Last Chapter "Tadhana"

7.2K 120 13
                                    

2 Years Later

Elly PoV

Sabi nila kapag nakatagpo muna ang nakatadhana para sa'yo ay doon mo palang mararanasan ang tunay na saya na kayang ibigay ng pag-ibig. Tama nga naman sila, sa bilyong-bilyon na tao sa buong Earth ay isa lang ang nakatadhana para mahalin mo at mamahalin ka. PERO, hindi mo agad-agad makikita ang taong nakatadhana para sa'yo, oo meron kang karelasyon ngayun, masaya kayo at mahal niyo ang isa't-isa pero nakakasigurado ka ba na siya na ang nakatadhana para sa'yo? Alam ko palagi mo itong tinatanong sa sarili mo, "Siya na kaya ang forever ko?" Tama ako diba? Hindi porket na may girlfriend o boyfriend kana ay siya na agad ang makakatuluyan mo habang buhay! Mali yon oy! Sadyang mahigpit lang itong si kupido at ayaw niya pang ipagtapo ang mga landas niyo. Ito lang ang masasabi ko, tiwala lang! Maniwala ka sa destiny! Totoo yun i swear! Wag magmadali, wag kang atat may tamang panahon para sa inyong dalawa ng nakatadhana para sa'yo.

Parang ako, buong akala ko na si Anne ang nakatadhana para sa akin, isipin niyo na lang kung gaano ako nagpalunod sa pagmamahal ko sa kanya. Ilang beses akong umasa, nasaktan, naglugmok sa kakaiyak at naisip ko na para lang pala akong tanga na umaasa sa kanya na alam ko naman malabong mahalin niya ako. Sabi ko nga malupit itong si kupido kaya pinahirapan akong mahanap ang taong mamahalin ko  at mamahalin din ako, ang tagal niya kasing pinana ang babaeng para sa akin. Bad trip diba?

Isa lang ang masasabi ko, kahit anong bagal o tagal at lupit ni kupido kapag pinana niya naman kayong dalawa ay sobrang worth it ang pag-hihintay. Yung saya na mararamdaman mo ay sobrang kakaiba, mahirap ipaliwanag hintayin mo nalang ang timing ni kupido at saka mo mararamdaman ang kasiyahan na dulot ni kupido at ng pana niya,

Gusto niyo bang makilala ang sinasabi ko sa inyo? Wait tatawagin ko lang siya sa kusina.

"Hi babe" yakap ko siya habang nakatalikod siya, naghihiwa kasi siya ng sibuyas. Kaya pala ang bango kanina pa dahil sa niluluto niya.

Yepppp. Nakakalakad na ako. Hindi ako binigo ni God sa mga prayers ko sa kanya, and hindi lang yun tignan niyo naman natagpuan ko na ang babaeng para sa akin. Ang galing niya diba! Hooorayyyy!

"Babe! Ano kaba! Doon ka muna sa kusina, baka mapano ka, hindi pa naman masyadong okay yang mga binti mo!"

Natawa ako sa kanya, ang OA talaga ng babaeng to. Pero kahit ganun ang cute-cute niya pa rin at sobrang ganda.

Bigla ko siyang binuhat na ikinagulat niya ng sobra.

"Uy babe, ibaba mo ako! Yung mga binti mo baka matumba ka!"

"OA mo. Alam mo babe kahit kailan ay hindi na ulit akong madadapa, alam mo kung bakit? Nanjan ka naman kasi para saluhin ako. At nakikita mo itong mga braso ko? Sisiguruduhin niyang hindi ka na rin madadapa. I love you"

Hinampas niya ako sa braso ko ng mahina. "Ang corny mo! Saan mo naman nabasa yang hugot mo? Ibaba mo na nga ako"

Napaisip ako kung ibababa ko na ba siya o ano. Isa lang naman ang gusto kong gawin ngayun eh. Bigla akong tumakbo papunta sa kwarto namin habang buhat pa rin siya.

"Oy anong gagawin mong mokong ka! Yung niluluto ko baka masunog!"

Nakahiga na siya sa kama habang ako ay nakapatong sa ibabaw niya. Tinignan ko siya ng direstso sa mga mata niya, sobrang ganda ng mga mata na yan.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon