Chapter Eleven

1.4K 67 0
                                        

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

The morning after

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para pumasok. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa namagitan sa amin ni Aiden.

May malaking bahagi ng aking isip ang hindi malaman kung papaano ko siya haharapin ang lalaki ngayong umaga.

I kept blaming myself for getting carried away and for begging Aiden to not stop, instead of resisting his advances.

"Bwisit na kapre yun! Interesado daw sa akin?! Kalerki!" bulong ko sa sarili "tagtuyot siguro sa babae ang mokong kaya ako ang naiisipang pag diskitahan dahil alam na crush ko siya! Hmmp!" dagdag ko pa habang binubotones ang aking polo.

Tiningnan kong muli ang aking sarili sa harap ng salamin bago lumabas ng silid. Muling namula ang aking mukha matapos makita ang markang iniwanan nito sa aking leeg!

"Shit! Wala na bang itataas ang kwelyong 'to?! Dyoskes! Parang nilantakan ng sampung demonyo ang leeg ko!" lihim na pahayag ko sa sarili.

Kumuha ako ng jacket na pandoble upang subukang takpan ang mga chikinini, while quietly praying na sana ay walang makapansin sa opisina mamaya.

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

"S-sir?!" laking gulat ko ng makitang naghihintay itong nakasandal sa labas ng kotse pagkalabas ko ng mansiyon "G-good morning po" bati ko rito habang hindi makatingin ng diretso sa lalaki.

"You're up really early?" nakangiting tanong nito. Napatingin ako sa mga labi ni Aiden at muling nanumbalik sa aking gunita ang mga nangyari kagabi.

"Oh my God Lucas! Get over it! Masyado kang obvious!" lihim kong pinagalitan ang aking sarili.

"May tatapusin pa po kasi kaming last minute changes ni Kay about sa proposal bago po namin ipasa kaya maaga po akong papasok" palusot ko dito "sige po sir mauna na po ako" paalam ko.

"Is that so?" nakataas ang kilay na tanong ng lalaki "baka naman iniiwasan mo na naman ako?" bakas ang amusement sa boses at mukha nito.

"Che! Alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa?! Sapatusin kita dyan eh!" sa isip-isip ko

"Get in the car Lucas" utos nito matapos kong matigilan.

"S-sir?" Ulit ko.

"I said, get in the car para sabay na tayong pumasok" pahayag nito.

"Tingnan mo nga naman 'tong kaprent 'to umagang-umaga sinisira ang araw ko! Iniiwasan nga kita, tapos sasabihan mo kong sumabay na sayo! Pag hindi ba naman ako natuyuan ng dugo! Ewan ko na lang!"

"Sir mag babyahe na lang po ako" magalang na pagtanggi ko sa alok ni Aiden.

Lumapit ito sa akin at tsaka tumitig sa aking mga mata. Awtomatiko akong napaatras subalit hinawakan nito ang aking batok upang ako ay pigilan.

"Why must you continue to resist me so much Lucas?" tanong nito sa akin habang gamit ang kanyang sexy and seductive voice!

"Lucas ang tuhod mo tibayan mo! Huwag kang bibigay!" Paalala ko sa sarili.

"Get in the car because otherwise I will keep my promise to you last night..... and trust me when I say that you and I will not go to work today if that happens" banta nito na may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon