Elly PoV
"Wala ka ng maitatago sa aming lahat lalong-lalo na kay Anne at Maricris. Sasabihin ko ang lahat ng nalalaman at mga nalaman ko ngayun"
Tumalikod na ako sa kanya para puntahan si Anne sa condo unit niya pero napahinto ako ng may naramdaman akong bagay na pinalo sa akin.
"Mamatay ka muna bago yun mangyari"
Sa sobrang lakas ata ng pagkahampas niya ay biglang umikot ang paningin ko para mahilo ako at unti-unting dumilim ang paligid.
----
Nagising ako ng makarinig ako ng ingay. Sobrang sakit ng ulo ko para bang inuuntog ang pakiramdam ko ngayun, ramdam ko rin ang kirot dahil nagkasugat yung pagkahampas sa akin kanina.
Nilibot ko yung mata ko para tignan kung nasaan ba ako. Ano bang lugar 'to? Bakit niya ako dinala sa lumang bahay na 'to? Tinignan ko ng masama yung nanay-nayan ni Maricris ng humarap siya akin.
"Gising ka na pala? Kamusta ang tulog mo?"
Muli ko siyang sinamaan ng tingin, talagang nagagawa niya pang ngumiti sa mga ginagawa niya. "Anong balak mo sa akin? Hindi ka ba marunong makonsensya sa mga ginagawa mo tita? Tigilan mo na 'to"
"Wag mo nga akong matawag-tawag na tita! Nakakairita eh!" Tinuro niya yung sarili niya. "Ako titigil? Ngayun pa ba ako titigil kung kailan malapit ng magpatayan yung dalawa. Alam mo Elly panggulo ka lang eh! Gusto mo ba mauna ka ng mamatay sa kanila?"
Hindi ko akalain na ganito pala kasama ang taong 'to. Paano niya nagagawa ang mga bagay na 'to? Halos twenty years niya rin inalagaan si Maricris at alam kong mahal niya ito pero bakit niya ito ginagawa? Ang tagal niya na pala kaming niloloko, lalong-lalo na si Maricris.
"Bakit mo ba pinaglalaruan ang buhay nila Anne? Ano bang problema mo!"
Tumawa siya ng sobrang lakas na kala mo ay nababaliw na.
"Anong problema ko? Marami! Sobrang dami! Tulad naman mamatay ka rin ay ikwekwento ko na sa'yo ang lahat ng kahayupan ng ginawa ni Angela at Jennella sa buhay ko"
Tumalikod siya sa akin bago umupo sa isang kahoy na upuan na nasa harapan ko.
"Matalik na kaibigan ko si Angela noon, sobrang lapit namin sa isa't-isa, mahal namin ang isa't-isa bilang mag-best friend, akala ko nga hindi na kami mapapaghihiwalay pero hindi pala. Isang araw nangailangan ako ng tulong siya lang ang malalapitan ko, sabi niya tutulungan niya daw ako pero kailangan ko muna daw maghintay ng kinabukasan, ayun naman ang ginawa ko. Kinabukasan bumalik ako sa kanila pero tinaboy niya ako ng parang basura, nilait, inapi at sinaktan. At alam mo ba kung bakit, dahil may boyfriend na pala siya at inutos ng boyfriend niya na layuan niya daw ako at wag tulungan. Sampung taon kaming magkaibigan ni Angela pero pinagpalit niya lang ako sa lalaki, araw-araw nagmamakaawa ako sa kanya para lang tulungan niya ako at iwan niya yung boyfriend niya para wag masira ang pagkakaibigan namin. Pero nabigo ako dahil iyon ang pinili niya at hindi ako, hanggang sa nalaman ko na may asawa na pala ang boyfriend niya, sinabi ko yun agad sa kanya pero hindi naman siya naniwala sa akin, gumagawa lang daw kasi ako ng kwento para hiwalayan niya yung lalaki. Dahil nga mahalaga sa akin ang pagkakaibigan naming dalawa ay hinanap ko ang asawa ng lalaking yun, at ayun si Jennella. Kinausap ko si Jennella ng gabing iyon, sinabi ko sa kanya ang nalalaman ko, sabi ko tulungan niya ako para mabawi ko ang kaibigan ko. Umasa na naman ako na matutulungan niya ako kaya ko yun ginawa, pero alam mo ba iniisip niya na ako ang kabit ng asawa niya, binalak niya akong patayin, pinahirapan niya ako at kinulong ng matagal, hanggang sa makatakas ako sa kanya. Dahil sa lahat ng ginawa nilang dalawa ay sobra akong nagalit, sinumpa ko yung pangalan nila at nangako ako sa sarili ko na paghihigantihan ko ang mga kahayupan na ginawa nila sa akin. Nalaman kong sabay silang nagdadalang tao at iisa ang ama. Umiisip ako ng magandang plano kung paano ko sila magagantihan ng palihim at ng nanganak na sila doon ko ginawa ang planong matagal kong plinano, ang nakawin ang anak ni Jennella at ipalit sa anak ni Angela at yung anak naman ni Angela ang kinuha ko. Alam mo kung bakit ko yun ginawa? Dahil gusto ko silang mabuhay sa kasinungalingan at habang buhay silang mabulag sa katotohanan. At ng lumaki na ang mga anak nila ay ito naman ang paglalaruan at pahihirapan ko, magkapatid sila pero ang daig pa nila ang tigre at liyon kung mag-away, iniintay ko nga na patayin ni Maricris si Anne eh, tulad iyon din naman ang binalak ng nanay niya sa akin"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...