Anne PoV
Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras? Masyado nang gabi para pumunta siya dito.
Napunta ang tingin niya sa akin ng maramdaman niyang nakapasok na ako sa loob ng bahay.
"Good Evening Ma'am Roose" paunang bati ko.
Akala koy babati siya pabalik ngunit nagkamali ako, subalit tumayo siya at lumapit sa akin.
"Andito ka na pala?" tanong niya na kakaiba ang tono.
"Ano pong ginagawa niyo dito Ma'am Roose, masyado na pong gab---"
Napatigil ako sa pagsasalita ng hinawakan niya ang kaliwang braso ko.
"Nag-enjoy kaba sa Boracay ha?" tanong niya.
May halong inis sa tono ng boses niya.Bakit ba siya andito?
"Ahhh Ma'am nasasaktan po ako"
Pahigpit ng pahigpit yung hawak niya sa braso ko, ramdam na ramdam ko yung mga kuko nya na para bang binabaon niya ito sa pagitan ng braso ko.
"Ma'am Roose"
"Sa labas tayo mag-usap"
Tumalikod siya pagkasabi niya nun, namaga ang braso ko sa pagkakahawak niya. Sinundan ko siya sa labas. Buong akala ko uuwi na siya pero nagkamali na naman ako.
"Hindi pa po ba kayo uu--"
*slap*
Nagulat ako ng bigla niya akong pagbuhatan ng kamay, bakit niya yon ginawa?
"Sinabi ko na sayo diba? Sinabi ko na layuan mo si Zyril pero anong ginawa mo? Dikit ka pa rin ng dikit! Ang kati mo rin no? Siguro nilalandi mo siya dahil sa tingin mo magugustuhan ka niya? Tapos peperahan mo na siya kapag napaikot muna siya! Sabagay ganyan naman kayong mga mahihirap, sabik sa pera, patay gutom, pulubi---"
"Nagkakamali po kayo Ma'am, h-hindi po yan ang intensyon ko kay Sir Zyril"
Kahit hindi naman totoo yung mga sinasabi niya nasasaktan pa rin ako. At kahit kailan hindi ko yun gagawin, hindi ako sabik sa pera, lahat yun walang katotohanan..wala.
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Hindi ako tanga"
Magsasalita sana ako para idepensa ang sarili ko pero naunahan niya muli ako.
"Oh sige diba pera naman gusto mo? Magkano ba gusto mo para layuan si Zyril, isang milyon ba? O baka naman kulang pa yon? Alam ko naman sabik na sabik kayong mahihirap sa pera kaya sige sabihin mo sa akin kung magkano at ibibigay ko sayo! Dalian mo!"
Nag-labas siya ng papel, cheke ata yun. At pilit na tinatanong kung magkano ang gusto ko.
Kahit na kailangan namin ng pera, hindi ako nakaisip na mamera ng tao, pagtratrabahuhan ko ang lahat ng bagay sa tamang paraan, hindi ako kakapit sa patalim kahit anong mangyari.
"Hindi ko po yan matatangap, hindi po ako mukang pera, kung ang tingin niyo po saaming mahihirap ay mukhang pera ay nagkakamali kayo, kaya kung wala ka na pong sasabihin ng maganda ay maari na po kayong umalis"
Isang ngiti lang ang binigay niya sa akin, ngiti na walang makikitang emosyon na masaya kundi galit.
Ikinagulat ko ang sunod na ginawa niya, itinulak niya ako ng malakas kaya napaupo ako sa kalsada
"Ngayun ginagawa mo pa akong tanga, pwes i'm not stupid bitch para maniwala sayo. Ipapaalahanan muli kita tulad sa tingin ko hindi mo ako naintindihan ng sabihin ko sayo to, dati pero sabagay High School lang ang tinapos mo, kaya hindi na rin ako magtataka kung utak ipis ang meron ka"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...