Chapter 6 "First Impression"

5.3K 119 1
                                    

Anne PoV

Alam nyo ba yung feeling na sobrang saya ngayun, second day ko palang sa trabaho pero nasaan ako? Edi eto nasa layasan kasama ang gwapong boss ko

Pauwi na nga kami ngayun eh, alam nyo ba buong araw kaming nag-date, pagkatapos namin kasi kumain ng lunch nag-yayq sya manuod ng movie tapos pagkatpos non naggala pa kami o diba ang saya?

Kaya lang medyo tahimik pa ako sya lang daldal ng daldal, alam nyo naman nahihiya pa ako. hindi naman pwedeng mag-feeling close kami agad ako diba?

"Saan na ulit ang bahay mo?" napatingin ako sa kanya nang nagtanong sya.

Kahit saang angulo talaga ang gwapo ng kasama ko, pwede na akong mamatay sa kilig ngayun, hayy yung ngiti mo parang matutunaw ako tapos yung labi nyang sobrang pula parang ang sa---

"Anne saan ang bahay mo?"

Yung labi nya parang gusto kong ik---

"Anne"

Hala...

"Sorry... Ahh ano na pala yung tanong mo ulit?" nakakahiya -_-

Bakit ka ba kasi nakakatitig ka sa kanya Anne, edi yan napahiya ka.

Tumingin ako sa harapan, saka nagsimula magsalita.

"Jaan iliko mo lang tapos yung pang apat na.bahay doon kami nakatira"

Agad nya naman niliko yung kotse pagkasabi ko, at hininto nya mismo sa tapat ng bahay namin.

Nauna syang bumaba, bumaba na rin ako nakakahiya naman kung iintayin ko pang pagbuksan nya ako ng pinto diba?

"Anne!!!" rinig ko agad na tawag ni Maricris pagkababa ko ng kotse.

"Uy ikaw Best ha" pang-aasar nya.

Tinignan ko sya ng masama, nako tigilin mo lang ako Maricris nahihiya na nga ako kay Sir Zyril eh.

"Pakilala mo naman ako best sa amo mo"

Humanda ka sa akin mamaya Maricris.

"Ahh Sir, best friend ko nga pala si Maricris, best si si Sir Zyril"

Agad namang nakipagkamay si Sir Zyril sa kanya. Nagustuhan naman ng bruha dahil nahawakan nya ang kamay ni Sir.

"Ano nga po pala ginagawa mo dito?" tanong nya kay Sir Zyril na parang hindi na.nahiya.

"Hinatid ko lang si Anne, and i want to her family"

Tik tok tik tok tik tok.

Teka parang tumigil yung ikot ng mundo ko, tama ba yung naririnig ko?

Ohhh baka..

"Hoy best gusto nya daw makilala si tita"

Sa sobrang pagtataka napapatitig ako kay Maricris, yung titig ko tinatanong ko sya kung totoo ba tong nangyayari.

"Oo" mahinang bigkas nya.

Parang nagtatalon yung puso ko sa loob sa kilig, bakit nya naman gusto makilala si mama?

"Tara na po pasok tayo sa bahay nila andoon si tita sa loob"

Naiwan ako dito sa labas na nakatunganga, hindi parin kasi ako makapaniwala eh.

Nakita kong papasok na sila sa bahay namin, eto talagang si Maricris, nako mamaya lagot ka talaga sa akin bruha ka.

"Wait lang" sigaw ko

Nilapitan ko si Maricris saka nilayo sya kay Sir Zyril, mahirap na baka kung ano sabihin nya diba?

"Tita may bisita ko po!"

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon