Chapter Eight

1K 42 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I am Aiden Alcantara

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Para akong nagkaroon ng 'de ja vu' dahil muli kaming kumain sa Italian restaurant na nauna naming kinainan. Naupo din kami sa dati naming pwesto. At si Aiden lang ulit ang umorder ng pagkain para sa aming dalawa.

Hindi lang iyun, wala ring pinagbago ang paraan ng pagkakatitig nito sa akin habang naghihintay kami ng pagkain.

"Sir about dun sa proposal ninyo" basag ko sa katahimikan makalipas ang ilang sandali.

"You can have your things ready tonight and start living with me tomorrow. Pwede mong iwanan muna yung mga gamit mo sa lobby at ipapakuha ko na lang sa driver mamaya" putol nito sa aking sasabihin.

"E-excuse me?" parang namali ata ako ng dinig.

"You decided to accept the proposal, I know" puno ng kumpyansa ang boses nito na aking lubos na ikinainis.

"Wow! Assuming ang kapre!"

"Bakit niyo naman naisip na tatanggapin ko ang proposal ninyo?" di makapaniwalang tanong ko dito.

"Because it is a good business proposal" tanggap ko na sana ang sagot niyang ito dahil may sense pero ang ingleserong kapre naisip pang dagdagan "and I am Aiden Alcantra, nobody says no to me"

"Putik ang yabang! Akala ko mabait nung una kasi concern sa pamangkin niya pero daig pa pala ang signal number four na bagyo sa kayabangan!"

"Actually sir, thank you but I would like to decline your offer" biglang nagbago ang aking isip upang turuan ng leksyon ang hambog na kapre.

"Ohhh? And why is that?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Enough na naman po kasi yung kikitain ko sa kumpanya kaya hindi ko na po kailangan ng second job. Umiiwas rin po ako sa mga posibleng maging issue kapag nalaman ng ibang empleyado na nakatira ako sa bahay ninyo" palusot ko dito.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Pwersahan nitong iniharap ang upuan sa kanya. I was cornered! Yumuko ito at inilapit ang kanyang mukha sa akin ng sobrang lapit.

"S-sir?" magkahalong excitment at kaba ang aking naramdaman.

Mas lalo ata itong gumwapo sa malapitan. Nalanghap ko rin ang hininga nito na sobrang bango! And those lips! Talaga namang super kissable!

"Are you sure that you're ready to face the consequences of saying no to me?" tanong nito na may halong pagbabanta habang nakatingin sa akin.

"Perhaps you're saying no to me on purpose to experience such consequences?" biglang nagbago ang tono ng pananalita nito na parang nanunukso.

Kitang kita ko ang paglipat ng mga mata nito sa aking labi!

"O baka naman gusto mo lang kumbinsihin pa kita?" nanatili ang tingin nito sa aking bibig. "Tell me Lucas, what do you want?" tila nang-aakit na tanong nito.

"S-sir b-baka po kung anong isipin ng mga tao" napasandal ako sa sandalan ng aking upuan.

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib kasabay ng paninikip ng aking pantalon. Parang may sariling isip si jun-jun na unti-unting nagkakaroon ng buhay.

"Anong tao? I rented the whole place so we can have privacy" anito na tila proud pa sa kanyang ginawa.

Doon ko lamang napansin na wala ngang katao-tao sa loob ng restau, which is unusual dahil lunch time ngayon! Dapat puno ang kainan!

Nanlalaki ang aking mga mata na napatingin sa lalaki! Isang killer smile lamang ang isinagot ni Aiden sa akin.

"So tell me Lucas, sa anong paraan mo gusto kitang kumbinsihin? Tanong muli nito habang lalong idinikit ang mukha niya sa aking sariling mukha.

Shit!

"I can be really persuasive you know..." halos pabulong na ang ginawa nito.

Tumindig ang aking mga balahibo!

Ibinaling ko ang aking mukha sa kanan upang umiwas sa nanunukso nitong tingin. Inilagay ko rin ang aking kaliwang kamay sa dibdib ng lalaki upang itulak ito ng bahagya.

"S-sige sir p-payag na po ako!" habol ko anking hininga na sumagot dito.

Unti-unting kong naramdaman ang paglayo nito sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para tingnan ito.

Nakatayo lamang si Aiden habang abot tenga ang ngising nakatingin sa akin.

"Hambalusin kaya kita dyan! Diyoskes! Para kong aatakihin sa puso!" sabi ko sarili habang napahawak sa aking dibdib!

"Shall we eat?" tanong nito sa akin bago sumenyas sa waiter upang dalhin na ang aming pagkain.

Parang gusto kong sapatusin ang walang hiya!

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon