••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Emergency
••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••
Nag-init ang aking ulo matapos kong madatnan ang eksena sa ospital kung saan naroon ang matanda at si Alexie.
Naabutan ko kasi na isang nurse lamang ang humihingi ng detalye kay manang Esang at siya ring nag-aasikaso sa bata habang ang ibang nurse ay masayang nagkukumpulan at nag chichismisan sa may reception.
Napag-alaman ko din na bago pa lamang sila iniintindi sa ospital mula ng tumawag ito sa akin sa opisina. Dali-dali akong lumapit sa umiiyak na si Alexie upang pakalmahin ito. Pulang-pula na ito sa kakaiyak at pagpupumiglas sa bisig ng matanda.
"Hello baby, I'm here. It's okay. Your safe" sabi ko sa bata tsaka ito inumpisahang isayaw-sayaw at haplusin sa likod.
Madali kong napatapatahan si Alexie hanggang sa hikbi na lamang ang maririnig dito.
"Excuse me nurse, matanong ko lang, bakit ngayon ninyo lang na-entertain sila manang Esang eh samantalang kanina pa sila tumawag sa akin sa opisina?" baling ko sa nurse habang kinukuhanan nito ng temperatura is Alexie.
"Ay sir medyo busy po kasi at tsaka ngayon lang sila napansin ng reception" sagot nito.
"Busy?! Ngayong lang napansin?! Ay putik! Bwisit!" gigil kong bulong sa sarili.
"Miss una sa lahat, bukod sa amin ay meron lang tatlong tao na nangangailangan ng atensyon ninyo dito sa Emergency" panimula ko "pagpagsok ko pa lang kanina ay nakita ko na may limang nurse na nasa reception na nakatengga at abalang-abala sa kani-kanilang mga cellphone. So anong sinasabi mo na busy kayo? Busy saan? Sa pakikipag-chismisan?" litanya ko dito.
"Ay sir naka-standby lang po sila just in case na may mga dumating pa po na ibang pasyente" sagot ulit nito.
"Lintek! Di uubra sa akin ang palusot mo" gigil na gigil kong bulong sa sarili
"Miss walang ibang gaanong pasyente ngayon kungdi kami-kami lang. Hindi ba pwedeng tulungan ka nila? Isa ang kumukuha ng detalye at isa ang nag-aasikaso sa sa bata?" tanong ko dito "For a private hospital your services are pretty damn disappointing?" dag-dag ko pa.
"Kalerki pati ako napapa-ingles na!"
"At isa pa, bakit wala pa ring doctor na lumalapit sa amin hanggang ngayon?" usisa ko dito.
"Lumabas lang po sandali si doc. Ano po ba ang relasyon ninyo sa bata?" tanong nito.
"He's the appointed guardian of my son" sabi ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Unti-unti akong lumingon at parang biglang huminto sa pagtibok ang aking puso sa imahe ni Aiden.
Wala na ang neck tie at blazer nito. Bahagya ring nakabukas ang dalawang butones ng suot nitong long sleeves, habang ang mga manggas naman ay nakalupi ng kaunti sa ibaba ng siko. Medyo magulo din ang buhok nito at bakas ang matinding pag-aalala sa gwapo nitong mukha.
"Kalerki Lucas! It's not the right time and place para pagpantasyahan mo ang kapre!" lihim kong pinagalitan ang sarili!
"Aiden, kanina ka pa?" tanong ko dito.
"I've been here long enough to get the gist of the conversation" sagot nito as akin "How's Alexie doing?" tanong nito.
"Iho, I came as soon as I heard" sabi ng isang matandang babae sa likuran ni Aiden bago pa man ako makasagot.
BINABASA MO ANG
I Love My Boss
RomanceR18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment
