Maricris PoV
"Masarap ba makulong? Anong pakiramdam makulong sa bulok na rehas?"
Sa mga panahon na kinain ako ng galit at pagnanais ay doon ko naranasang makulong sa isang madilim at nabubulok na rehas, isang silid na nahirapan akong makawala. Ngayun nasa loob na ako ng rehas mas naramdaman kong nakalaya na ako sa madilim na pinanggalingan ko.
"Bakit hindi ka makapagsalita? Nawalan ka na ba ng boses o nahihiya kang harapin ako? Ano pang silbi ng tapang at pagkawala ng hiya mo kung hindi mo ako maharap?"
Napako ang tingin ko sa kanya,. Ang tagal kong binulag ang sarili kong mga mata sa kasinungalingan at kasamaan. Wala akong ginawa kundi tumingin sa madilim na bahagi ng mundo, kahit kailan ay hindi ako luminigon sa liwanag. Para akong istatwa na hindi gumagalaw sa kanyang pwesto, nanitili lang akong gawin ang makakabuti para sa akin kahit alam kong marami na akong nasasaktan.
"Umiiyak kaba? Para saan? Alam mo hindi bagay sayo, wag mo nang pilitin ang sarili mo na umiyak. Alam mo kung bakit? Plastic ka, manhid, demonyita, mamatay tao, kriminal, traydor, mang-aagaw. Wag mo ng sayangin ang luhang hindi mo naman pinagsisisihan"
Hindi ko naman sila masisisi, tama siya. Isa lang naman akong babae na ubod ng sama, kinain na ako ng sistema ng galit, never kong inisip ang kapakanan ng iba dahil lagi kong inuuna ang kapakanan ng sarili ko. Naging ahas ako sa sarili kong kapatid, inapakan, dinumihan, winasak at kung ano-ano pa. Siguro nga kahit kailan ay walang kapatawaran ang mga nagawa ko.
"Dahil sa ginawa mo marami ang napahamak, dahil jan sa kasamaan mo pinatay mo ang tunay mong ina, dinamay mo pa si Ms. Jennella, dalawa silang namatay sa iisang kamay. At si Elly ayun baldado na, hindi na makalakad dahil binaril mo ang mga binti niya, si Jessica ayun nahihirapan sa hospital. Samantalang si Loraine ay naging comatose ng ilang araw, at alam mo ng nagising siya kanina ay burado ang memorya niya. Masaya kana ba? Ito ba ang gusto mo, ang may mamatay, mahirpan at masaktan? Natupad mo na ba ang mga plano mo? Sana ay pinatay mo nalang din ang sarili mo! Wala kang kwentang tao! Sinayang mo lang ang buhay na binigay sayo ng diyos! Ang sama-sama mo!"
Napahawak ako sa bibig ko, wala akong kayang sabihin o isagot sa kanya. Ang sama-sama ko, dahil sakin maraming napahamak, akala ko si mama lang ang namatay yun pala pati ang nanay ni Anne. Ano ba kasing ginawa ko? Bakit napatay ko ang mga magulang namin? Si Elly, ang kaibigan ko na napamasayahin ay hinding-hindi na makakalagad at dahil yun sa'kin. Si Anne anong mukha pa ang maihaharap ko sa kanya pagkatapos ng lahat ng ginawa ko? Paano ko maipapaliwanag ang sarili ko kung hindi niya na ako maalala?
"Hindi kana makakalabas ng bilangguan, habang buhay kana dito, dito ka mabubulok at mamatay sa katandaan. Ito na rin ang huli nating pagkikita"
Dahan-dahan na siyang lumayo, tangging sapatos niya lang ang nakikita ko.
"Zyril" isang mahina kong tawag na nagpahinto sa kanya sa paglalakad.
"I'm so-rry"
Mahal na mahal kita, paalam. Ikaw na sana ang mag-alaga at magmahal sa kanya.
Zyril PoV
Darating talaga ang panahon na malulunod ka sarili mong luha. Ibabalik mo sa isipan mo ang mga nakaraan na nagkamali ka, pero kahit anong gawin mo hinding-hindi mo na iyon maitatama. May panahon na naiisip ko sana hindi ko nalang nakilala si Anne, ako lang naman ang nanira ng buhay niya, i ruined everything.
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...