Chapter Thirty-One

670 30 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Revelation

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"Raffy, are you sure na nandito si Sir Aiden?" tanong ko sa lalaki ng makarating kami sa parking lot ng warehouse at napunang halos walang tao or kotse sa paligid.

"W-well I am not too sure but according to Ms. Ramirez, sir Aiden is giving some sort of tour to our new clients, pero it's weird kasi parang wala namang tao sa paligid" sagot nito.

Nakaramdam ako ng konting kaba at pareho kaming nagkatinginan ni Kay.

"Wala to... kalma lang Lucas... diba sabi ni Aiden kakampi at thrustworthy si Ms. Ramirez" palihim na pangungumbinsi ko sa sarili.

"I think we should contact Sir Aiden to clarify, baka naman nakaalis na sila" suggestion ni Kay.

"Naisip ko din yan kanina pero mukhang mahina ang reception dito" sagot ni Raffy.

"Shit" sa isip-isip ko.

Tiningnan ko ang aking cellphone at nakitang wala nga itong signal!

"Anyway, let us go in na lang and have a look at the place. Kung wala sila eh di bumalik tayo sa office, at least nagkaroon tayo ng excuse to take a break from work" nakatawang sabi si Raffy matapos iparada ang sasakyan.

"S-sure" magkasabay na sagot namin ng babae.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"I think we better head back Raff, wala namang tao dito" sabi ni Kay matapos ang ilang minutong pagsusuri namin sa lugar.

Biglang huminto si Raffy sa paglalakad.

"What's the matter Raff, okay ka lang?" tanong ni Kay.

"Give me the files guys, lets not make it any harder than it already is" sabi nito habang dahang dahang humarap sa amin.

Nagkatinginan kami ni babae.

"A-anong files?" nauutal na tanong ko dito habang sobrang lakas kabog ng aking dibdib.

"Pwede ba wag na kayong mag-maang maangan pa. Alam nyo kung ano ang sinasabi ko" nakangiting sagot ng lalaki.

"Kasabwat ka sa kabulukang nangyayari sa kumpanya?" di makapaniwalang tanong ni Kay

"Look guys, alam naman nating pareho kung gaano kahirap ang buhay dito sa Pilipinas. Siding with Mr. Laquesta and Mr. Guillardez has a lot of financial benefits" sagot nito.

"Huh! Financial benefits?! Paano naman ang prinsipyo at pagkatao mo? Hindi ka ba natatakot sa consequences? Illegal yan!" sabi ko sa lalaki.

"Well hindi naman magkakaroon ng consequences kung walang makaka-alam, which is why I am giving the both of you a chance to join us" kalmadong sagot nito "let us all be on the winning team" dagdag pa ng lalaki.

"At kung hindi kami pumayag?" taas noo kong tanong dito.

"Well that would be unfortunate" napapailing na pahayag ng lalaki.

"Wag na nga tayong mag-aksaya ng panahon dito. Tara na Lucas, umalis na tayo" nakasimangot na aya sa akin ni Kay.

Hindi namin namalayan ni Kay ang paglapit ng mga alipores ni Raffy. Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa aking braso.

Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang isang malaking lalaki na mukhang sanggano. Napatingin ako sa direksyon ni Kay at meron din isang lalaki na nakahawak dito.

"Ano to Raffy?" tanong ni Kay "Bitiwan mo nga ako!" pagpupumiglas ng babae sa lalaking nakawak dito.

"Hindi pa ba obvious?! Either you're both with us or against us" sagot nito "and seems to me that you have already made your choice" wala na ang matamis na ngiti sa mukha ng lalaki.

Napalitan ito ng mala demonyong awra na punong-puno nang pagbabanta!

"Bitiwan mo ko!" naging hysterical naang babae at bakas ang matinding takot sa boses nito.

Hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin, pero gaya ng sabi nila, lahat ng nilalang sa mundo ay merong 'fight or flight' response, at mas pinili ng aking katawan at utak ko na lumaban kaysa tumakbo.

Bago ko pa namalayan ay kusang gumalaw ang aking katawan upang umpugin ang ilong ng lalaking nakawak sa akin gamit ang likod ng aking ulo.

Napahiyaw ang lalaki sa sakit ng mapuruhan ang ilong nito na naging dahilan ng pagluwag ng pagkakahawak nito sa akin.

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Bigla akong humarap dito upang bayagan ito at suntukin sa mukha! Ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas sa suntok na iyon at naging matagumpay naman dahil na KO ang lalaki.

"Shit!" sigaw ko matapos maramdaman ang sakit sa aking kamao.

First time kong nagawa ito dahil kahit kailan ay hindi pa ako napapaway sa tanang buhay ko.

Napansin ko sa gilid ng aking mata na nag tangkang lumapit sa kin si Raffy ngunit sinipa ko ito sa sikmura bago paman ako nito mahawakan. Sinamantala naman ni Kay ang pagkakataong ito upang upakan at makawala sa pagkakawak ng lalaking pumipigil sa kanya.

Mabilis pa sa alas kwatro ang aking naging pagkilos, hinawakan ko ang lalaki sa kanyang bewang upang pigilan ito!

"Kay takbo! Humingi ka ng tulong!" sigaw ko.

Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ng babae ngunit alam nito na mas maliit ang tyansa naming makaligtas kung hindi nito susundin ang aking sinabi.

Nakaramdam ako siko sa aking likuran na naging dahilan upang mapasubsob ako sa semento.

"Ikaw na ang bahala dyan!" utos ni Raffy at nagmamadali itong humabol sa babae.

Wala namang pag dadalawang isip na sumunod ang sanggano. Sunod-sunod na suntok at tadyak ang tinamo ko.

Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa aking ulo at pagputok ng aking labi. Unti unti akong nakaramdam ng pagkahilo.

"Please Lord, hayaan nyo pong makaligtas si Kay!" taimtim kong dasal bago tuluyang nawalan ng ulirat.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon