Maricris PoV
"Saan ba tayo pupunta mars?" tanong ni Jessica, friend na secretary na rin.
"Mall" tipid kong sagot.
"Mall? Ano naman gagawin mo sa mall? Mag-shoshopping? Malapit ng magsara ang salon and spa mo at idagdag mo pa ang paglugi ng kumpanya ni Zyril then mag-mamall ka pa? May pera ka pa ba?"
Tinignan ko siya ng masama. "Shut up Jessica. Kung ayaw mong sumama edi maiwan ka jan"
Ang daming sinaaabi ng babaeng to. I'm too stressed tas dadagdagan niya pa? Gusto ko munang mag-relax kahit ilang oras lang.
"Wait! Sasama nalang ako"
"See? Sasama ka rin pala?"
"Inaalala lang naman kita mars, syempre iniisip ko lang kung paano ay maghirap ka na at mawalan na ng salon"
Tumigil ako sa kakalakad at humarap sa kanya. "Pwede Jessica tumahimik ka na lang. Wag kang mag-alala hindi ko hahayaan na bumagsak ang salon ko and hinding-hindi ako mag-hihirap"
"Okay"
Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makasakay kami sa kotse ko. Natauhan na yata.
"Asan pala si Zyril? Lately hindi ko na siya nakikita na kasama mo. Busy ba siya?"
Yung lalaki na yun hindi ko alam kung bakit hindi ako pinupuntahan sa salon. Ganun ba siya ka busy para hindi ako mapuntahan sa salon? Bwisit siya.
"Mars? Nakikinig ka ba?"
Kapag nakauwi naman na ako laging wala pa sa bahay at ginagabi pa ng uwi. Ano ba pinagkakaabalahan niya?
"He's just busy""Busy? Eh araw-araw siya pumuputa sa salon tapos lately hindi na pumupunta? Kahit nga busy yun ay di niya nagawang hindi pumunta sa salon. Baka naman may ibang pinagkakaabalahan ang soon to be husband mo"
"What do you mean?" irita kong tanong sa kanya.
"May ibang babae in-short kabit"
"Aray!"
Bigla kong tinigil yung kotse kaya muntik na kaming maumpog.
"Hindi sa akin gagawin yun ni Zyril! Kung gusto mong mabuhay ng matagal ay babawiin mo yang sinabi mo at hindi ka na ulit mangingielam sa buhay naming dalawa"
"Okay fine. Sorry binabawi ko na. Walang ibang babae si Zyril. Ikaw lang ang mahal at papakasalan niya"
"Mabuti kung ganun. Tandaan mo yang sinabi ko sayo Jessica. Kilala mo ako kung gusto ko ay gusto ko, ang akin ay akin lamang"
Bumalik na ako ulit sa pagdridrive. Ayoko na munang mastressed sa araw na to. Ang iniisip ko ay dapat babalik din sa dati ang lahat.
Ipag-shoshopping ko muna ang sarili ko kahit na alam ko naman na medyo nakakapos na ako. But sabi ko nga kanina i should not worry dahil alam ko ay hindi ako maghihirap, hindi ako mauubusan ng pera kailanman.
Kumain muna kami after kong ipark ang kotse. Idadaan ko muna sa paglilbang ang sarili ko para naman sumaya at hindi ako pumangit.
"Ang dami ata ngayung tao dito sa mall. Nakakaloka!" sabi ni Jessica habang nakatitig sa pagkain niya.
"Eh ano pa? Malamang dahil andito ang isang Maricris Burnes, remember sikat ako. Maraming tao dito dahil baka ay nalaman nila na pupunta ako dito kaya dinumog ang buong mall"
"Naloloka ka na ba mars? Sikat? Parang ako lang ang nakakaalam na sikat ka. Oo marami nagpapamake-up sa'yo pero hindi ka naman sikat"
"Gaga ka ba talaga? Gusto mo ba ay makita kung gaano ako kakilala dito sa pilipinas?"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...