Chapter 4 "New friends and His Look"

6.3K 127 2
                                    

Anne PoV

Bakit ba kaya ang sungit ni Sir Zyril?

Gwapo nga sya, ang sungit naman. Sayang ang kagwapuhan kung lagi naman nakasimangot.

Imbis na maghintay ako dito sa harap ng pinto ng office ni Sir Zyril pumunta ako dun sa may Lobby na may mga babaeng nag-uusap.

"Uy kamusta?" yan yung kumausap sa akin kanina bago ako pumasok saa CEO office.

"Okay lang" matamlay na sagot ko.

Okay nga ba talaga?

"weeee, anyway i'm Jessica Robins"

Woww, bonga ang apelyedo.

"Eto naman si Catherinne Garcie, at Anna Reyes"

"Hello/Hi" bati nila.

"Ako naman si Anne Luisse De Los Santos" pagpapakilala ko.

"That's wondeful name, ano gusto mo itawag namin sayo?"- Jessica

"Anne na lang"

"So were friends na ha" Catherinne

Napangiti ako, unang araw palang ako dito may kaibigan na agad ako.

"Oo naman" sagot ko.

Magaganda din sila ha, matangkad pa tapos mestisa at sexy, feel ko nga pare-parehas kaming maganda at sexy. Syempre joke lang mas maganda pa rin sila.

"It's getting late na guys, i think we should eat lunch na"- Caherinne

Tinignan ko yung relo ko, mag 12 na rin kaya pala medyo gutom na ako.

"Ilang oras ba ang lunch break?" tanong ko

"Isang oras lang, saan gusto nyo mag lunch ba' Anna

"Let's eat sa Resto guys"

Ang sosyal pala ng mga to, kailangan mag restaurant pag lunch, ang mahal kaya dun.

Bahala sila basta ako kakainin ko yung baon ko.

"Okay ka lang ba Anne?" tanong ni Jessica

"Oo naman"

Yung totoo medyo na aartehan ako dun sa Catherinne, pa english-english pa kasi, nagmana ata to kay Sir Zyril.

"So let's go"

-

Nasa tapat na kami ngayun ng isang magandang restaurant.

Halatang mahal nga dito, hiyang-hiya naman ang baon ko.

"Anong order nyo Guys?"

"Ah yung special steak na lang ulit"

"Ikaw Anne?"

Ako, hindi ko na kailangan umorder no, mukhang mas masarap pa nga yung luto ni Mama eh. Pa special-special pa eh parang hindi naman masarap.

"May baon ako eh, kaya sige kayo na lang"

"Baon?"

"Oo hehehe"

Bakit nakakunot ang noo? Masama na ba ang mag-baon ngayun? Bawal yun sa kumpanya.

"Bawal ba?"

"Hindi naman"

Hindi naman pala eh. makatingin kasi parang bawal lalo na si Catherinne.

Nilabas ko na yung pagkain ko, kung alam nyo lang mas masarap magluto si mama.

Nagsimula na kaming magsikain, pare-parehas silang kinakain habang ako kumakain ng menudo yung baon ko.

"Ano ba yang baon mo?" =Jessica.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon