IMPORTANT AUTHOR/S NOTE: Please read my Note sa baba. Thank you!
Jennella PoV
(First ever PoV niya palang 'to mga bes)
Buhay ang anak ko.
Yan lang ang tumatakbo sa isip ko sa mga nakaraang araw.
Sa loob ng dalawang dekada ay inisip kong patay na siya, twenty one years akong naniwala na patay na ang kaisaisa kong anak na babae. Sa loob ng mga taon na yun ay walang araw na hindi ko siya naalala, sa bawat taon na lumipas na hindi ko siya nakasama ay laging may kulang, laging malunglot,sobrang sakit mawalan ng anak.
Pero bakit ngayun ko lang nalaman na buhay pa siya? Bakit? Ang sakit-sakit malaman na hindi sa akin lumaki ang anak ko, hindi ko nakita kung paano siya lumaki, kung paano siya umiiyak, maganda ba ang buhay niya at sino ang nag-alaga sa kanya.
Nang malaman ko ang na ibang bata pala ang pinakita sa akin twenty-one years ago sa hospital at ng malaman ko na buhay pa ang anak ko ay walang araw na hindi ako nag-imbestiga. Kinasuhan ko yung nurse na nanloko sa akin at pinasara ko yung hospital dahil sa ginawa nila, dapat lang yun sa paglayo nila sa anak ko.
Pero hanggang ngayun hindi ko pa rin siya nakikita, ni pangalan niya ay hindi ko alam, kahit itsura niya ay hindi ko rin alam.
"Ma, bakit mo ba kami pinatawag? Ano ang dapat nating pag-usapan?" Easton.
"Si Loraine? Bakit wala siya dito?" Kyle
"Dahil gusto ko tayong tatlo lang ang mag-usap"
"I don't understand ma, ano bang dapat natin pag-usapan?" Kyle
"Buhay pa si Sophie"
Napatayo si Easton sa gulat, nakita ko rin ang pagkainis sa mukha niya.
"Ma, enough with this. Mag-move on na tayo. Patay na siya!"
"No Easton. Nag-sasabi ako ng totoo"
Huminga siya ng malalalim saka lumapit sakin. "Ma, hindi pa ba sapat ang twenty one years para malaman mong wala na siya, alam ko na naman na nasasaktan ka pa rin sa pagkawala ni Sophie, pero hindi ka ba napapagod? We need to move-on. Kahit kailan ay hindi na natin siya makakasama"
"Alam ko na ang totoo, ibang bata ang binigay satin. Buhay pa ang kapatid niyo"
"What are you saying, ma?"
"Bakit ba ayaw niyong maniwala? Hindi ba kayo masaya na buhay pa ang kapatid niyo? Alam niyo naman kung gaano ako nauulilala sa kapatid niyo diba? twenty one years natin hindi siya kasama, twenty one years din tayong nagpaloko. Alam ko na hindi niyo nararamdaman ang nararamdamn ko araw-araw, i'm just a mother na nawalan ng isang anak. Hindi niyo alam kung gaano ako kasabik na mayakap at mahalikan ang kapatid niyo. Alam ko mahirap paniwalaan na buhay pa siya, pero ako naniniwala ako na buhay pa siya. Kahit libutin ko ang buong pilipinas o ang buong mundo para lang mahanap siya ay gagawin ko. Bahala na kayo kung maniniwala kayo o hindi"
"Ma"
"Lumabas na muna kayo, gusto kong mapag-isa"
Pagkalabas nilang dalawa ay doon na ako naiyak. Kinuha ko yung nag-iisang picture na meron ako. Ito yung picture niya ng isinilang ko siya.
"Pangako anak, hahanapin kita. Gagawin ko ang lahat para makita na kita, hindi ako titigil hanggat hindi kita nakikita. Mahal na mahal kita" Niyakap ko yung picture habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
Sabik na sabik na ako na mayakap ka.
Magkikita rin tayo anak. Kahit maubos na ang yaman ko makita lang kita.
BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Roman pour AdolescentsMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...