Chapter Twenty-seven

745 27 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Prelude to a memorable night

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Sa isang bowling alley kami pumunta ni Aiden. Nag pumilit kasi ang kapre na pumunta kami sa lugar na gusto ko kaya dito ko siya niyaya.

"Miss two games for both of us please" sabi ni Aiden sa babae sa counter.

"Ay sir yung next available lanes po eh one hour from now pa" sagot ng babae habang todo ang ngiti at titig nito kay Aiden na aking ikinainis. "If willing po kayo maghintay, I will book you in on the next available lane" dagdag pa nito sabay hawi ng buhok sa likod ng tenga.

"Ay si ate lumalandi! Feeling cute! Hindi naman!" gigil kong bulong sa sarili.

"What do you think Lucas?" baling ni Aiden sa akin.

"Sige maghintay na lang tayo tutal naman meron silang billiard table. Tambay na lang muna tayo dun" sagot ko dito.

"Okay then, book us in please" sabi ni Aiden sa babae.

"Sir ano pong name nila para tatawagin namin kayo kapag pwede na. Also yung phone number na rin po para kung sakaling lumabas kayo eh magpapadala kami ng SMS to inform you?" tila nag niningning ang mga mata nito sa antisipasyon.

"Hmmph! Not on my watch bitch! Landi ni ate girl! Kakagigil!" wari ko sa sarili sabay putol kay Aiden bago pa nito masagot ang tanong ng babae.

"Put it under Lucas na lang miss at i-inform na lang namin kayo kapag lalabas kami ng bowling alley as for now we are both keen on waiting around your billiard table." taas kilay kong sagot sa babae na ikindismaya nito.

"OA ka Lucas! Obvious na obvious ang pagseselos mo! Ingles ingles ka pa dyan! Kalerki!" saway ko sa sarili.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"You don't need to be jealous you know" tukso sa akin ni Aiden habang naglalakad kami papunta sa isang billiard table.

"Excuse me?!" bigla akong napalingon dito. "I'm not sure what you meant sir" pagmamaang maangan ko sa lalaki sabay irap.

"Bwisit na kapre to baklas ang ngiti! Sarguhin kaya kita dyan ng makita mo!" bulong ko sa sarili ng medyo nakaramdam ako ng inis sa panunukso nito.

"Would it hurt you to admit it?" pangungulit nito.

"Sir-" mangangatwiran sana ako dito ngunit hindi na ako nito pinatapos.

"Call me sir one more time and I swear I will not only kiss you right here in front of everyone but I will also carry you out of this place like a bride and punish all night long in OUR bedroom!" may halong pagbabanta sa boses nito na bahagya pang lumapit sa akin.

Nakaramdam ako ng panliliit dahil sa height difference namin, pati na rin ng pamumula dahil alam kong seseryosohin nito ang sinabi.

"Sorry" tangi kong naisagot dito.

"Sorry what?!" tanong nito na inilapit ang mukha sa akin.

Naamoy ko ang mabangong hininga nito, pati narin ang pabangong gamit ni Aiden. Para itong aphrodisiac na dumaloy pababa sa aking pagkalalaki na naging dahilan ng paninikip ng aking pantalon.

"A-aiden" sagot ko dito habang hindi inaalis ang tingin sa gwapong mukha nito.

"Good!" nakangiting sagot nito habang unti unting lamayo sa akin. "And don't forget, THIS IS A DATE! Tonight, I am not your boss BUT YOUR BOYFRIEND! And you don't need to feel jealous of anyone because I only have my eyes on you and only you!" sabi nito sabay lakad sa malapit na billiard table.

Nakaramdam ako ng magkahalong kilig at tuwa sa pahayag ng lalaki.

"Hudas na kapre to! Lakas makapag pakilig! Nakaka- turn on ang pagkabrusko ng walanghiya!" nakangiti kong bulong sa sarili.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Naging masaya ang mga sumunod na sandali. Magaling maglaro ng bilyar si Aiden kaya naman na challenge ng husto ang ego at pagiging competitive ko. Nakailang games din kami subalit bilang na bilang sa daliri ang naging panalo ko.

"Is that it? Surely you can do better than this?" magkahalong biro, panunukso at saya ang boses nito.

"Warm pa lang to" nakangiti kong sagot sa lalaki.

"How much warm up could you possibly need?" tumatawang tanong nito.

"Hmmph!" pabirong ingos ko dito.

"Wait ka lang kapre ka! Ilalampaso kita sa bowling mamaya! Buset!" bulong ko sa sarili.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Matapos ang ilang oras ay tinawag na kami sa harapan ng counter upang ipaalam na meron nang available na linya. Habang kinukuha namin ni Aiden ang aming sapatos ay may isang grupo ng kabataan ang dumaan sa aming likuran.

Rinig na rinig ko ang komento ng isang babae sa kaibigan nito na pinuna ang taglay na kagwapuhan at kasexihan ni Aiden. Lihim akong nainis dahil tila isang napakasarap na putahe si Aiden na pinaglalawayan ng mga kababaihan.

"Anak ng democles! Ano nangyari sa conservative nature ng mga pilipina?! Kapag nakakita ng gwapo, automatic na bumababa ang mga panty! Hmmph!" palihim akong nairita at lalo pang kumulo ang aking dugo ng makita ang nakakalokong ngiti ni Aiden.

"Ngini-ngiti mo dyan?" inis kong tanong dito.

"You" maikling sagot nito.

"Care to explain?" lalo akong nang galaiti sa inis.

"You're jealousy" wika nito "if looks could kill, those poor girls would have dropped dead by now" dag-dag pa nito.

"Hmmph!" sagot ko.

"Don't get me wrong, I like it when you get jealous" sobrang lapad ng ngiti ng kapre.

"They can stare all they want BUT at the end of day YOU BELONG TO ME!" hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sabihin Ĺang mga katagang iyun.

Hindi lang ako ang nagulat, maging ang mokong ay speechless din!

"Serves you right!" bulong ko sa sarili habang dali daling umalis upang pumunta sa bowling lane namin ni Aiden.

Laking pasasalamat ko na medyo madilim ang ilaw sa may bowling alley dahil sa party ambiance ng lugar at naitago nito ang tila mansanas na pamumula ng aking mukha!

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon