Chapter 22 "Anger"

7.2K 114 21
                                    

Anne PoV

"Mabuti ay nadala niyo siya agad dito baka kung hindi ay..."

Marahan kong minulat ang aking mata at puting ilaw at kisame ang bumungad sa aking mga mata.

Hanggang sa bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

"Gising kana pala misis"

"Doc"

"Bakit ka umiiyak?"

"Kamusta ang aking anak doc? Wala bang nangyari sa kanya? Okay lang ba siya? May anak pa ba ako? B-buhay pa ba s-siya?" sunod-sunod na mga katanungan na nilabas ng aking bibig at sabay pag-patak ng luha sa aking mga mata.

"Wala ka dapat ipag-alala misis, your baby is fine. Mabuti nalang at nadala ka agad ng mga kasama niyo sa bahay dito. Ano bang nangyari at dinugo ka?"

Dahil sa tanong niya ay muling bumalik sa akin ang ginawa sa akin ni Zyril, kung paano niya ako pagbintangan, pagbuhatan ng kamay at kung paano niya ako nagawang itulak. Ang hindi ko matanggap ay ang hindi niya pagtulong sa akin kanina, tinitigan at iniwan niya lang ako na naghihirap at inilagay niya sa piligro ang buhay ng anak niya. Ganun ba siya kagalit sa akin at pati ang anak niya ay madadamay?.

Napakasama niyang tao.

"I think hindi mo ako kayang sagutin misis. Sa susunod ay mag-iingat ka, wag mong pababayaan ang sarili mo at ang baby mo. Wag kang magpakapagod and don't stress yourself. Mauuna na ako misis. And i hope sa susunod nating pagkikita ay manganganak kana"

Hindi na hinintay ni doc Garcia ang sagot ko at siya ay lumabas na ng kwarto ko kasabay ng mga kasama namin sa mansyon.

Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag nawala ang anak ko. Mabuti na lang ay ligtas siya. Nagpapasalamat ako sa itaas dahil kahit na maraming nawalang dugo sa akin ay ligtas ang aking anak.

Pumatak na naman ang luha sa aking mga mata. Nakakapagod na. Nakakapagod ng umiyak. Nakakapagod ng magtiis. Nakakapagod ng mag-isa. Nakakapagod ng lumaban. Pagod na pagod na ako para sa aming dalawa ng asawa ko, hindi ko alam kung kaya ko pa ba. Dapat ko pa ba siyang ipaglaban? Kung mismo siya ang nagbibigay dahilan na sumuko na lang ako.

Hinaplos ko ang tiyan ko at pinakiramdaman ko ang aking anak.

"Sorry anak, sorry dahil hindi ko kayang ipaglaban ang ama mo. Pagod na ako anak, pagod na pagod. Ayaw ko ng masaktan at umiyak ng dahil sa kanya. Wag kang mag-alala mawala man ang iyong ama, andito naman ako para mahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa sarili ko. Mamahin kita at aalagaan. Pangako"

Napakasamang tao ni Zyril, nagpakasal ako sa taong ubod ng sama at sakim, tanging sarili lamang niya ang iniisip. Hindi niya man lang naisip ang nararamdaman ko ngayun sa mga ginagawa niya. Sana hindi ko nalang siya pinakasalan. Dapat ay kinilala ko muna siya ng lubos bago ko binitawang ang salitang "oo" sa harap ng altar. Sana masaya at tahimik pa ako ngayun.

Nagising ako at bumungad muli ang puting kisame, at may isang lalaking nakatayo sa gilid ng kama. Si kuya Jerry.

"Good Morning Ma'am, mabuti po ay gising na kayo. Kamusta po ang pakiramdam niyo? Pinapasundo po kayo ni sir Zyril, ihatid ko daw po kayo sa kumpanya at may nais na kayo ay makita"

Hindi ko magawang sagutin si kuya Jerry dahil ayaw ko sanang pumunta sa kumpanya at makita si Zyril pero wala akong magagawa dahil iyon ang gusto niya.

Sana may lakas ako para tanggihan ang gusto ni Zyril.

Tumingin ako sa gawing bintana at hindi nalang nagsalita.

Ano na naman ba ang gusto ni Zyril at kailangan niya pa akong makita? Ipapakita niya pa rin ba kung paano niya ako lokohin? Ipapakita niya ba kung paano nila ako lokohin ni Maricris? O sasaktan niya na naman ako?.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon