••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Promotion
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
"Anong ganap Kay?" tanong ko sa babae pagkapasok ko sa opisina kinabukasan.
Muntik na akong ma-late sa trabaho dahil sa traffic kaya hindi ko alam ang buong detalye ng biglaang pagpapatawag ni ma'am Claire ng meeting.
"Naku friend! Sasabihin na ni ma'am Claire yung tatlong project na napili ngayong umaga!" excited na sagot nito.
Bigla akong nakaramdam ng kaba at pananabik! Katulad ng ibang mga empleyado ay umaasa rin kami ni Kay na mapili para sa promotion. Isang malaking hakbang ito sa career naming pareho.
"Okay guys ready na ba kayo malaman ang resulta?!" nakangiting tanong ni ma'am Claire sa buong department.
Isang malakas na hiyawan at palakpakan naman ang isinagot namin dito.
"Ang first group ay sina...." bigla itong huminto para may drammatic effect ng kaunti.
Isang empleyado din ang nag-drum sa lamesa habang lahat kami ay pigil hiningang nag hihintay!
"Ang first group ay sina Mr. Hidalgo at Mr. Espiritu" isang malakas na palakpakan ang sumalubong sa unang grupo habang papunta ito sa harapan.
"Ang second group ay sina Ms. Villareal at Ms. Ditablan!" muling nagpalakpakan ang mga empleyedo.
"At ang last group na napili ay sina Mr. Del Rosario at Ms. Peralta!"
Biglang napatalon sa tuwa si Kay at wala sa loob ako nitong niyakap. Halos mabingi din ako sa lakas ng tili ng babae.
"Aaaahhhhh friend! Wagi sa effort! Kahit tiis ganda na ko sa pagpupuyat at kaka stress okay lang worth it naman!" nakangiting sabi pa nito sa akin at tsaka ako hinila papunta sa harapan.
"Mr. Hidalgo and Mr. Espiritu will be relocated sa branch natin sa Parañaque to adopt the concept of their proposal doon. Nasa lobby na yung sundo ninyo so you guys better get going" nakingiting wika nito sa dalawa.
"Okay po ma'am" sagot ng mga ito.
"Ms. Villareal at Ms. Ditablan, kayo naman ay mapupunta sa Ortigas to oversee the implementation of your project. Nasa lobby na rin ang sundo ninyo." Baling nito sa dalawang babae.
"Thank you po ma'am" sagot ng dalawa.
"Mr. Del Rosario at Ms. Peralta, kayo naman ay lilipat sa 30th floor at dun na kayo magtatrabaho starting today" sabi nito sa amin ni Kay.
"Yes ma'am" sagot namin.
"Sa ibang grupo na hindi napili, better luck next time okay. I'm sure marami pang opportunities na darating" sabi ni ma'am Claire bago ito umalis.
Dismayado man ang ilan sa karamihan ay
nagawa pa rin ng mga itong ngumiti at batiin kaming anim.Pagkatapos noon ay nagpaalam na ang apat na napiling empleyado upang pumanta kani-kanilang branch habang kalakip ang pangakong magkikipagkita pa rin ang mga ito sa amin sa labas ng trabaho.
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
"Grabe friend! Pang executive floor na ang beauty natin ngayon!" excited na sabi ni Kay habang nakasakay kami sa elevator.
![](https://img.wattpad.com/cover/322885894-288-k215689.jpg)
BINABASA MO ANG
I Love My Boss
RomanceR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment