Chapter Twelve

891 46 0
                                    

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Day-off

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

Lumipas ang ilang araw ng hindi kami nagkikita ni Aiden. Nauuna akong umuwi sa mansion pagkagaling sa trabaho at tulog naman na kami ni Alexie kapag dumadating ito sa gabi. Sa umaga naman ay mas nauuna pa rin itong magising at pumasok kahit na late na itong nakauwi.

Isa ito sa mga katangian ni Aiden na aking hinahangaan. Dedikado ito sa trabaho kaya hindi na ako magtataka kung bakit napaka successful ng kumpanya despite sa dating reputasyon ni Aiden na 'party goer' at 'womanizer'.

"Clearly there is more to the man than meets the eye" sa isip-isip ko.

"Hoy Lucas baka naman nafa-fall ka na sa kapre! Hmmp! Huwag kang ilusyonada!" kontra naman ng rational na part ng aking utak.

Dumating ang araw ng Linggo kaya umuwi ako sa amin. Masaya akong sinalubong nila mama at papa. Sabay sabay kaming kumain at nag kwentuhan ng walang katapusan.

Noong una ay bakas ang pag-aalala ni mama na baka napapabayaan ko na ang aking sarili dahil sa aking double job, subalit ng makita nito na masaya ako at malusog ay napayapa rin ang kanyang kalooban.

Dumalaw din aking kuya, hipag at mga pamangkin kaya lalong sumaya ang day-off ko. Ito rin ang naging dahilan upang lubusang makumpleto ang araw ko.

"Isang araw pa lang kayong naghihiwalay ng alaga mo eh mukhang miss na miss mo na agad" nakangiting puna ng aking kuya matapos mapansin nito ang madalas kong pagbanggit kay Alexie.

"Oo nga kuya! Bukod kasi sa pagiging cute eh sobrang bait pa ng baby" sagot ko naman

"Mas cute pa sa akin tito?" nagseselos na tanong ng aking pamangkin.

"Hindi po! Magkasing cute at magkasing bait kayo" sagot ko dito sabay pisil sa kaliwang pisngi nito na naging dahilan para tumawa ito at yakapin ako.

"Baka naman hindi lang si Alexie ang na-mimiss mo?" nakangiti at nanunuksong tanong sa akin ng aking hipag.

"Anong ibig mong sabihin, hun?" tanong ni kuya sa kanyang asawa.

"Ni research ko kasi yung employer ni Lucas na si Aiden Alcantara sa internet. Aba eh makalaglag panty pala sa gwapo ang itsura! Parang artista!" tila kinikilig na sabi ng hipag ko "bet mo?" tanong nito.

"Naku ate saksakan ng bossy yung kapre na yun! Nakakaturn off at tsaka hindi ko siya type!" sagot ko dito "purely professional lang ang relasyon namin" dagdag ko pa.

"Hindi type?! Utot mo Lucas! Lokohin mo lelang mo!" kontra ng isang bahagi ng aking isip.

"Hindi naman sobrang gwapo ang mokong na yun! Nakita ko na siya ng personal doon sa cafe natin! Lamang lang ng isang paligo sa kin yun!" sabi ng kuya ko.

"Oo isa! Isang taong paligo!" kontra naman ng hipag ko na sinabayan pa nang malakas na pagtawa.

"Ahh ganun ha! Lagot ka sa akin mamaya!" pilyong sagot ng kuya ko sabay kindat sa asawa na naging dahilan upang mag blush ito.

"Kiel Alfonso del Rosario huwag sa harapan ng mga apo ko!" singit ni mama kasabay nang pagtakip sa tenga ng pamangkin ko.

Nagtawanan kaming lahat!

••~••🍃🍃🌺🍃🍃••~••

I Love My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon