Maricris PoV
"Siguro wala ng nagmamahal sa'yo kasi parang walang gustong pumunta dito para iligtas ka eh"
"Mas maitam na yun. Pero alam mo kung ikaw naman ang nandito sa sitwasyon ko baka kahit sino ay walang pumunta para iligtas ka, mas gugustuhin pa kasi nila na langgamin ka at mamatay"
"Parehas pala tayo kung ganun? Tama ka nga naman mas maitam na mamatay ka mag-isa at hindi man lang makikita sa huli mong hininga ang mga minamahal mo"
"Wala mang maglistas sa akin ay masaya pa rin akong mamatay, pero kung mamatay man ako ngayun ay isasama na kita"
Wow ha! Ang tapang pa rin niya kahit mamatay na siya. Bakit ba kasi ang tagal pumunta dito ng nanay niya? Naiinip na ako! Gusto ko ng makitang nagdudusa ang babaeng to.
"Paano mo naman ako mapapatay? Gamit ang isip mo? Nakakamatay na pala yon? Hindi pa ako nararapat sa kamatayan, mamatay muna kayong lahat bago ako mamatay"
"Kapag napatay mo ba ako ay magiging masaya kana? Makukuha mo ba si Zyril kapag wala na ako? Babalik ba ang yaman mo kapag nawala na ako sa mundo? At higit sa lahat bakit ba gusto mo akong mamatay?"
"Oo magiging masaya ako! Alam mo bang matagal ko ng gusto mangyari ang araw na 'to? Gusto kong makita ka na naliligo sa sarili mong dugo, umiiyak, nahihirapan, at unti-unting nawawalan ng hininga. Gusto kong kunin sayo ang buhay na pinagkait mo kay Samuel. Dahil sa'yo kaya niya ako iniwan at ikaw rin ang pumatay sa kanya. Pinatay mo siya ng walang kalabanlaban"
"Wala akong kinalawan sa paghihiwalay niyo ni Samuel dati. At hindi ko rin kasalanan kung bakit siya nasagasaan. Iniwan ka niya kasi hindi ka na niya mahal! Iyon ang totoo!"
"Manahimik ka!"
Tinutok ko sa kanya yung baril na hawak ko, nauubos na ang oras at pasensya ko, dapat na siyang mawala sa mundong ito.
"Kahit anong sabihin mo ay hindi na ako maniniwala sa'yo. Yung gabing nasagaan siya, nakita mo yun, pero wala kang ginawa. Ikaw ang dapat masasagaan at hindi siya! Kung pinigilan mo siyang tulungan ka ay ikaw dapat ang namatay at hindi siya! Kinuha mo ang buhay ng taong mahal ko! Kaya dapat ay bawiin ko na sa'yo! Buhay ni Samuel kapalit ng buhay mo, ng nanay mo, ng kapatid mo at lahat ng nagmamahal sa'yo!"
"Sinong tinutukoy mo?"
Kakalabitin ko na sana yung gatilyo ng baril ng may sumigaw na pamilyar na boses, boses na matagal ko ng hindi naririnig.
"Maricris!"
"Ma?"
Tinignan ko si Anne ng makita niya ang biglang dumating. Paanong nabuhay ang babaeng 'to? Pinatay ko na siya ah. Anong bang klaseng buhay ang meron ang mag-inang ito ay hindi namamatay?
"Anong ginagawa niyo dito! Nasaan si Jennella? Siya ang gusto kong makita at hindi kayo"
Napaisip ako bigla, pagkakataon nga naman. Kung dadarating pa ang Jennella na yun at ang mga anak niya ay sabay-sabay na silang mamatay sa iisang lugar.
"Sabagay mas masasaksihan niyo kung paano mamatay ang babaeng 'to. Wag kayong mag-alala, dahil susunod rin kayong mamatay. One family will die at once"
Loraine PoV
Nakakagulat. Nakakagimbal. Nakakamangha. Paanong nabuhay si mama? Bakit niya kasama si Elly, Mindy at Jessica? Nakakasigurado ako na namatay na siya sa sunog at hindi ako pwedeng magkamali dahil ako mismo ang mismong kumimpirma na katawan niya yung nasunog.
"Maricris, ibaba mo yang baril mo. Maricris, pakinggang mo ang hiling ng isang ina"
Nagkaroon ng matinding katahimikan sa buong silid. Anong sinasabi nito ni mama? Paano niyang magiging anak si Maricris? Ang hirap paniwalaan ang sinasabi niya, sobrang nakakabingi at nakakainis pakinggan.
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Ficção AdolescenteMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...