Chapter 38 "Zyril Realization"

7.3K 127 17
                                    

Loraine PoV

"Good Morning to all of you. Siguro ay nagtataka kayo ngayun kung bakit ako andito at kung bakit wala dito ang amo niyong si Zyril. Alam ko rin na hindi niyo ako nakikilala"

Kumalat ang bulungan sa loob ng conference room. Bawat isa ay may kanya-kanyang bulungan. Iba't-ibang opinyon at reaksyon.

"I'm Loraine Alcantara, the new CEO and the new owner of Brilenna Company"

Siya pala ang nakabili ng kumpanya? May kamukha siya, si Anne yung asawa ni sir Zyril na namatay.

Hindi mo pa ba alam? Siya si Anne, bumalik siya para gantihan si ma'am Maricris.

Ang ganda niya na pala ngayun no? Hindi ako makapaniwala na sobrang yaman niya na ngayun.

"Tama na ang bulungan! Makinig kayo sa mga sasabihin ko. Simula sa araw na na 'to ay hindi ko na maririnig ang pangalan ni Maricris at Zyril, ayokong pinag-uusapan pa sila. Naiintindihan niyo ba?"

Yes ma'am.

"Wag kayong mag-alala, wala akong tatanggalin kahit isa sa inyo dito. Tataasan ko din ang mga sahod niyo, bibigyan ng mga benifits kasama ang mga pamilya ninyo, lahat ng pangangailangan niyo ay ibibigay ko. Gusto kong ibigay at iparanas sa inyo ang mga hindi binigay at ipinaranas sa inyo ni Zyril. Gusto ko rin na maging masaya kayo araw-araw, ayokong may makakita ng malungkot sa loob ng gusaling ito. Tandaan niyo amo niyo lang ako pero lahat tayo ay tao na umaapak sa iisang mundo, lahat tayo ay may karapatan na gawin ang mga gustuhin natin"

Nakita ko ang mga ngiti sa labi nila. Parang lahat ng takot nila ay napawi sa mga sinabi ko. Sana lang ay wag silang umabuso at galangin pa rin ako.

Thank you ma'am Loraine!

Salamat po Ms. Loraine, buong akala ko ay mawawalan na ako ng trabaho ngayun, matutuwa po ang aking mga anak at asawa.

Pinigilan kong wag umiyak ng sabihin yun ng isang maintenance na babae. Medyo matanda na siya kita naman yun sa itsura niya dahil may kulubot na yung mukha niya.

"Walang anuman ho. Hindi niyo na po kailangan mag-alala. Sabihin mo lang po sa akin kung may maitutulong ako sa pamilya mo"

"Salamat po talaga. Sobrang buti niyo, sana ay lahat ng tao ay katulad niyo po. Napakabuti at napakamatulungin"

Ngumiti nalang ako sa kanya. Sobrang init ng nararamdaman ko ngayun, anytime ay babagsak na ang luha ko, pinipigilan ko nalang para hindi ako maiyak sa harap nila.

"You can all leave now. Back to work everyone"

Nakita ko si Jessica ng makalabas na lahat ng tao, siya pala ang nagpalabas sa kanila. Thank God at dumating siya. I almost cry.

"Sobrang bait mo talaga, kaya minsan naaabuso ka eh"

Inayos ko yung sarili ko bago siya tignan. "Ang pagiging mabuti ay ang layunin ko dito sa mundo. Gusto kong tulungan ang mga nangangailangan. Hanggang kaya kong tulungan sila ay gagawin ko"

"Loraine, hindi ka bayani para tulungan ang mga tao. Diba jan ka nasaktan dahil sa kabutihan mo. Hindi lahat ng tao ay kayang ibalik ang kabutihan mo"

Sa punto ni Jessica ay tama siya. Mahirap basta-basta magtiwala sa tao. Sa sobrang kabaitan ko ay naloko na ako, napalagraun at pinaikot.

"Alam ko na ang ginagawa ko Jessica, this time hindi na mauulit ang nakaraan. Ang pagiging mabuti sa akin ay parte na yun ng buhay ko"

"Sana nga. Ayoko na rin naman maulit ang nangyari sa'yo dati"

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon