Chapter 47 "Life and Death"

5.5K 83 2
                                    

Zyril PoV

"Kasalanan ko ang lahat ng ito"

Hindi sana hahantong sa gantong paraan kung hindi ako nagloko, walang malalagay sa alanganin ang buhay kung hindi ko siya pinagpalit. Sobra kong sinisisisi ang sarili ko kung bakit nag-aagaw buhay ang mahal ko.

Ang bigat sa dibdib habang nakikita ko ang mga nakapalibot na doctor at nurse sa kanya, hindi ko kayang makita na nahihirapan siya ng dahil sa akin.

"Lumaban ka Anne. Alam kong kaya mo yan, hindi ka sumusuko agad kaya alam kong mabubuhay ka pa" mahina kong bulong sa sarili ko habang nakadungaw sa pintuan.

"Zyril, maupo ka muna"

"Dito lang ako, gusto ko siyang makita. Ayoko siyang iwan"

Ayoko na na siyang iwan, gusto kong maramdaman niya na nasa tabi niya lang ako, hindi ko na uulitin ang nakaraan na sumira sa aming dalawa.

"Gusto ko pag-gising niya ako agad ang makikita niya"

Pinunasan ko ang luha na dumapo sa pisngi ko. Ganito pala ang pakiramdam na masaktan? Ni minsan hindi ko nasaktan, hindi naman kasi ako marunong mag-mahal para sa akin sarili lang dapat ang minahal wala ng iba. Kaya noon ginamit ko lang si Anne para makuha ko ang gusto ko, si Maricris hindi ko naman talaga siya minahal. Pero ngayun bakit ako nasasaktan ng ganito? Ibig sabihin ba nito marunong na ako magmahal ng hindi lang sa sarili ko? Natutunan ko na bang magmahal ng walang halong kapalit?

"Anne, mahal kita. Totoo yan, maniwala ka sana"

Umabot ng ilang oras na nasa loob yung mga doctor pero wala pa ring lumalabas kahit na isa sa kanila. Hindi na ako mapakali sa kakaisip, hindi ko na rin alam kung ilang beses na ako pabalik-balik kakaikot. Hindi ko na rin alam ang iisipin ko, nalipasan na rin ako ng gutom kakahintay. Isa lang kasi ang laman ng isip ko ngayun at iyon ang kaligtasan ni Anne.

"May pupuntahan lang ako"

Hindi ko alam kung bakit ko naisip magpunta doon, wala na kasi akong ibang malalapitan kundi siya lang.

Si God.

Nagpunta ako ng chapel nitong ospital, iilan lang ang tao. Pumwesto ako sa may gitna sabay lumuhod.

Inaamin ko po sa inyo minsan lang po kita maalala, hindi rin po ako nagsisimba at hindi po ako nagdadasal. Patawarin niyo po ako, pwede po ba akong humiling sa iyo?

Sabi po nila makapangyarihan ka, pwede mo bang pagalingin si Anne? Diba ikaw rin ang dahilan kung bakit kami nabubuhay? Nagmakakaawa po ako sa'yo wag mo po munang kukunin si Anne, kailangan pa siya ng mga kapatid niya. Alam ko pong nahihirapan at napapagod na siya pero sana buhayin mo pa po siya, wag mo po muna siyang kukunin samin.

Dapat ba akong patawarin ni Anne sa lahat ng nagawa ko sa kanya? Do i deserve her second chance? Dapat niya ba akong mahalin muli? Mapapasaya ko ba siya sa piling ko?

Hindi ko na po hihilingin ang kapatawaran niya ang mahalaga po ay mabuhay siya. Siguro nga po hindi kami ang tinadhana niyo para sa isa't-isa. Masakit man para sa akin dapat ko na po siyang bitawan, kayo na po ang dapat pumili kung sino ang karapatdapat na magmahal sa kanya.

Salamat po.

Timungin ako sa harap, sa kanya nalang ako kukuha ng pag-asa ngayun. Sana nga lang pakinggang niya ang dalangin ko. Tumayo ako at mabagal na naglakad paalis ng chapel.

Sumilip ako sa labas at nakita kong magdidilim na. Nadaanan ko yung garden kaya naisip kong pumunta doon at maupo sa isang puting bench.

Malapit ng lumubong araw pero hindi pa rin nagigising si Anne. Anong oras kaya siya gigising? Naisip ko na ang gagawin ko kapag nagising na siya. Gusto kong humingi ng maraming sorry sa kanya, ipaparamdam at papakita ko na nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon