••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Drama before the finale
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay dahil pagmulat ng aking mga mata ay sinalubong ako nang nag-aalalang mukha ng aking pamilya.
"Ma? Pa?" tawag ko sa mga ito.
Nagtangka akong bumangon ngunit nakaramdam ako ng panakit sa aking buong katawan.
"Anak! Salamat sa diyos at nagising ka na!" umiiyak na pahayag ng aking ina.
"A-anong nangyari? A-asan ako?" tanong ko dito habang dahang-dahang hinawakan ang aking ulo.
"Hindi mo ba natatandaan?" tanong naman ng aking ama.
"Natatandaan?" medyo litong tanong ko sa sarili subalit panandalian lamang ito dahil muling nanumbalik sa akin ang lahat ng pangyayari!
"Oh my god! Si Kay!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa mga ito.
"Kung ang inaalala mo ay yung katrabaho mo, wag kang mag-alala kasi safe siya kasama ng amo mo na naghihintay sa labas" tila noon ko lang napansin ang aking kuya na naka-upo malapit sa upuan.
Hindi ko maintindihan kung bakit may bahid ng kaunting galit sa boses nito
"Thank God! Pwede ko ba silang makita?" tanong ko dito.
Nagtinginan muna ang aking pamilya ng makahulugan bago tumango si papa kay kuya. Lumabas ito ng kwarto upang tawagin si Aiden at si Kay.
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
"Oh my God! Lucas!" humahangos na yakap sa akin ng babae.
"A-aray!" daing ko matapos mapadiin ang pagkakayapos nito sa akin.
"Ay sorry" agad na paumanhin nito.
"I'm glad na okay tayo pero ano nangyari kina Raffy?" tanong ko sa babae.
Doon isinalaysay ni Kay ang mga sumunod na naganap pagkatapos kong nawalan ng malay.
Ayon dito, natanggap ni Aiden ang aking text bago kami umalis.
Nakasulubong ito ng babae habang tumatakas sa warehouse na kasama ang mga pulis. Nadakio ng mga ito si Raffy, pati na ang isang kasabwat nito subalit ang nambugbog sa akin ay tinangkang tumakas at manlaban kaya napilitan ang mga pulis na depensahan ang kanilang sarili.
Kasunod ng pag dala sa akin sa ospital ay ang pagkakadakip din kina Mr. Laquesta at Mr. Guillardez dahil sa pagnanakaw nito ng pera sa kumpanya
"Nawalan lang ako ng malay ang dami ng nangyari!" bulong ko sarili.
"Don't you ever scare me like that, Lucas" lumapit sa akin sa Aiden at humawak sa aking kamay "I don't know what I will do without you! I love you!" naiiyak na pahayag nito.
Naantig ang aking puso at noon ko lang napansin ang putok na labi ng lalaki ng mapatingin ako sa mukha nito
"Anong nangyari?" gulat ko na tanong ko dito sabay haplos sa gwapong mukha ng lalaki.
"Mahal?!" sigaw ni kuya Kiel "Kung mahal mo ang kapatid ko eh hindi mo ilalagay sa panganib ang buhay niya bwisit ka!" nakita ang pagtikom ng kamao nito at nagmamadali namang lumapit dito si Mama upang awatin ito.
It doesn't take a genius to figure out kung sino ang dahilan ng galos sa mukha ni Aiden.
"Ha?! A-anong-" hindi ko natapos pa ang aking sasabihin dahil si papa naman ang nagsalita.
"Ipapakuha ko na sa kuya mo ang mga gamit mo. Uuwi ka na sa bahay at magku-quit ka na sa trabaho mo kapag nakalabas ka na ng ospital" pahayag nito.
"Pa?!" Bakas ang pagkagulat sa aking tinig.
"Sir I am so sorry that I have put your son's life in danger but that was never my intention" sabi ni Aiden sa aking ama.
"I love your son with all my heart and soul, with every fiber of my being! If I could turn back time to change what happened, I would! I would trade places with him because seeing him like this and in pain, breaks my heart!" dag dag pa nito.
"Pa walang kasalanan si Aiden?" depensa ko sa lalaki.
"Nasa kanya ang yaman at kakayahan para mag hire ng taong mas qualify na mag iibistiga sa nangyayari sa kumpanya niya pero mas pinili niyang ikaw ang gumawa nun without knowing full well the extent of those people will take to protect their secrets!" sabi nito.
Pati si papa napapa-ingles na.
"That was a miscalculation on my part and for that I apologize but that doesn't change the fact that I love your son! It is unfortunate that our first meeting is under this circumstances but if you can give me another chance I will use the rest of my life to convince you that I can protect him! That I will love him! That I deserve him!" pakiusap ni Aiden sa aking ama.
"Wala ng maraming usapan pa! Uuwi ka na sa amin ng mama mo!" Pinal na sagot ni papa.
"S-sir" pagsusumamo ni Aiden.
"Umalis ka na bago pa kita kaladkarin at dagdagan ko pa yan pasa sa mukha mo!" segunda naman ni kuya Kiel.
"K-kuya!" saway ko dito.
Parang maamong tupang tumingin sa akin si Aiden. Bakas ang matinding pagtutol sa mukha nito na iwanan ako subalit dahil na rin sa respeto sa aking pamilya ay napilitan ito.
"Aiden! No!" tangka ko sanang pigilan ang lalaki subalit hindi ko magawa dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Para akong pinagbasakan ng langit at lupa sa sobrang panigbuho.
"Is this how our story ends?" tanong ko sa sarili.
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
BINABASA MO ANG
I Love My Boss
RomanceR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment