Chapter Thirty-Three

699 30 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Resignation

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Hindi na ako nagtagal sa ospital at kinabukasan din ay pinauwi na ako ng mga doctor. Ayon sa kanilang pagsusuri, bukod sa nabugbog na kalamnan, ay wala naman akong natamong pinsala na dapat naming ikabahala.

Halos makabasag pinggan ang katahimikang nangibabaw sa loob ng aming sasakyan habang nasa byahe.

"Mauunawaan mo din kami anak" sabi ng aking ama matapos kong maupos sa gilid ng aking kama.

"Sabi ninyo sa akin ni mama na kailangan kong maging wise sa pagpili ng taong mamahalin dahil maraming mga oportunista na pwedeng manloko sa katulad ko lalong-lalo na dito sa pilipinas" panimula ko.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy habang pinipigil ang pagpatak ng aking luha.

"Pero bakit ngayong nakakita at nakakilala na ako ng isang mabuting tao na totoong nagmamahal sa akin ay tsaka nyo gustong hadlangan?" Tanong ko.

"Anak hindi mo nauunawaan ang punto namin ng mama mo" sagot nito.

"Hindi talaga, pa!" medyo napataas ang aking boses.

"Hoy Lucas! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo!" Paalala ni kuya Kiel mula sa likuran ni papa.

Tiningnan lamang ito ng aking ama at sinenyasang palampasin na lamang ako nito.

"Kung talagang mahal ka ni Aiden ay dapat hindi ka niya nilagay sa panganib. Kasi diba dapat pagmahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para hindi siya masaktan o mapahamak? Paano ka nakakasigurado na hindi ka lang niya ginamit upang malaman kung sino ang magnanakaw sa kumpanya niya?" tanong ni papa.

"It was my choice to help him! I made that decision because I LOVE HIM! It is not fair for you to blame him for the choices I made!" katwiran ko "at hindi mangagamit si Aiden! He is a good man!" pagtatangol sa lalaki.

"Anak-" tinangka ni mama na kausapin ako ngunit hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin.

"Magpapahinga na ako ma" paalam ko.

"Huwag kayong mag-alala magbibigay na ako ng two week's notice sa trabaho. Tatapusin ko lang yung mga dapat kong tapusin para hindi mahirapan masyado si Kay and then I will leave" dag dag ko pa bago nagbalot ng kumot at humagulgol ng iyak.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Halos isang linggo din akong nagmukmok sa aking kwarto habang nagpapagaling. Nakadagdag sa aking lungkot ang hindi pagpaparamdam ni Aiden. Wala man lang akong tawag o text na natanggap mula dito at hindi rin ito sumasagot sa akin.

"Siguro nga tama sila mama at papa" bulong ko sa sarili "kasi kung mahal talaga ako ni Aiden ay dapat ay ipinaglalaban niya kami but he didn't....... letting go maybe the right choice afterall" napaluha ako.

Tiningnan kong muli ang aking sariling repleksiyon sa salamin at halos hindi ko na makilala ang taong nakaharap doon. Mabilis akong nangayayat sa loob lamang ng maikling panahon.

Namumugto at nanlalalim rin ang aking mga mata. Wala na ang dating sigla at saya na dati ay makikita sa akin.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Kalat na kalat sa buong kumpanya ang nangyari kaya naman marami ang sumalubong at nangamusta sa akin. May mga nagbigay ng simpatya at meron din naman pumuri sa achievements at tapang na ipinamalas namin ni Kay. Tipid na ngiti lamang ang isinagot ko sa mga ito.

"Hindi man lang ako sinalubong ng kapre" inis na bulonh ko sa sarili matapos umasa na si Aiden ang kaunahang lalapit at mangangamusta sa akin.

Wala sa loob akong napabuntong hininga.

"Friend okay ka lang?" tanong ni Kay sa akin ng kaming dalawa na lamang "yung totoo?"

Hindi ko napigilang maging emosyonal at ilahad sa babae ang aking saloobin pati na rin ang plano kong pagre-resign sa trabaho.

Tinangka nitong baguhin ang aking desisyon at bigyan ng katwiran ang naging kilos ni Aiden subalit buo na aking pasya. Mahigpit akong niyakap ni Kay habang pinapalubag nito aking kalooban.

Makalipas ang ilang sandali ay nagdesisyon na akong lumapit kay Ms. Ramirez upang ibigay ang aking resignation letter. Di maitatago ang gulat sa mukha nito ngunit hindi rin ito nagtanong kung bakit. Tango lamang ang isinagot nito.

"This is for the best. Siguro nga we are not meant to be dahil hanggang ngayon ni anino ng kapre ay di ko pa nakikita" sa isip-isip ko.

Bumalik ako sa aking lamesa at ilang sandali pa ay nakita ko na pumunta ang sekretarya ni Aiden patungo sa opisina nito bitbit ang aking resignation letter. Wala pang ilang minuto ay humahangos na lumabas ng pinto ang lalaki.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko si Aiden matapos ang insidente. Mabilis na nagtama ang aming paningin at parang nakita ko ang aking sarili sa lalaki.

For the first time ever since I met him, he does not have the arrogant and over confident look that I'm used to seeing. The air of authority is gone and obvious din na nabawasan ang timbang ang lalaki. The immaculate clean shaven face is now replaced by a week's old of facial hair.

Tumingin ito ng matiim sa akin bago nito nilukot ang aking resignation letter. Walang sabi sabi itong umalis at nag walk out. Muli na naman akong napaiyak.

"Friend" mabilis na yumakap sa akin si Kay.

"Putang inang kapre yun! Walang paninidigan" humahagulgol kong sabi sa babae.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Para akong robot na pinilit magtrabaho buong mag hapon. Tanging ang masayang kumpanya lamang ni Kay ang nagsilbing daan upang malampasan ko ang araw na iyun.

Hindi na bumalik at nagpakita pa si Aiden sa opisina matapos nitong mag walk out. Nag-uumpisa na akong magligpit ng aking gamit ng makatanggap ako ng text galing kay mama.

"Please anak dumeretso ka na ng uwi dito sa bahay. Kanina pa nandito si Aiden kausap ang papa at kuya mo"

Nagmamadali akong nagpaalam kay Kayren upang umuwi.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon