Chapter 33 "Deal or no Deal"

5.8K 118 14
                                    

Loraine PoV

"Let's go Kylie"

Kasunod kong lumabas si Kylie ng kumpanya para puntahan ang isang tao na matagal na kaming tinutulungan.

*slap*

"Yan ang ganti ko sa'yo sa paninira na ginawa mo sa salon ko!"

Inayos ko yung hibla ng buhok ko saka tinignan si Maricris.

"Bakit mo sinampal si Loraine?" galit na tanong ni Kylie.

"Ako na ang bahala dito Kylie, mauna kana sa kotse"

"Perooo"

"Sige na Kylie"

Pag-alis ni Kylie saka ko binalik ang tingin sa babaeng kaharap ko.

"So what bought you here?"

"Wag kana nga mag-kunwari na wala kang alam dahil alam ko naman na ikaw ang dahilan kaya nagsara ang salon ko. Ano bang problema mo sa'kin ha?"

Ikaw! Ikaw ang problema ko.

"Ano na naman ba ang sinasabi mo ms. Brilenna? Bakit mo ba ako sinisisisi sa kapabayaan mo?"

Nakita ko na naman ang pagkainis sa pagmumukha niya. Ang sarap pala tignan magalit ng babaeng 'to.

"Pwede ba Loraine! Umamin kana lang sa ginawa mo!"

"Bakit ako aamin kung wala naman akong ginagawa? Pwede ba Maricris paadaanin mo na ako at may pupuntahan pa kami"

Naglakad na ako patalikod sa kanya kaso bigla niya ako hinila sa buhok.

"Hindi pa kita tapos kausapin. Ayoko sa lahat na tinatalikuran ako, at galit na galit ako sa mga taong sinungaling"

"Bitawan mo ako!"

Masyadong masakit ang pagkakasabunot niya sa akin, halos maputol na yung buhok ko kakahila niya. Bigla niya akong tinulak kaya napahiga ako. Tatayo na sana ako pero bigla siyang umupo sa harapan ko.

"Bakit ba sinisiraan mo ako ha? Naiingit kaba sa akin kasi alam mong mas magaling ako kesa sa'yo? O kulang pa sa'yo ang pera na kinikita mo kaya gusto mo ako agawan ng customer? Napakaganid mo! Sinasabi ko sa'yo na hindi ka magtatagumpay sa mga plano mo na siraan ako!"

Binigyan niya na naman ako ng malakas na sampal. Walang hiya ka talaga Maricris, bakit ba kasi na hindi mo nalang tanggapin na talo kana.

Kung akala niya ay muling dadampi ang kamay niya sa mukha ko ay nagkakamali siya, nasalo ko na yung kamay niya ng sasampalin niya ulit ako. Nagawa ko na rin siyang itulak para makatayo ako.

"Hindi na sana ako maniniwala sa mga taong nagsasabi na baliw ka pero ngayun pinatunayan mo na baliw ka nga talaga. Para sabihin ko sa'yo ay wala akong kinalaman sa mga nangayayari sa buhay mo. May ipapaalala pala ako sa'yo, diba ninakawan mo pa ako sa awarding kaya napahiya ako? Ngayun tatanungin kita, sino ang may karapatan na magalit sa ating dalawa? Ako o ikaw na magnanakaw?"

Tumayo siya mula sa pagkakabagsak saka tinignan ako ng maigi.

"Nakakahiya ka Maricris, hindi ko alam na ang baba-baba pala ng level mo, akala ko pa naman ay hindi ka bababa sa level ng isang 'baliw'. Akalain mo yun, yung sikat na sikat na make-up artist ay susugod at gumawa ng iskandalo. Wag ka mag-alaala hindi na ito aabot sa labas, ako at ikaw lang ang nakaalam kung gaano ka kababa"

"How dare you para sabihan ako ng ganyan! Wala kang karapatan!"

Muli niyang tinaas yung kanang kamay niya para sampalin ako pero sorry na lang siya at nasalo ko ang kamay niya.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon