Chapter 26 "Launching"

7.9K 138 23
                                    

Zyril PoV

"Masyado ka nang na-iisstressed bro. Mag-bakasyon ka muna kaya"

Tinignan ko ng masama si Jason. "Are you insane? Mag-babakasyon ako tapos ano malulugi at hahayaan ko ng bumagsak ang kumpanya ko? Nagpapatawa kaba?"

"Chill lang. Mukha kasing kailangan mo ng bakasyon kahit ilang araw lang"

"I have no time for that. Ang gusto ko ay bumalik sa dati ang kumpanya"

Hindi ko talaga maiintindihan kung bakit nalulugi ang kumpanya ko? Ang baba na ng monthly sales report namin at ang masama hindi ko alam kung bakit. Tapos si Grandma hindi man ako tulungan kung ano ang dapat kong gawin. Bwisit na tanda na yan!

"I have an idea bro. Ibenta mo kaya ang half-share ng kumpanya? By that makakabangon itong kumpanya mo. And you know what? I know someone who can help us"

"You're so stupid Jason. I will not do that. This is mine. Sa akin lang!"

"Well i'm just trying to help. Bahala ka. Pero kung nag-bago ang isip mo sabihin mo lang sa akin"

"Your help is not helping me. Kaya manahimik ka na lang"

Gagawin ko ang lahat para maibangon ko ang kumpanya. Hindi dapat isipin ni tanda na isa akong pabaya upang hayaan lang ang kumpanya na bumagsak.

*knock knock*

"Excuse me, Sir"

"What you need?"

"Ibibigay ko lang po ito. Invitation po"

Nilapag niya sa table yung small white envelop na may nakalagay na pangalan ko sa likod.

"Makakaalis kana"

"Thanks Kyle" Jason

"Ano naman yan?"

Binuksan ko yung envelop at isang invitation ng launch ng perfume"

LA Scents Launch

"Invitation ng Launching ng product ng Callahan's Group of Company"

Kinuha niya sa kamay ko yung invitation at tinignan niya. Minsan naiisip ko bakit ko naging kaibigan ang isang 'to eh napaka-stupid minsan.

"Loraine Alcantara? Kilala mo ba siya?"

"No. Itapon mo na yan at hindi naman ako pupunta"

"Bakit naman? Why don't you try? Para naman mabawasan yang stressed mo sa kumpanya. Saka mukhang lahat ng sikat na kumpanya ay invited sa product launching na yan"

Nilapag niya ulit sa table ko yung envelop. "Try it"

Hmmm. Tinignan ko yung invitation. "Loraine Alcantara"

"Pupunta ako pero sasama ka"

----

"Ayos tong wine ahh! Ang sarap"

"Umaayos ka nga Jason! Wag mo akong ipahiya. Baka sabihin ng mga tao dito ay ngayun ka lang naka-tikim ng wine" bulong ko sa kanya.

Pumunta na rin ako para naman malaman ko ang mga kumakalaban sa kumpanya ko. Ano naman kaya ang pakulo na ginawa ng kumpanya nila para matalo ang kumpanya ko?

"Sinabi mo ba kay Maricris na pumunta ka dito?"

"Para saan pa? Hindi niya na kailangan malaman kung saan ko gusto pumunta"

"Pag-nalaman niya to. Siguradong lagot ka don"

"Who cares?"

Hindi ko pa nakakausap si Maricris nitong mga nakaraang araw, ewan ko ba naman dun kasi sa babaeng yun,kung ano-ano ang pinagkakaabalahan. Tapos napakaselosa pa, kaya naman nakakawala siyang gana. Buti nalang hindi pa kami kasal and i thank god for that.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon