Chapter Thirty

726 24 1
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Breakthrough

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas matapos ang first date namin ni Aiden. Halos dalawang linggo na rin akong walang pahinga dahil sa gabi-gabing pangangalabit nito.

Mas lalo itong naging sweet at showy kahit sa harapan nila manang Esang at mang Ramon.

"Grabeh! Gabi-gabi akong nadidiligan!" lihim akong napangiti matapos maalala ang namagitan sa amin kagabi habang nagtatrabaho.

"Friend okay ka lang?" pukaw sa akin ni Kay ng mapansin nito ang aking pagkatulala.

"Sorry friend may naalala lang" nakingiting sagot ko naman.

"Naalala ang alin? Ang dyug-dyugan ninyo ni Sir Aiden?" pabirong tanong nito na ikinapula ng aking mukha.

Sapat na itong kumpirmasyon upang malaman ni Kay na tama ang kanyang hinala.

"Ahhhhh" kinikilig na tili nito "Kayo talagang mga vakla, you give me life!" tawa nito sabay yakap sa akin.

"Kay anu ba? Nakakahiya!" pinandilatan ko ito.

"Naku friend wala akong pakels! Diba nga supporter aketch ng team CasDen" kinikilig na sagot nito.

"Ewan ko sayo! Magtrabaho na nga tayo" pabirong saway ko dito.

"I am curious at one thing though..." sabi ni Kay makalipas ang ilang sandali.

"Ano naman yun?" tanong ko dito.

"How are you still able to walk? Looking at sir Aiden, para kasing mahilig sa sex ang vibe niya eh" komento nito.

"Kayren Peralta! Really!" namumula kong sagot dito.

Isang malakas na hagalpak na tawa lamang ang isinigot sa akin ng babae.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Kay paki abot naman nung print outs ng invoices nung 2017" pakisuyo ko sa babae.

"What do you need them for?" tanong ni Kay habang inaabot sa akin ang mga dokumento.

"Gusto ko lang i-review ulit yung details ng expenditures at signitures ng invoice par masigurado na wala tayong na miss out" sagot ko dito.

Muli kaming nagtrabaho ng babae. Si Kay ang taga-input ng detalye sa software habang ako naman ang taga double check para masigurado na tama lahat ang nakalagay dito.

"Ay friend may naiwan na isang invoice dito from the 2017 files" sabi ni Kay sa akin ng mapansin nito ang isang resibo.

"Sige Kay, paki recite na lang yung invoice number para maisingit ko sa file para siguradong in chronological order siya" sagot ko

"Sure. Yung invoice number is TR0765-125"

"Ay friend meron na ko nyan dito. Baka nadoble lang ng print out"

"Ah ganun ba, buti naman kasi medyo malaki yung amount mahirap kapag ito ang malampasan natin" komento nito.

"Yeah right!" biro ko "barya lang sa kumpanya ang P15,000.00" natatawa kong sagot dito.

"P15,000.00 ka dyan!? P250,000.00 din to noh!" baling nito sa akin "sigurado ka bang tama ang invoice number na tinitingnan mo?" Paniniyak nito.

"What?! Seryoso ka?" balik tanong ko sa babae.

Bigla kaming natahimik ni Kay. Nagmamadali itong lumapit sa akin upang siguraduhin na hindi ako namamalikmata.

Matapos kumpirmahin ni Kay na pareho nga ang invoice number na nakasulat ay nagkatitigan kami pareho. Walang salitang namagitan sa amin dahil pareho kami ng nasa isip.

This is the breakthrough that we have been searching for all this time!

Naging mabilis ang mga sumunod na naganap. Inumpisahan ulit namin ni kay na isasahin ang invoice number at napag alaman namin na hindi lang sa taong 2017 makikita ang mga dicrepancies. It goes way back from five years ago before the Alcantara management.

"Papaano nakalusot ang ganito kalaking amount sa audit?" tanong ni Kay.

"Hindi ko din alam Kay, pero one thing is for sure, ito ang hinahanap na anumalya ni Aiden sa kabulukan na nangyayari sa kumpanya" sagot ko dito.

"And look at the signatures" turo nito sa resibo.

"Mr. Guillardez and Mr. Laquesta" sabi ko.

"Ang mga talipandas! Kaya pala nakikialam sa trabaho natin! May ginagawang kababalaghan" di maitatago ang inis at galit sa boses ni Kay "We need to let Sir Aiden know right away" dag dag pa nito.

"I agree. Tara" aya ko dito.

Nag-uumpisa na kaming magligpit ni Kay ng lumapit sa amin si Raffy.

"Done working already?! Bilis niyo naman!" pabirong bati nito.

"Hindi naman, may i-report lang kami kay sir Aiden" sagot ni Kay.

"Ohh tamang-tama pala! Ako din may papamirhan kay Sir kaso sabi ng secretary niya eh nasa warehouse daw natin sa Ortigas si sir. As a matter of fact papunta na rin ako dun because these documents are urgent" paliwanag nito "sabay na kayo?" aya pa ng lalaki.

"Sure" sagot ko.

"Hulog ka talaga ng langit Raffy!" nakangiti namang pahayag ni Kay.

"Sige see you sa car park na lang" sagot ni Raffy at nakangiting lumayo sa amin.

"Una ka na Kay, sunod na ko" sabi ko sa babae matapos kaming magligpit.

Tumango lamang ito bago umalis.

'We finally had a break through. Sasabay na kami kay Raffy papunta dyan sa warehouse sa Ortigas. See you soon.'

Nag text ako kay Aiden bago sinundan ang dalawa.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon