Anne PoV
"Anne! May kailangan kang malaman"
"Oh Elly. Ano ang kailangan kong malaman?"
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Elly, papasok palang ako ng bahay at kakauwi ko lang galing sa school ng bigla siyang dumating na hingal na hingal.
"Si Maricris mukhang may boyfriend na. Nak--"
"Talaga? Sino?" masaya kong tanong.
Kaya siguro hindi ako binibisita nun! Busy sa boyfriend. Hindi man lang niya ipakilala sa akin. Nakakatampo.
"Nakito ko siya hinalikan siya nung lalaki sa isang restaurant"
"Nakita mo ba kung sino?" excited kong tanong.
Ang iniintay kong sagot sa kanya ay hindi kasiyahan ang naramdaman ko kung hindi pagkainis.
"Walang iba kung hindi ang asawa mo Anne. Si Zyril! Niloloko ka ng asawa mo"
Kumunot yung noo ko sa mga iniwang salita ni Elly. Bakit ba puro paninira ang naririnig ko tungkol sa asawa ko?
"Baka naman nagkakamali ka Elly, imposibleng si Zyril yun. Hindi niya ako pagtataksilan"
"Hindi ako bulag Anne, alam kong si Zyril at si Maricris yun. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano halikan ng asawa mo ang best friend mo"
"Hindi kayang gawin yun ni Zyril Elly! Hindi iyon ang asawa ko namamalikmata ka lang!"
Tumalikod ako sa kanya. Ano bang ginawa ng asawa ko para sirain lang nila ng ganun? Una si Mindy ngayun si Elly naman? Nasasaktan ako sa mga paninira nila.
"Maniwala ka Anne. Niloloko ka ni Zyril at ni Maricris. Alam kong may namamagitan sa kanilang dalawa, dahil kung wala ay hindi hahalikan ni Zyril si Maricris. Niloloko ka nila Anne! Mga manloloko sila"
"Tama na Elly! Tama na p-please. Ayoko marinig ang mga sasabihin mo, umalis kana. Layuan mo muna ako. Alam kong ginagawa mo lang to para hiwalayan ko ang asawa ko. Kaya kung pwede layuan mo muna ako" pinipigilan ko ang luhang maaring bumagsak, ayaw ko ng umiyak. Nagsasawa na akong lumuha.
"Ganun ba ang pagkakakilala mo sa akin Anne? Na isang gumagawa ng kwento? Anne, nagsasabi ako ng totoo. Masakit man pero iyon ang totoo. Na pinagtataksilan ka ng asawa mo"
"Sabing tama na eh! Umalis kana! Hindi ako maniniwala sa kasinungalingan mo. Ayaw na kitang makita"
Lahat nalang ba ng nakapaligid sa akin ay sasaktan ako? Nakakapagod na. Nakakapagod ng magtiis ng sakit. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba.
"Hindi kita mapipilit kung hindi ka maniniwala, pero nagsasabi akong totoo. Hindi ko kayang layuan ka dahil mahal kita Anne. Kung hindi ka kayang mahalin ng asawa mo ako kaya kitang mahalin ng higit pa. S-sige aalis na ako"
Pumasok ako sa loob ng mansion at dumiretso sa kwarto namin ni Zyril. Hindi ko na naman napigilan ang hindi umiiyak.
Lagi nalang ba ako lagi? Ang umiyak.
Blag. Blag. Blag.
Nagising ako sa lakas ng bagsak ng kamay sa pinto. Tinignan ko yung oras sa alarm clock halos mag-aalasdose na ng madaling araw. Nakatulog ako ng hindi man namamalayan.
"Damn Anne! Open this fvcking door!"
Tumayo ako ng mabilis ng marinig yung boses ni Zyril na halatang galit na kakalampag sa pinto.
"Bakit ang tagal mo buksan ang pinto ha? Ano bang ginagawa mo babae? Saka bakit ka naglolock ng pinto?"
"Sorry. Nakatulog kasi ako"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...