Zyril PoV
"What do you mean by that? Hindi ko binebenta ang mansyon"
Nakatingin lang siya saakin, yung tingin na walang makikitang pagmamahal hindi tulad ng dati na punong-puno pagmamahal, puros galit lang ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Diba nakasanla ang bahay na ito sa bangko? Nalaman ko kasi na hindi mo na kayang tubusin dahil sobrang laki na ng interest, kaya naman ako ng tumubos. Naawa kasi ako sa'yo, baka hirap na hirap kana para kumita ng pera pantubos"
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya, parang tumigil ang mga ugat ko sa utak kaya huminto ito sa pag-iisip. Alam ko naman na nakasanla ito sa bangko, yun lang ang paraan para pautangin nila ako kaya ginamit ko itong bilang collateral. Ilang buwan na akong hindi nakakabayad kaya tumaas ang interest kaya tuluyang hindi ko na nabayaran ang utang ko.
"Napipi kana ata Zyril, hindi mo ba matanggap na wala ka ng titirahan? Sabagay hindi ka pala sanay sa buhay mahirap kaya hindi kita masisisi kung natatakot ka mawala ang mansyon. Pero sorry ko nalang doon na kasi bagsak niyo"
Kung dati sa tuwing haharap siya sa akin ay may halong takot, pero sa takot na yun hindi pa rin nawawala ang pagmamahal at pag-aalala. Ngayun naman bumaliktad na ang mundo dahil ako naman ang natatakot at nagmamahal. Halata naman sa pinapakita niya na hindi niya na ako mahal. Bakit niya pa mamahalin ang taong nanakit at sumira ng buhay niya. Siguro nga tama siya, i don't deserve her second chance.
"Kung yun ang gusto mo. Aalis na ako dito, salamat dahil ikaw ang tumubos ng mansyon ni Grandma. Alam kong mas maalalagaan mo ang mansyon kaysa sa ginawa ko"
Tumalikod na ako sa kanya, ayokong makita pa ang galit niyang tingin, sobrang sakit kasi para saakin.
"Zyril! Bakit ka pumayag sa gusto ng babae na ito? Wala pa siyang napapakitang ebidensya na sa kanya na ang mansyon mo!"
Lumapit sa akin si Maricris saka hinawakan ako sa kamay, pinipigilan niya akong wag umalis.
"Naniniwala ako sa kanya, pwede ba Maricris lubayan mo na ako! Ayoko nang makinig sa mga sasabihin mo!"
Tinabig ko yung kamay niya para mabitawan niya ako. Kailan ba ako lalayuan ng babaeng 'to? Sobra na akong naiirita sa kanya, malapit ko na siyang saktan!
"Zyril! Wag ka ngang tanga! Aalis ka ng walang proweba na nakikita? Talagang naniniwala ka sa babaeng yan? Hindi mo ba alam na pinaglalaruan niya lang tayo? Wag kang maniwala sa kanya, manloloko siya!"
Biglang lumapit si Loraine sa kanya at sinampal siya sa kanang pisngi. Buti nga sa'yo, ang epal mo kasi eh.
"Gusto mo ng edidensya? Sige! Tignan mo yan!"
May inabot siyang envelop kay Maricris, siguro iyon yung land title at certificate of transfer of ownership. Halata sa mukha ni Maricris ang gulat sa nakikita. Hindi niya ba alam na mas tanga siya kaysa kay Loraine? Pinapahiya niya lang ang sarili niya.
Naniniwala ako sa sinasabi ni Loraine na siya na ang may ari ng mansyon, hindi naman malabo yun dahil gusto niya kaming gantihan. Tama lang naman ang ginagawa niya, dapat kaming maparusahan sa lahat ng ginawa namin sa kanya lalo na ako. Ito na ang karma ko sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. Kahit masaktan ako at maghirap basta masaya siya ay masaya na rin ako tulad i deserve her revenge.
"Hindi totoo yan! Pineke mo lang yan, pinagawa mo lang yan para takutin kami. Ano pa ba ang gasto mong makuha sa amin ha? Hindi kaba naawa sa mga pinaggagawa mo?"
"Awa? Alam mo pala ang salitang 'awa' Maricris? Kailan mo yun nalaman ha? Sinasabi mong wala ba akong awa? Bakit dati naa-awa kaba ng patayin mo ang anak ko at ang nanay ko? Naawa kaba ha? Diba hindi? Tapos gusto mo maawa ako sa inyo? Kung sino ang dapat maawa ay kayo 'yon at hindi ako, maawa kayo sa sarili niyo dahil lumulubog na kayo sa putikan"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
JugendliteraturMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...