Chapter 2 "You're Hired"

9K 159 8
                                    

Third Person PoV

(A/N: Ang Third Person Pov ay POV po ng author)

Kampanteng-kampate na nag-dridrive ang isang matapinong isang lalake. Diretso syang nakatingin sa daan, papunta sya ngayun sa kanilang kumpanya.

Kilalanin naten sya bilang Zyril Brilenna ang nag-iisang apo ng kanyang lola, samantalang ang kanyang mga magulang ay maagang pumanaw dahil sa isang plane accident nong bata pala lamang sya.

Hininto nya ang kanyang mamahaling sasakyan sa isang malaking gusali, ang kanilang kumpanya. Agad syang pumasok at binati ng mga guards pero gaya ng dati parang wala man narinig.

Marahan syang naglakad sa ay hallway, bawat empleyado ay binabati sya ng magandang umaga pero wala man silang natatangap na bati galing sa kanilang amo, ang iba naman ay nakayuko lamang, takot kasi silang mapagalitan nito.

"Sorry sir"

Ang lahat ay napatingin sa gawi ng isang lalaki na nabanga si Zyril.

"You're fired"

Umalis ng malungkot ang lalaki, kaya natatakot ang mga empleyedo ng kumpanya sa kanya dahil isang mali lang ay tanggal na sila sa trabaho.

Pumasok na si Zyril sa isang office, ang opisina ng CEO, umupo sya na parang hari sa swivel chair.

Sa isip nya ay ang tatanga talaga ng mga tao, ang aga-aga ay bwinibwisit ang araw nya, yan naman ang laging nasa isip nya eh ang magalit.

Bumukas ang pinto ng CEO office at pumasok ang kanyang secretary. Isa lang nasa isip nya ngayun, ano pa edi galit na naman.

"Good Morning po Sir"

Nakayuko lang sya at kumuha ng isang libro sa table nya at binasa ito.

"Did i let you in?" diretso nyang tanong.

Ni hindi man kasi kumatok ang secretarya bago pumasok.

"I'm sorry Sir, pero"

"What are you doing here?"

"Papapirma ko lang po sana to"

Patuloy pa rin sya sa pagbabasa, parang walang naririnig.

"Sir papirma ko lang po to"

Sa isip ng babae ay bakit ba ayaw pirmahan ang papel eh kailangan nya na yun mapasa.

"Sir"

"Get out"

Hindi pwedeng umalis ang secretary na hindi napapapirma ang papel, kaya nagsalita sya muli.

"Sir pirmahan nyo muna po to"

Patuloy pa rin sya sa pagbabasa, ganyan na lang lagi ang trabaho ni Zyril ang pag-intayin ang mga tao.

"Get Out, and you're fired"

"Pero sir"

"I said get out"

"Y-yes Sir"

Malungkot na lumabas ang babae sa office ng CEO.

Mukhang alam na ng lahat ang nangayari.

Ilan ba ang tinatangal nya sa kumpanya sa isang araw, 1 2 3 o 4?

"Fired na ako"

Malungkot na umalis ang babae, kaya ngayun hahanap na naman ang kumpanya ng bago nyang secretary.

Kailan kaya magtatagal ang secretary ng taong katulad ni Zyril.

"Walang puso talaga yang Zyril na yan eh hindi pa naman sya ang owner nito" bulong ng isang lalake.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon