Chapter 11 "First Meeting"

4.8K 94 1
                                        

Anne PoV

Napakamot ako sa batok ko dahil sa kakaisip kung ano ba ang magandang suotin. Kanina pa ako dito nakaupo sa kama ko habang nakatingin sa cabinet. Siguro ay iniisip niyo na may pupuntahan akong party, sasabihin ko na sa inyo na mali kayo, iniisip ko kung ano ang susuotin ko para maging itsurang general manager. Naalala niyo pa ba? Yung sinabi ni Zyril na isa na akong general manager sa Brillena Company at hindi na isang Secretary. Kaya ito mula kagabi hindi ko pa rin alam kung paano ba ako magiging itsurang general manager.

"Haiiist ano ba ang susuotin ko?" bulong ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim saka tinignan ang oras sa nakasabit na orasan sa ding-ding, mag-aalasyete na pero ito parin ako nakaupo at walang magawa.

"Bahala na nga"

Tumayo ako saka dumampot ng isang dress sa cabinet, bahala na si batman kung ano ang magiging itsura ko sa mata ng tao.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimula na maligo.

Pag-labas ko ng banyo nagbihis agad ako at nilabas yung mga binili ko kahapon sa mall.

Dati hanggang pulbo lang ako ngayun pameke-up make-up na. Nakakahiya naman kasi sa loob ng company kung pulbo lang ang ilalagay ko sa mukha ko.

"Ayan!, pwede na siguro yan no?"

Napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Ang ganda ko pala kapag may make-up, nasanay kasi ako na pulbo lang talaga. Nakakahiya man sabihin ngayun na lang ulit ako nakapaglagay ng make-up sa mukha, naalala ko pa yung js pa namin nung high school ang huling nag make-up ako, 4 na taon na ang lumipas. Puros sa bahay lang naman ako eh, kaya wala na akong pake kung ano itsura ng mukha ko.

Hay nako Anne! Lumilipas ang oras daldal ka pa ng daldal jan!

Lumabas na ako ng kwarto ko, saka pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

Asan kaya si Mama?

"Hoy babae! Sino ka? Paano ka nakapasok dito sa bahay namin! Hala sige humarap ka sa akin!"

Sino ang kaaway ni mama? Pag-lagay ko ng tubig sa baso ko saka ako humarap para makita kung sino ang sinisigawan ni mama.

"Sin--- anak?"

Pagkita ko kay mama, gulat na gulat siya sa nakita niya, para bang natakot ng makita ako.

"Ma, sino yung sinisigawan mo?" tanong ko saka uminom ng tubig.

"Anak ikaw ba yan?"

"Opo naman ma, ako to si Anne"

Nakita kong kumunot ng unti yung noo niya saka tinitigan ng maagi ang mukha ko.

"Ikaw nga, anong nangyari sayo anak bakit ganyan ang itsura mo?" tanong niya habang hawak pa ako sa pisngi.

"Ma make-up lang po yan" natatawang sagot ko.

Si mama talaga minsan over acting kala mo naman nagpasurgery ako at nag-iba ang itsura ng panget kong mukha, eh make-up lang naman nagpaganda sa akin.

"We di nga? Pero hindi talaga kita namukaan anak"

"Talaga po? Maganda na ba ako ma?" tanong ko

"Oo naman anak sobrang ganda mo, sobra-sobra. Pero kahit wala ka namang make-up maganda ka naman eh"

Binibiro na naman ako ni mama, alam ko naman sa sarili ko na hindi ako kagandahan eh, si mama lang ang nagsasabi na maganda ako pati na rin pala si Maricris.

"Si mama talaga, nangbiro pa. Sige na po ma kailangan ko na rin pumasok"

Niyakap at kiniss ko siya saka naglakad na palabas ng pinto.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon