Chapter 21 "Painful"

7.4K 110 37
                                    

Maricris PoV

"Wait! Hindi ka man lang ba mag-papaalam sa best friend mo?" nakangiti kong tanong na paalis na si Anne. Ang best friend kong tanga.

*slap*

"Best friend? Sino? Ikaw? Nasasabi mong best friend kita? Ahas ka. Mang-aagaw!"

Hinawi ko yung buhok ko at binalik muli ang tingin sa babaeng kaharap ko. Nginitian ko siya ng sobrang tamis.

"Regalo ko sa'yo yon Anne. Hindi mo ba manlang nagustuhan? Hindi ka ba natutuwa na kilala mo na ang ibang babae ng asawa mo?"

Binigyan niya ako ng matalim na tingin.

"Matutuwa? Sa tingin mo matutuwa ako at nalaman ko na may kabit ang asawa ko? Nakakatuwa na ba yon para sa'yo?"

"Of course! At least hindi kana mag-iisip kung bakit ayaw na sa'yo ni Zyril. Siguro nasabi na sa'yo ni Elly ang tungkol sa amin? Pero dahil sa tanga ka nga hindi ka naniwala diba? Kasi nga tanga ka. Tanga, bobo, walang utak o ano ba ang tawag ng iba dun? Ah.. b*tch. Isa kang b*tch"

Dumaan sa hangin ang palad niya na nagtatangkang sasampalin na naman ako pero naharang ko ng kamay ko ang kamay niya.

"Sasampalin mo na naman ako? Sumosobra kana. Pagbigyan mo naman ako na gawin sa'yo to"

*slap*

Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi niya. Ginantihan ko lang naman siya na pananampal sa akin.

"Bakit mo 'to ginagawa sa akin Maricris? Bakit kailangan mo akong taksilin? Bakit ang asawa ko pa?"

Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. Sobrang nakakatawa talaga tong babae na to. Nasobrahan sa katangahan.

"Bakit? Nasasaktan ka? Diba yan ang binigay mo sa akin dati? Binabalik ko lang sa'yo yon Anne. Saka asawa? Sigurodo ka ba na may asawa ka?"

"Hon!"

"Tama na yan. Hayaan mo na siya" Zyril.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Anne

Magsasalita sana ako pero pinigilan ako ni Zyril.

"Umalis kana" utos niya sa tanga kong best friend

"Talagang mas pipiliin mo siya kesa sa akin na asawa mo?

"Malamang. Ako ang mahal ni Zyril. At hindi tanga na katulad mo"

"Umalis kana!"

Anne PoV

Wala akong magawa kundi ang iwan sila. Wala naman akong magagawa kung siya ang pipiliin ni Zyril. Pero bakit wala akong magawa? Ako ang asawa ako ang may karapatan na kay Zyril. Bakit ba ang hina-hina ko? Napakatanga ko. Ang tanga-tanga. Kaya hindi ko masisisi ang iba kung bakit sinasabi na tanga ako.

Panay ang patak ng luha ko, mga luhang sawang-sawa na. Mga mata kong gusto na sumusuko sa dami ng luha na nilabas niya. Wala naman akong kayang gawin eh. Kung hindi ang umiyak. Umiyak ng umiyak.

Inayos ko ang sarili ko bago lumapit kay kuya Jerry, hindi niya dapat mahalata na umiyak ako. Ayoko pati siya ay isipin na isa akong mahina.

"Kuya pakihatid muna ako sa bahay ni mama"

"O sige po"

Hindi na nagtanong si kuya Jerry, nagdrive nalang siya papunta sa bahay ni mama.

"Ah ma'am okay lang po ba kayo?"

"Okay lang ako manong, pakidali na lang po ang pagdridrive"

Ayoko ng magsalita dahil pakiramdam ko kapag nagsalita pa ako ay muling babagsak ang luha sa mata ko.

Revenge of a WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon