Anne PoV
Kapag ang isang pangarap, natupad sobrang saya naten.
Minsan pa nga sa sobrang kasiyahan na nadudulot ng pangaraap ay nakakalimutaan na naten magpasalamat.
Magpasalaamat sa taas, diba kung hindi naman dahil sa kanya hindi naten matutupad ang mga pangarap naten.
Kung siguro matupad ang pangarap ko.
Syempre sobrang saya ko rin.
Pero magpapasalamat muna ako sa diyos dahil sa pangarap na tinupad nya.
Pero ngayun... hanggang pangaraap muna ang mga iyon.
Ano nga ba ang pangarap ko?
Simple lang, ang makatapos ako sa kolehiyo.
Yan ang unang-una kong pangarap ang makatapos ng pag-aaral.
20 years old na kasi ako pero ni hindi pa nakakaatuntong sa kolehiyo.
Mahirap lang kasi kami, nung makatapos ako ng High school, pinahinto na ako ng aking ina dahil nga daw sa hindi nya ako kayang pag-aralin dahil sa sobrang mahal nang matrikula.
Kaya ito, tinutulungan ko na lang si mama dito sa maliit na karinderya nya.
Ako nga pala si Anne Luisse De Los Santos, 20 years old.
Isang simple, masayahing babae,sya.kuntento kung ano ang meron ako.
Tanging ang inay ko lang ang kasama ko ngayun, naikwento nya sa akin na bata pa lang daw ako pumanaw na aking ama dahil sa sakit na cancer.
Pero kahit ganon pa man kahit hindi ko sya nakasama ng matagal masaya pa rin ako sa piling ni mama.
Hay nako! Tama na nga yang drama naiiyak na naman ako eh.
Ituloy ko na nga lang tong ginagawa ko.
Nag-hihiwa kasi ako ng mga gulay na lulutuin ni mama, hindi para kainin namin kundi itinda meron kasi kaming maliit na karinderya. Pero wag nyong maliitin ang karinderya ni inay kahit maliit lang yon dinadayo naman yun tao, sobrang sarap kaya magluto ni mama! Pangarap nya kasi maging isang magaling na chef, pero dahil nga sa hirap ng buhay hindi sya nakapag-aral ng kolehiyo pero kahit ganon masaya sya kasi napapasaya nya ang mga tao sa luto nya.
Isa sa mga paborito ko sa luto ni mama ay yung pakbet,adobo,menudo,sinigang na baboy, at gatang barilyete. Kaya nga kahit kapos kami sa pera minsan busog naman kami palagi, lalong-lalo na sa pagmamahal.
Maaga nga pala akong nagising kanina kasi gusto kong pag-gising ni mama mag luluto na lang sya.
Kahit hindi kasi sabihin nyan ni mama alam kong pagod sya palagi, kaya eto nagising akong maaga para hindi sya makakaangal, kasi ba naman ayaw ako patulungin kapag gising, gusto nya sya lang kikilos.
Aber naman hindi ako prinsesa no, sa hirap naming to gagawin nya pa akong prinsesa.
Ayan na gising na si mama.
"Good Morning Ma"
Kumunot yung noo nya, mukhang hindi na naman nagustuhan yung ginawa ko.
"Morning anak, bakit ikaw gumagawa nyan tigilan mo yan at ako na bahala jan"
Si mama talaga sobrang bait, ayaw akong napapagod.
"Ma naman, hayaan mo na ako eto na nga lang magagawa ko eh, saka nga pala ma nilutuan na kita ng almusal jan kumain ka na po ha"
Minsan kasi hindi yan nag-aalmusal pagagising diretso ka agad sa kusina para magluto ng ulam.
"Bakit ka nagluto anak, teka nga lang anong oras ka ba nagising ha?"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...