5 MONTHS LATER
Anne PoV
"Bestyyy ang ganda mo ngayun! As in sobrang ganda! Mas lalo ka atang gumanda ngayun"
"Talaga? Okay lang ba yung make up ko?"
"Ang ganda mo kaya! Hindi ka lang kasi sanay nag-memake up"
Ngumiti ako kay Maricris at humarap na sa salamin. Inaayusan na nung hairdresser ang buhok ko, ang sakit nga eh lakas kasi makahila kulang nalang tanggalin yung buhok ko.
Sa loob ng limang buwan wala kaming ginawa kundi mag-asikaso ng kasal namin ni Zyril. Walang araw na hindi kami umaalis para ayusin ang bawat detalye sa kasal namin. Pagod man pero masaya dahil alam ko sa huli ay maganda ang ibibigay na sukli sa mga pagod na napagdaanan namin.
At ngayun na ang araw na iyon. Ngayun na ang pinakakahihintay na araw namin na dumating. Ikakasal na kami.
"Anne anak una na kami sa simbahan ha? papunta na daw kasi yung tito at tita mo dun sa simbahan. Para pagdating nila makita nila agad ako"
Tinigil muna saglit nung hairdresser yung pagaayos sa buhok ko. Lumapit ako kay mama na nakaupo pa sa kama at inaayos yung sapatos niya.
"Sige po ma. Ingat kayo ha" niyakap ko si mama kahit ayaw niya dahil magugusot daw yung damit niya pero hindi naman siya umangal. Humilay ako sa pagkakayakap kay mama.
"Masaya ako para sayo anak. Alam ko pagkatapos ng araw na 'to hindi na kita makikita sa bahay dahil dun kana titira sa mansyon nila Zyril, pero okay lang yun sa akin basta alam kong masaya ka, masaya na rin ako. I love you anak, tandaan mo yan lagi ha?"
Hindi ko napigilan mapaluha sa mga sinabi ni mama. Totoo nga talaga ang sabi nila na sa araw ng kasal mo ay magiging masyado kang emosyonal. Ngayun lang kasi kami magkakahiwalay ni mama, at hindi ko alam kung kaya ko ba na mahiwalay sa kanya
"Bibisitahin naman kita ma lagi eh. Mag-iingat ka po lagi ha? At mahal na mahal ko rin po kayo"
"Hala tita, Anne bakit kayo umiiyak? Yung make up niyo oh nagulo na tuloy! Tsk. Sayang naman! Tita tara na nga bago mag bagong isip 'tong si Anne sa kasal nila ni Zyril"
Pinunasan ko yung luha ko at tumayo na. Humarap ako kay Maricris na nakapamewang sa harap namin ni mama at nakakakunot pa ang noo.
"Iwasan mo ngang manuod ng drama bestyy. Nahahawa ka kasi sa kapapanuod mo, siguro nasobrahan kana talaga. Kaya please besty ha for your sake wag kana manunuod ng dramas. Okay!?"
Napangiti na lang ako sa kanya. Natutuwa ako na mayroon akong bestfriend na lagi akong pinapatawa kahit na minsan sobrang kulit niya na. Hindi niya ako iniwan sa saya o sa ka kalungkutan lagi siyang nanjan para damayan ako.
Niyakap ko si Maricris. Ilalabas ko na ang lahat ng emosyon ko ngayun, iiyak ko na lang ang sayang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko 'tong babae na to. Mahal ko sila ni mama, silang dalawa ang nagbigay ng kulay sa akin sa mundong ito.
"Thank you best sa lahat ha?, mahal na mahal kita. Thank you sa pagpapatawa mo sa akin, sa mga drama ko na pinakinggan mo, sa balikat mo na iniiyikan ko minsan. Basta salamat sa lahat" tuloy lang ang bagsak ng mga luha sa mata ko. Hindi ko kasi maiwasang maging magdrama ngayung araw.
Napahikbi si Maricris, alam ko na umiiyak na din siya, kahit naman na palaasar siya at makulit sa huli lalambot din siya parang ngayun.
"Salamat din besty ha? Sorry kung minsan sobra na pagiging makulit ko sayo. Alam mo naman na pinapasaya lang kita diba? After ng araw na to hindi na kita makikita araw-araw kasi sa bahay ni Zyril ka titira, mamimiss ko yung best friend ko tuwing umaga, sa gabi, bago matulog. Wag mo sana akong kalimutan dalawin ha? I love you best" humihikbi na siya sa likod ko. Ewan ko ba para bang magkakalayo kami ng libo-libong kilometro, eh dito lang naman din sa manila kami titira. Hindi ko lang maiwasan na isipin na magkakahiwalay na kami.
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...