! Sa tingin nyo ba sa itsura ng kumag na yan, eh afford nyang bumili ng ganitong klaseng damit?" tanong ko dalawang sekyu na tila biglang napaisip.
"Kung hindi sya ang tatay eh sino? Pakitawag na lang sir" sabi ng isang sekyu habang ang isa ay hinarangan makalabas ang lalaki
"It's me!" sabi ng boses mula sa aking likuran.
Hindi akong pwedeng magkamali at kahit hindi pa ako lumilingon ay alam kong si Mr. Pogi ito. Sa tanang buhay ko kasi eh siya pa lamang ang nakilala ko na kaboses ni Vin Diesel.
"Ako ang tatay!" dagdag pa nito.
Naka tight fitted na t-shirt ito at naka shorts. Sobrang simple ng suot pero para pa ring modelo kung magdala ng damit.
At ang muscles?!
Dyoskes!
Parang ang sarap pisilin!
"Hoy Lucas ang brief mo kapitan mo baka malaglag" lihim kong pinagalitan ang aking sarili.
Bakas sa mukha nito ang galit at matinding pag-aalala.
"Siya ba ang tatay sir?" tanong ng sekyu sa akin
"Oo ako ang tatay!" sagot ko dito.
"H-huh?" nalilitong tanong nito.
"I mean siya! Siya ang tatay!" namumula kong turo sa lalaki.
"Umayos ka nga Lucas!" bulong ko sa sarili.
Mabilis kong kinuha ang bata sa kamay ng kidnapper upang ibinigay kay Mr. Pogi.
Nagmamadali namang itinulak ng kidnapper ang dalawang sekyu para tumakas. Agad itong tumakbo at hinabol ito ng dalawang security guard.
"You helped me again, thank you!" sabi nito sa akin
He remembered me!
"It's fine. Mag-ingat ka na lang next time" sabi ko dito.
Akma itong may sasabihin pa pero biglang dumating yung dalawang security guard at kinausap ito. Mukhang hindi nila naabutan ang mamang kidnapper.
Sinamantala ko ang pagkakataong iyun para umalis na at hayaan si Mr. Pogi na ayusin kung ano man ang dapat nyang ayusin. Lihim din akong napangiti dahil natatandaan pa pala ako nito...
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

BINABASA MO ANG
I Love My Boss
RomantikR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment