••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Are you avoiding me?
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
"Shit! Ano bang problema ng kapreng yun?! Ang lakas ng trip! Di naman bakla!" Tanong ko sa sarili habang ginagawa ang report namin ni Kay para sa proposal.
Malapit na rin ang deadline kaya nere-review namin itong mabuti para siguradong ma-cover namin ang lahat ng possibleng weak points ng proyekto.
"Friend kanina ka pa tulala. Ano bang iniisip mo?" pukaw sa 'kin ni Kay.
"Nere-review ko lang kung ano pang posibleng butas ng project natin. Sayang yung promotion pag di tayo napili" sagot ko.
"Naku friend wag ka masyado ma stress kasi dadami ang uban mo niyan" biro ng babae.
"Anong dadami? Marami na nga eh!" Ganti ko naman bago kami muling nagpatuloy sa pagtatrabaho.
"Kailangan kong iwasan si Aiden to avoid futher encounters. Bahala siya kung anong trip niya, basta ako iiwas na lang!" Determinadong bulong ko sa sarili.
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naka pokus lamang kami ni Kay sa trabaho kaya naman pagsapit ng Huwebes ay handang-handa na ang aming report.
Kasabay nito ay maayos ko ring naisagawa ang aking planong pag-iwas sa negosyante. Sa loob ng mga nakalipas na araw ay sinigurado ko na laging nasa oras pananghalian namin ni Kay para maiwasan ang imbitasyon ni Aiden kung sakaling topakin na naman ito at biglang sumulpot sa aking cubicle.
Kapag naman may meeting o kailangang i-follow up at di naman kailangan ng attendance naming pareho ni Kay, ang babae na lamang ang aking pinapapunta lalo na kung kaharap ang kapre.
Palagi din akong nasa oras kung lumabas ng opisina upang makatiyak na mas mauuna akong maka-uwi sa mansion.
Pagdating naman doon ay maaga akong naghahapunan at maaga ko ring pinapatulog si Alexie para makapagkulong ako sa aking kwarto
Lahat ay umayon sa aking plano at wala kaming naging encounters ni Aiden. Akala ko ay permanente nang ganito ang aming set up ngunit nagkamali ako!
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Katatapos ko lamang maligo isang gabi nang muling nasundan ang inkwentro namin ng negosyante.
Dahil walang sariling banyo ang aking silid ay kinailangan kong gamitin ang banyo sa pasilyo. Maaga pa nang mga oras na iyun at alam kong mamaya pa ang dating ni Aiden, kaya naman kampante akong kumilos sa loob ng bahay.
Lumabas ako ng banyo na naka brief at nakatapi lamang ng twalya. Naiwanan ko kasi ang aking shorts sa loob ng aking silid at dahil alam ko na kami lamang ni Alexie ang nasa loob ng bahay ay komportable akong lumabas na ganun ang itsura.
Laking gulat ko ng may kamay na humablot at nagtulak sa akin sa pader. Tumambad sa akin ang seryoso at gwapong mukha ni Aiden.
Itinuon nito ng bahagya ang kanang kamay sa aking dibdib habang ang kaliwang kamay naman nito ay nakalapat sa pader.
"S-sir Aiden?! N-nadito na pala kayo?" gulat na gulat kong tanong sa lalaki.
"Are you avoiding me again? Because I'm sure as hell it feels that way!" Akusa nito habang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
I Love My Boss
RomanceR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment