Elly PoV
"Anne! Saan ka pupunta?"
Tumayo ako para habulin siya. Nag-aalala ako sa kanya, alam ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Sino bang hindi diba?
"Kailangan ko lang mag-isip, Elly. Sobrang naguguluhan na ako, gulong-gulo na"
Bakit ba hindi ko inisip na maguguluhan siya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang totoo? Ngayun ko na nga lang siya nakasama pero nasaktan ko siya. Ang tanga mo kasi Elly eh!
"Sorry. Sorry sa ginawa ko, dapat pala hindi ko na muna sinabi. Sorry. I'm sorry, Anne"
Tinignan niya ako ng mabuti, sobra siyang nasaktan sa sinabi ko. Hanggang nguyun pala ay hindi ko siya kayang makitang nasasaktan. Akala ko nakalimutan ko na ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi pa pala.
"Sorry? Elly, bakit ka nag-sosorry? Sinabi mo lang ang totoo. Pero...."
Napatakip na siya ng mukha para hindi ko makita siyang umiiyak.
"Ang sakit Elly, sobrang sakit. Akala ko hindi na ako masasaktan pero bakit ganun? Bakit?"
"Anne"
Gusto ko sana siyang yakapin pero hindi ko kayang gawin. Kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan at umiiyak. Sobrang tanga ko naman kasi, stupid you Elly.
"Sorry, Elly. I need to go, gusto ko munang mapag-isa"
Habang tinitignan ko siyang palayo sa akin ay para ba akong nakaramdam ng kidlat sa puso ko, sobrang bilis ng tibok nito.
"Patawarin mo ako Anne. Sana malaman mo na lagi lang ako nandito para sa'yo"
Mahal ko pa rin siya. Oo mahal ko siya, hindi naman yun nagbago kahit nawala na siya. Ako pa rin yung kaibigan niyang handa siyang mahalin at alagaan na hindi binigay sa kanya ng Zyril na yun.
Ang buhay nga naman ang hirap intindihin. Ewan ko rin ba sa sarili ko, gwapo naman ako, marami ngang babae na nagsasabi na bakit wala pa akong girlfriend eh sobrang gwapo ko naman daw. Ang sinasabi ko naman sa kanila palagi ay may hinihintay kasi ako. Pero ang totoo ay hindi ko alam kung sino ba ang hinihintay ko.
Habang naglalakad ako palabas ng eskenita sa amin ay muli kong naalala ang gabing yun.
Flasback.
Masaya akong naglalakad pauwi galing sa trabaho ng makita ko si Maricris at ang mama niya na nag-uusap sa tapat ng bahay nila.
Galit ako sa kanila, lalo na kay Maricris. Isang taon nang patay si Anne, pero hindi ko pa rin makalimutan ang pagtratraydor niya sa best friend niya. Simula rin ng namatay si Anne ay pinatay ko na rin ang pagkakaibigan namin, hindi ko na siya kinakausap at kinalimutan na naging kaibigan ko pa siya.
Hindi ko naman sinasadya na marinig yung pinag-uusapan nila. Nagtago ako sa may poste ng marinig kong pinag-uuspan nila si Anne.
"Totoo ba yang sinasabi mo, ma? Hindi tunay na anak ni Angela si Anne?"
"Oo anak. Tinago namin yun ni Angela sa loob ng dalawampung taon sa kanya at pati na rin sa'yo. Ampon lang si Anne ni Angela at ng asawa niyang walang kwenta"
Hindi ako makapaniwala, totoo ba ang sinasabi niya? Ampon lang si Anne?
"Sino ang tunay niyang mga magulang?"
Bigla akong kinabahan sa isasagot ng nanay niya, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam din ako ng takot.
"Si Je---- Elly anong ginagawa mo diyan?"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Novela JuvenilMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...