Kyle PoV
Sa tuwing makikita ko siya ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti, sa bawat segundo na nagtatama ang mga mata namin ay sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang sa tuwing tumitingin siya sa akin ay humihinto saglit ang mundo ko, yung sinasabi ng marami na slow motion. Sa kanya ko yun naranasan, kay Loraine.
Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko ba siya nagustuhan, ano bang meron sa kanya na hindi ko makita sa ibang babae? Siguro nagsimula iyon ng mahalikan ko siya dati sa thanksgiving party ng mga Brilenna, yung kiss naman na yun hindi ko naman talaga gagawin yun kung hindi ako naipit. And after that kiss, na curious ako sa kanya, araw-araw ko siyang sinusundan ng palihim, palihim ko din siyang pinagmamasdan sa malayo at palihim ko na rin siyang ginusto.
Nung mga panahon na nasasaktan pa siya kay Zyril ay gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin, gusto kong ipadama sa kanya na nandito lang ako para sa'yo pero hindi ko nagawa. Una sa lahat galit siya sa akin ng mga panahon na yun dahil sa ginawa ko, hindi niya lang alam na galit na galit rin ako sa sarili ko kung bakit ko yun nagawa sa kanya. Sa bawat iyak niya ay sobrang laki ng epekto sa akin, nasasaktan ako ng hindi ko maipaliwanag. Nung mga panahon na yun na gusto kong sugurin para bugbugin si Zyril, gusto ko siyang suntukin ng paulit-ulit hanggang sa mamatay siya, pero hindi ko na naman nagawa.
Dalawang taon na rin ang lumilipas pero hanggang ngayun ay hindi nababawasan ang pagtingin ko sa kanya, mahal ko pa rin siya. Sa pagbabago niya ay maraming humanga sa kanya, naging sikat siya, at maraming lalaki ang nagtatangkang lumapit sa kanya pero hindi niya pinapansin, dahil nakatuon lang ang isip niya sa isang lalaki, sadly hindi ako yun kay Zyril.
Hindi ako tanga para hindi makita ang katotohanan. Hanggang ngayun alam kong mahal niya pa rin si Zyril, kahit anong deny niya pa sa amin ay hindi niya pa rin matatago sa akin ang katotohanan. Mahal niya si Zyril pero pinipigilan niya dahil galit siya dito.
Ang hirap lang kasi makita na hanggang ngayun ay nasasaktan ang taoang mahal mo sa maling tao. Siguro binigyan niya ako ng chance para makalimutan niya si Zyril, sobrang saya ko syempre dahil nakita niya rin ako, hindi bilang isang Kyle na kaibigan, kundi Kyle na nagmamahal sa kanya ng tunay.
Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na yun, gagawin ko ang lahat para sa akin siya mapunta. Wala akong sasayangin na oras para ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit gaano man katagal bago niya ako sagutin ay wala akong pakielam, basta ang mahalaga mahal ko siya.
Bumaba na ako sa salas at nakita ko dun si mama na nakaupo, parang may iniisip siya.
"Good Morning, Ma"
Napunta ang tingin niya sa akin, ang hirap basahin ng mga mata niya. Hindi ko malaman kung may gumugulo ba sa isipin niya. Kilala ko si mama kapag may iniisip siya, hindi siya mapakali at hindi makausap.
"May problema ba?"
"Si Loraine"
Bigla akong kinabahan ng bangitin niya ang pangalan ni Loraine. Hindi maganda ang mood ni mama, at kapag nagkakaganito siya ay may problema nga talaga. Pero bakit kay Loraine? May nangyari ba sa kanya ng hindi ko alam?
"What about her?"
"De Los Santos ang apelyedo niya diba?"
"Yes, yun nga. May problema ba sa apelyedo niya?"
"Yung kabit ng papa niyo, si Angela De Los Santos.... De Los Santos na parehas kay Loraine"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mama, ano bang gustong sabihin ni mama? Iniisip niya ba na...
"Anak ng kabit ng papa mo si Loraine"
"No! Hindi porket parehas sila ng apelyedo ng kabit ni papa ay ibig sabihin ay anak nila si Anne! Maraming tao dito sa pilipinas, marami ang magkakaapilyedo! Kaya imposibleng anak siya ni papa!"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Roman pour AdolescentsMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...