Chapter 30 "Presentation"

6.9K 128 20
                                    

Maricris PoV

"Pag nakita 'to ni Maricris uusok nanaman yung tenga nun!"

"Baka naman mas magaling talaga si Loraine keysa kay Ms. Maricris ma'am Jessica"

"You think so?"

Narinig kong nag-uusap si Jessica saka yung isa kong worker dito sa salon.

Agad tinago ni Jessica yung hawak niyang newspaper ng bigla akong dumating.

"Ano yan?" tanong ko.

"Wala mars, itatapon ko lang ha"

Patalikod na siya sa akin ng agawin ko sa kanya yung newspaper.

Loraine Alcantara's Skin care products leads in the market.

"Ito ba ang sinasabi mong ikakausok ng tenga ko?"

"Yeah. Pansin ko lang kasi mars simula ng dumating yang si Loraine Alcantara dito sa pilipinas ay humina ang benta mo, humina na rin ang customers mo"

"Sa tingin mo ay hindi ko yan naisip? Malamang alam ko yun! Kung hindi lang kasi umepal ang babaeng yan ay hindi magkakaganito ang negosyo ko!"

Pinunit ko yung newspaper at tinapon sa sahig. "Itapon niyo na yan! Ayokong nakakakita ng mabahong pangalan sa salon ko!"

"Opo ma'am"

"Suggest ko sa'yo mars magsara ka nalang para naman hindi ka matuluyang malugi"

I look badly to her. Hindi ba to nag-iisip? Napaka-tanga!

"Ang bobo mo no? Edi kapag nagsara ako di humalakhak yung si Loraine? I will not do that Jessica, hindi ako papayag na naging masaya si Loraine, dahil alam ko na siya naman talaga si Anne. Bakit ba kasi siya nabuhay! I killed her!"

"Ha? Anong sabi mo mars?"

Kinabahan ako sa tanong ni Jessica. Why did i spill it? No one should know what i have done.

"Wala! Pwede ba Jessica umayos ka!"

"Okay naman ako ha? Bakit ba pinipilit mo na si Anne at Loraine ay iisa? Diba patay na si Anne? So anong drama mo sis?"

"Basta! Malakas ang kutob ko na siya si Anne! Tinatakot niya ako"

Nakita kong bigla siyang nagtaka dahil sa pagkunot ng noo niya. "Bakit ka naman niya tatakutin? Sis patay na siya! What is happening to you? Are you scared?"

"Of course not! Bakit naman ako matatakot sa kanya?"

"Ang gulo mo mars"

Kung nakabangon kapa sa hukay mo Anne at binabalikan mo ako para gantihan ay nagkakamali ka dahil ikaw ang dapat matakot sa muli mong pagbalik galing  sa hukay mo. Sisiguruduhin ko ngayun na hindi kana ulit makakatayo sa mundong ito.

"Mamaya na yung event ng world's best cosmetics. Kaya sana lumamig na yung ulo mo"

"Really? I almost forgot that"

Sigurado ako na andun si Loraine para ipresent ang cosmetics niya. Mangunguna pa kaya siya sa market kapag nasira ang pangalan ng make-up niya? Pinaglalaruan mo ba ako Anne? Well, maglalaro tayo, at sa larong ito ako ang mananalo.

"Ang lawak ng ngiti ah? Anyare namilagro kaba?"

"May naisip lang ako na magpapasaya kay Loraine"

"Wow. In what way? Naloloka kana talaga"

Naglakad ako palabas ng salon. "Let's go Jessica. We will join the game"

I'm so excited na makita ang pangalan ko na nangunguna ulit sa newspaper next month.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon