Anne PoV
"Ohh she's here. Anne, come here"
Nilapitan ko si tita Jennella na nakaupo sa isang coffee table meron siyang kausap na babae.
"She is i'm talking about"
Tumayo yung babae para kamayan ako, hindi ko na siya pinaghintay at kinamayaan ko siya.
"I'm Kylie Smith. Ako ang tutulong sa'yo na iaayos ang buong personality mo"
Nginitian ko siya. Hindi na ako nag-dalawang isip ng sabihin sa akin ni Kyle na isasama niya ako sa US. Kapag malayo ako sa mga taong nanakit sa akin ay hindi na nila ako makikita at mas matutupad ko ng maayos ang paghihiganti ko.
Nasa New York kami ngayun, sumama si tita Jennella sa pagpunta dito upang mas matulungan niya daw ako. Lahat ng nangyari sa akin ay kwinento ko sa kanila kung paano nila ako pinaiyak at nasira ang buhay ko. Akala ko ay papalayasin na nila ako pero ay nagkamali ako dahil mas lalo silang naging mabait at tutulungan nila ulit akong makabangon sa pagkakabagsak.
"Anne. Wag kang mag-alala mabait yan. Hindi ka niya papahirapan just trust her, okay?"
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"So maybe you can start?"
"Of course. Anne are you ready?"
"Ah oo. Handang-handa na"
Iniwan kami ni tita Jennella, may pupuntahan daw muna siya. Tumayo siya sa harap at may hinila siyang isang white board.
"We will start from learning a new way of speaking, Anne. I know this will be easy for you. I'm right?"
Binigyan ko lang siya ng ngiti bilang sagot. Tatlong oras niya akong tinuruan, habang siya ay nagsasalita ay sinusulat ko naman kung ano ang mga sinasabi niya. May mga salita na mahirap bigkasin pero kaya ko naman basahin. Magaling magturo si Kylie, kapag hindi ako nag-fofocus ay gumagawa siya ng paraan para mag-focus ako. Medyo nagagalit din siya kapag hindi ko makuha ang mga salita na tinuturo niya, pero yung galit niya naman ay para matuto ako.
"I'm home" tita Jennella
Nakangiti siyang lumapit sa amin at may mga dala siyang paper bag, nilapag niya yun sa lamesa na may mga notebook at ballpen.
"I bought some food to eat. Magmeryenda muna kayo"
Ang sarap naman ng pagkain na 'to. Pasta ang kinakain ko habang si kylie ay cake at ganun din si tita.
"So how's Anne doing?"
Kinabahan ako bigla. Baka kasi magalit si tita kapag sinabi ni Kylie na hindi ako nag-fofocus.
"Actually tita Anne is doing good. Ang bilis niyang matuto. She is very good learner"
"That's sound good. By the way Anne may papakilala ako sa'yo. Padating na siya"
"Sino po tita?"
"Me"
Nasa likod ko yung nagsalita. Boses palang ay alam kong lalaki siya.
"Easton"
Humarap ako sa kanya. Tinitigan ko siya ng maigi para kasing pamilyar siya parang nakita ko na siya dati hindi ko lang alam kung saan at kailan.
"Easton this is Anne. Anne this is Easton my son"
"Magkapatid po sila ni Kyle?"
"Yes we are. Hmm you look so familiar, did we meet before?'
Nagtaka si tita Jennella sa pagmumukha namin dahil pareho kaming kinikilala ang bawat isa. Saan ko ba siya nakita dati?
"Magtitigan nalang ba kayong dalawa?"

BINABASA MO ANG
Revenge of a Wife
Teen FictionMasaya Payapa Tahimik Yan ang mundong sinira ng isang tao, isang tao na bukod tangi niyang minahal. Masaya, Payapa, Tahimik yan ang nasirang mundo ni Anne dahil sa isang lalaki. Lalaki na manloloko, walang puso at walang kwenta. Pinaikot niya lang s...