Maricris PoV
"Tuluyan mo na talagang binenta tong condo mo?"
Ayaw ko man ibenta ang condo ko ay wala na akong magagawa. Wala na akong ibang paraan na naiisip para magkapera kundi ibenta ang condo unit ko.
Hindi na rin nagbibigay sa akin ng pera si Zyril, hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para itigil ang allowance na binibigay niya sa akin weekly. Wala naman na akong business kaya wala na akong nahahawakan na pera.
"Umalis na tayo. Ayoko ng makita kung sino man ang bumili ng unit ko"
"Okay ka lang mars?"
Hindi ko na siya pinansin. Bakit kailangan niya pa akong tanungin kung alam niya namang hindi ako okay? Stupid.
Sumakay na kami sa kotse ko at pinaandar ko ng mabilis papunta sa kumpanya ni Zyril. Kailangan kong kausapin ang lalaking yun.
"Intayin mo na lang ako dito"
Iniwan ko na si Jessica sa lobby ng kumpanya at dumiretso na sa ako CEO office.
Pag-pasok ko sa loob nakita ko siyang nakatayo habang may hawak na baso ng wine. Umiinom ba siya?
"Hindi na pala kita kailangan tawagan"
"Bakit hindi mo na ako binibigyan ng allowance?" diretso kong tanong sa kanya.
Napatawa siya sa sinabi ko. Walang nakakatawa sa sinabi ko, hindi niya ako kailangan pag-tawanan.
"Pera na naman? Muka ka talagang pera no?"
"Bakit? Pareho lang naman tayo"
Lumapit siya sa akin ng kaunti saka tumawa ulit ng mahina. "Ako? Mukhang pera? Wag mo nga akong igaya sa'yo"
"Sagutin mo nalang ang tanong ko! Kailangan ko ng pera!"
Sumiryeso yung itsura niya. Alam kong galit na naman siya. Ganyan naman siya eh laging galit....sa akin.
"Bakit naman kita bibigyan ng pera? Banko ba ako? May pinatago ka ba sa akin para hithitan ako ng pera?"
Nag-init yung ulo ko sa sinabi niya. Bakit niya sa akin nasasabi ang bagay na 'to sa akin? Ano bang mali sa akin at ginaganito niya ako?
"Fiancee mo ako kaya karapatan mong bigyan ako ng pera!"
Natawa na naman siya sa sinabi ko. Gusto ko na siyang sampalin sa ginagawa niya. Napakag*go talaga niya!
"Fiancee? Hindi mo ba natanggap yung text ko sa'yo?" tumalikod siya sa akin at nakita ko naman sa salamin na uminom siya dun sa hawak niyang baso.
Bigla naman akong naguluhan sa sinabi niya. "Text? Anong text?"
"Wag mo nga akong lokohin Maricris. Pwede ba wag kana mag-ilusyon na ikakasal pa tayo dahil hindi na yun matutuloy. Pinuputol ko na ang relasyon natin. Kaya malaya kana"
Pinuputol? Bakit ang sakit? Ano bang sinasabi nito ni Zyril? Baliw ba siya?
"Bakit mo ba iniiba ang usapan? Pera ang gusto ko, bigyan mo nalang ako"
Humarap na ulit siya akin. "Bingi ka ba? O gusto mo paulit-ulit na sabihin ko na nakikipag-hiwalay na ako sa'yo. Hindi na tuloy ang kasal natin kaya wala ka ng makukuha sa akin kahit mag-kano. Makakaalis kana"
Ano na naman ba to? Bakit niya sa akin 'to sinasabi? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit niya ako binibitawan ng hindi ko nalalaman? Bakit niya ako sinasaktan ng ganito?
"Hindi mo ba narinig ang sinasabi ko? Umalis kana. Ayoko ng makakita ng malansang isda sa kumpanya ko"
May tumulong luha sa mata ko. Hindi ako naniniwala. Sinasabi niya lang yan dahil galit siya. Mahal niya ako. Magpapakasal pa kami. Mahal namin ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...