Anne PoV
"Nakikiramay kami sa'yo Anne"
Hinawak ko ang dalawa kong kamay sa buhok ka habang patuloy na umiiyak.
"Anne"
Tinignan ko si Elly na nakaupo sa gilid ko lang. "Sorry wala akong nagawa para iligtas si tita sa sunog"
"Bakit ba nangyayari sa akin 'to Elly? May nagawa ba akong kasalanan para mangayari ang lahat ng ito sa akin? Pinaparusahan ba ako ng diyos? Pero bakit? Bakit niya ako pinaparusahan ng ganito Elly? Ano bang mali sa akin? Ano pa ba ang titiisin ko? Elly ayoko na. Sana ako nalang ang namatay at hindi si mama. Ako nalang sana"
"Shhh. Wag mong sabihin yan p-please. Alam kong masakit pero kailangan mong magpakatatag para sa sarili mo. Isipin mo na lang ang anak mo. Wag kang susuko ha? Please"
"Hindi ko na kaya Elly. Masyado na akong nasaktan para magpatuloy pa akong magpakatatag at lumaban. Ayoko na Elly gusto ko ng sumuko. Wala na akong l-lakas para umiyak, masaktan, magtitiis ng mga pananakit nila. A-ayoko na"
"Please Anne, wag mong sabihin yan. Please!"
Bigla niya akong niyakap ng hindi ko inaasahan, tinutulak ko siya pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Please Anne! Alam kong pagod kana pero hindi ka dapat maubusan ng lakas para sa sarili mo. Kung pwede ko lang kunin lahat ng nararamdaman mo ngayun ay ginawa ko na. Please wag kang susuko, alahanin mo na lang ang anak niyo"
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa nararamdaman ko ngayun. Patuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Gusto ko na lang mamatay para matapos na ang lahat ng ito.
*blag*
Nalaglag ang bag ko sa sahig kaya nagkalat ang mga laman nito sa sahig at doon ko nakita yung picture na inabot sa akin ni Maricris kanina.
Yung picture ni Mama.
"Napakahayop niya!"
Bigla akong tumayo at pinulot ang gamit ko sa sahig. Bakit pati si mama ay dinamay nila? Napakasama nila!
Naglakad ako palayo kay Elly, palabas na ako ng pinto ng magsalita siya."Saan ka pupunta Anne?"
"Haharapin ko ang taong gumawa nito sa mama ko" mariiin kong sagot.
"Pero gabi na, baka kung mapano ka"
"Kaialangan ko silang makaharap. Mga hayop sila!"
Tuluyan na akong lumabas ng pinto at naglakad palayo. Hindi na nila dapat dinamay si mama, hindi pa ba sapat sa kanila ang mga ginawa nilang pananakit sa akin? Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay mama! Mabulok dapat sila sa bilangguan.
"Anne"
Napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang mama ng ahas kong kaibigan.
"Tita?"
"Anne"
Bumuhos ang luha sa mga mata niya na para bang nasasaktan. Pero para saan? Para sa akin? O para kay mama?
"Anne... Alam kong nasasaktan ka sa pagkawala ng mama mo ngayun pero may hihilingin sana ako sa'yo... Anne.. alam ko na ang nangyayari sa inyo ni Maricris" pinunusan niya ang luha niya pero patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya.
"Wag ka sana magagalit sa anak ko. Sana mapatawad mo siya. Alam ko masakit itong hihilingin ko, hayaan mo na siyang maging masaya"
Pilit kong pinipigilan ang luhang pwedeng bumagsak pero hindi ko kaya, naiyak na naman ako. Isa ba itong kahilingan? Pero paano ako? Sila lang ba ang pwedeng sumaya?
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Fiksi RemajaMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...