Chapter Two

2.2K 72 0
                                        

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

First meeting is a 'chance'

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

It has been five days simula ng magtrabaho ako sa cafe ni kuya Kiel. Madali kong na pick up ang mga trabaho mula sa pagkakahera hanggang sa pagse-serve sa mga costumer.

Maayos mag patakbo ng negosyo si kuya at makikita ito sa kanyang mga empleyado. Masaya parati ang ambiance ng lugar at halos lahat ay parating nakangiti.

Abala ako sa pagliligpit ng lamesa ng bigla akong makarinig nang umiiyak na bata sa may di kalayuang booth. Hindi ko ito gaanong binigyan ng pansin noong una, subalit lalo lamang lumakas sa pag-iyak ang bata hanggang sa umabot na ito sa punto na nag-umpisa na itong pagtinginan ng mga tao.

Bahagya kong nilingon ang direksyon nito at nakita ko na halos hindi na magkanda ugaga ang isang lalaki sa pagpapatahan dito.

Iyung ibang empleyado ng cafe ay nagmagandang loob na subakang patahanin ito, ngunit instead na tumahan ay lalo lamang itong nagwala at nagkumuwag.

Nagpatuliy lamang ako sa pagliligpit bago dinala sa kusina ang mga plato at baso para mahugasan. Hindi rin ako nakatiis na hindi lapitan ang lalaki matapos kong malabas na naririnig ko pa rin ang iyak ng bata.

Nahabag ang aking puso dahil namumula na ito na parang mansanas.

"Sir pwede ko po bang i-try?" Tanong ko sa lalaki.

"Be my guess" sabi nito "I'm not sure what could you possibly do that the rest of them haven't already tried" bakas ang frustration sa boses nito.

"Hmmmppp..... Englesero ang mokong!!! Asa pilipinas ka... heller!!!" sabi ko sa sarili bago ngumiti lamang dito.

"Hello baby... bakit ka umiiyak? Gutom ka ba? Nag wiwi? O nag poop?" kinarga ko ang bata habang kinakausap ito. "Wag ka na mag-cry, ang cute-cute mo pa naman" niyakap ko ito sa aking dib-dib at tinapik-tapik ito sa likuran.

Unti-unting tumigil sa pag-iyak ang bata hanggang sa hikbi na lamang ang maririnig mula rito.

Naka-kunot ang noo ng lalaki na tumingin sa akin. Isinayaw-sayaw ko sandali ang bata hanggang sa tuluyan na itong tumahan. Inilagay ko ito sa kanyang stroller at tsaka binigyan ng gatas. Unti-unting pumikit ang talukap ng mga mata nito habang tinatapik-tapik ko ito sa hita.

"Dapat po kasi sir, wag kayong ma-frustrate kasi nararamdamn po yun ni baby kaya lalo syang umiiyak" nakangiti kong pahayag habang nakatingin sa bata.

"Thank you" sabi ng lalaki.

Nawala ang aking atensiyon sa bata at napunta sa kamay na nakatapat sa aking mukha. Kinuha ko ito at tumayo para kamayan ang lalaki.

"Ayy shit!!! Ang pogi ni sir!!!" sabi ko habang parang namalik matang nakatitig dito.

Matangos na ilong, mahahabang pilik-mata at mapupulang labi ang sumalubong sa akin. Parang itong artistang naligaw dito sa cafe. Maputi at may katangkaran! Para akong unano sa height ko na 5"7 kung ikukumpara sa height nitong tantsa ko'y almost 6 feet!

"Thanks for the complement! Pwede ko na bang makuha ang kamay ko?" nakangiting tanong nito

"H-huh?!" para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos mapagtanto kung bakit nagpasalamat sa akin ang lalaki!

Bigla kong binawi ang aking kamay at inilagay ito sa aking bibig! Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at tenga.

"S-sorry sir" nauutal kong sabi dito bago nagmamadaling tumakbo pabalik sa loob ng kusina.

"Diyos ko lord! Sana lamunin na 'ko ng lupa ngayon din!" napasandal ako sa pader habang nanlalambot na napaupo dahil sa kahihiyan.

Pinalipas ko ang ilang sandali bago sumilip sa aking pinagkakataguan. Nang makita ko na wala na ang lalaki, ay tsaka lamang ako lumabas.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon