Chapter Four

1.2K 52 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Third meeting is 'destiny'

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag mula sa AlcaTech Industries. Lubos ko itong ikinatuwa dahil sa wakas ay nagbungga na rin aking pag titiyaga! Pinag uumpisa na ako sa Lunes for induction!

Ayon sa HR na aking nakausap ay required nilang mag start ang lahat ng aplikanteng natanggap in time para sa pagpapakilala ng bagong owner ng kumpanya.

Kinagabihan ay masaya kaming nag celebrate ng aking pamilya. Masaya kaming nag nagsalo-salo at kumain sa labas.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Dumating ang Lunes, at sobrang excited na akong pumasok. Maaga akong nagising at naghanda. Wala na nga akong planong mag-almusal subalit pinilit ako nang aking ina. Syempre unang araw sa trabaho kaya dapat mag pakita ako ng magandang impression, and being late isn't one them.

Nakarating ako sa office bulding, thirty minutes early. Akala ko ay ako ang unang empleyadong darating pero may mas maaga pa pala sa akin. Nilapitan at nakipag kilala ako sa isang grupong naghihintay sa lobby habang naghihintay.

Makalipas ang ilang sandali ay lumapit sa amin ang HR manager na si Claire at sinamahan kami papunta sa isang malaking conference room para sa induction. Umupo ako sa pinaka sulok na upuan at nakinig sa kwentuhan ng mga tao sa aking paligid.

"Girl alam mo na ba ang latest chismis?" sabi ng isang babae sa kapwa nya empleyada.

"Hindi pa friend, ano ba yun?" balik tanong naman nito.

"Ang chika sa taas eh si Aiden Alcantara daw ang bagong may ari ng kumpanya. Kaya nga AlcaTech Industries na tayo ngayon, as in short for Alcantara Technology" paliwanag nito.

"As in yung playboy billionaire?" tanong ulit ng isa.

"Girl ang slow mo na talaga sa balita" tumawa muna ito bago nag patuloy "old news na yan! I heard after mamatay sa aksidente ang kapatid at brother-in-law nito last year, eh inampon ni Aiden yung pamangkin niya. He decided to raise the kid as his own. Apparently he became a change man after that, wala nang nali-link sa kanya ever since. Kaya nga mas lalo siyang naging isa sa mga sought after na lalaki ngayon!" mahaba at tila kinikilig na paliwanag nito.

"Hindi lang siya ang huli sa balita! Ako din! Ni hindi ko nga kilala 'tong Aiden Alcantara na to... oh well ang importante pinapasahod niya ko" sa isip-isip ko.

Umiinom ako ng tubig ng biglang tinawag ng HR manager ang bagong may ari sa harapan para magbigay ng speech.

"Oh my God! It's HIM!" nahirinan ako sa aking iniinom matapos makilala ang lalaking nakatayo sa harapan.

Si Mr. POGI ang boss ko!

Inubo ako ng walang tigil dahil dito. Hindi lang tumalsik palabas ng aking bibig yung tubig, lumabas din ito mula sa aking ilong! Halos maluha ako sa kauubo!

Nakakahiya!

Hindi natuloy ang speech ni Aiden dahil napunta sa akin ang lahat ng attention ng mga empleyado.

Parang gusto ko ng lumubog sa aking kinauupuan ng mga oras na iyon! Hindi ko namalayan na may lumapit na pala sa akin at nag abot ng panyo. Walang pagdadalawang-isip ko itong kinuha at tsaka ginamit.

"Sa-salamat" ani ko sa etranghero habang pinupunasan ang nagkalat na tubig.

"No worries. Are you okay?" tanong nito.

Shit that voice! I would recognized anywhere!

Agad akong tumingin ako sa lalaki at hindi nga ako nagkamali sa aking inisip! Si Aiden nga ang nag-abot sa akin ng panyo. Bakas ang concern sa gwapo nitong mukha.

"N-no sir!" sagot ko at bigla akong napatayo.

"I mean yes sir!" pagtatama ko sa sarili.

"E-excuse me sir!" nauutal kong paalam dito bago nagmamadaling lumabas ng conference room upang pumunta sa banyo para magtago.

So much for making a good first impression!

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon