Chapter 1

4.5K 106 1
                                    

Nagising ako ngunit nanatiling nakapikit dahil tinatamad pa ako at pakiramdam ko ay nabugbog ako ng ilang beses. Nasobrahan ba kami sa sex kagabi?

Bigla akong natauhan at pikit mata kong pinakiramdaman ang sarili kong pagkababae. Kinapa ko iyon at intact pa!

So it was just a dream? No way! Sobrang vivid niyon, parang totoo! At hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa akin ang laki ng kaniyang anaconda!

Natigilan ako sa pag-iisip sa lalakeng iyon nang maramdaman ko ang bahagyang sakit ng aking kalamnan at hindi ko maigalaw masyado ang leeg ko. Para rin akong sinuntok sa tiyan, ibabang likod, puwit, hita at binti. Napadilat ako at akmang babangon ngunit nagulat ako na may IV fluid na nakakabit sa likod ng aking kamay. Dahan-dahan ko iyong tinanggal at halata ang namumulang parte ng mga tinusukan ng karayom sa aking bisig maging sa ibabaw ng aking siko.

Pagbangon ko ay tiyaka ko lang napansin ang paligid ko. I'm lying in a royal blue bed with white curtains and a familiar walk-in closet is on my left side. What the hell?

Doon ko narinig ang huni ng mga ibon at ang hampas ng alon sa dagat pati ang pamilyar na amoy niyon.

I'm back in Santander, Cebu?!

Kahit nahihilo ay pinilit kong maglakad habang nakasuporta ang aking kamay sa  dingding. Nagtungo ako sa balkonahe at lumabas roon. Agad na nag-init ang ulo ko nang makita ko ang pamilyar na pigura sa ibaba.

He is dancing while humming a cebuano kundiman. He's swaying his sexy hips, bakat ang mabilog niyang puwetan sa suot niyang jogging pants. Wala siyang suot pantaas at pasipul-sipol pa siya habang nagdidilig ng mga halaman sa hardin.

"W-what..." sisigaw sana ako sa kanya ngunit paos at tuyo ang lalamunan ko. Dalawang beses akong tumikhim ng malakas at muling sinubukang magsalita. "Why am I here?" I yelled, frustratedly. "Hoy, pobreng lalake! Kinakausap kita!" Humawak ako sa balustre habang nakatanaw sa kanya sa ibaba.

Sa pagtingala niya ay tinamaan ng liwanag ng araw ang mukha niya. Bigla akong natigilan. He suddenly looks hot in there.

No, erase! Pobre siya! Hindi siya hot!

"You kidnapped me!" akusa ko sa kanya.

He laughed while holding the water hose. "May kinidnap bang inuwi sa mismong bahay? Patawa ka!"

"How did I ended up here?!"

"Isinakay ka sa eroplano malamang. Kung inanod ka, baka next month ka pa darating o kaya kinain ka na ng mga pating bago ka pa makarating dito sa Santander." Natatawa siya at bumalik sa pagdidilig ng mga naiwang halaman ni Mama.

Inis akong huminga ng malalim. Sinusubukan niya ako. "Kinakausap kita ng matino, pobre!"

"Hindi pobre ang pangalan ko kaya huwag mo akong kausapin." Malamig ang tingin siyang tumingala sa akin. Lumakad siya at gumawi sa loob ng bahay.

I tried to control myself. Dahan-dahan muli akong pumanhik sa kuwarto. Naligo ako at nagsuot ng bagong damit. Pagbaba ko ay nasa hapag na siya, kasama ang kaniyang kapatid at ang aking ama. They are enjoying their breakfast meal.

Sabay-sabay pa silang napatingin sa akin habang papasok ako sa dining area.

"Oh, hija. Gising ka na pala? Kumusta ang pakiramdam mo?" Papa is at the kabisera. Nasa kanan ang kaniyang querida habang nasa tabi naman ng querida ang pobre niyang kapatid.

"Medyo ayos na kanina, sumama na naman ngayon." Tiningnan ko ang dalawang magkapatid. Agad na binitiwan ni Kate ang hawak niyang kutsara't tinidor nang mahuli ko ang tingin niya. Yumuko siya at kinuha ang table napkin sa hita niya para punasan ang labi niya. Nanatili naman sa pagnguya ng chorizo ang pobre niyang kapatid. Ngumisi ako. "Tingnan mo nga naman, Papa. Pinag-aral mo na't lahat ang dalawang ito, nakuha pang makitira dito sa pamamahay natin."

Biglang nag-iba ang mood ni Papa. He felt disappointed hearing that from me. "Hindi ka na nagbago, Ey. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?" Inilapag din niya ang hawak niyang utensils.

"Magiging ganito ako hangga't nasa poder mo ang queri—"

"Kate has never been my querida, Ey. Your mother died, and she was the one who saved me from agony. Alam mo yan, nagbubulag-bulagan ka lang."

"Pa! Ginagamit ka lang ng magkapatid na yan!" turo ko sa dalawang magkatabi sa gilid niya.

"Put your hand down. I'm warning you, Ey," mahinahong sabi ni papa ngunit alam kong nagtitimpi lang siya.

"And what is this poor guy doing here? Dito na rin ba yan nakatira? Palamunin mo na din ba yan?!"

"The guy you are calling poor saved you from death, brat!" Hinampas ni papa ang mesa at napaigtad si Kate dahil sa gulat. Papa caressed her and apologized to her.

Ako naman ay napatulala sa nalaman. Ako? Muntikan nang mamatay?

"I'm done, Senyor. Mauuna na ako sa resort." Tumayo ang pobre at hindi ako tinapunan ng tingin nang dumaan siya sa harap ko.

"Look at what you did! You're being an ungrateful brat, Ey. Lumalaki kang paurong!" Nakamaang lamang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi niya. "You weren't even breathing when he sent you to the hospital. And, for Pete's sake, Ey! Are you a drug user?"

Lumaki ang mga mata ko at napanganga ako sabay iling. "Pa, hindi ako gumagamit ng ganoon."

"Then why are you overdose with drugs? Limang araw kang nakaratay sa kama!" Lumabas ang litid ni Papa sa galit. "You are a disgrace to the family, Ey. Nakabalandra ang mukha mo sa lahat ng peryodiko dito sa bansa.

Umiling-iling ako at hinilot ang sentido ko para alalahanin ang gabing iyon.

"Did you know the girl you were with that night was raped and died as the result of a drug overdose?"

"Pa, hindi ko kilala ang mga taong iyon..."

"They are already put to jail. Pero bago sila nahuli ay pinatay muna nila ang driver na naghatid sa 'yo, Ey. Now tell me, kailan ka matatauhan sa mga kalokohan mo?"

"Pa." Hindi ko maapuhap ang aking sasabihin. Wala akong maramdaman noong umpisa ngunit nang maalala ko ang pag-aalala sa akin ng matandang iyon ay bigla akong pinanlamigan. I suddenly wanted to vomit. Biglang sumakit muli ang aking ulo.

Umakyat ako sa kuwarto at nagkulong roon. I am afraid to check the news kaya natulog na lang ulit ako. I didn't even bother looking at my phone. Ini-off ko iyon at inilagay sa loob ng drawer.

Nagkulong ako roon ng isang linggo. Nabalitaan ko sa mga helpers na may nakabantay sa akin na dalawang pulis para sa protection programme ng kasong kinasasangkutan ko. Then I went to witness stand after a month. Gusto kong humingi ng paumanhin sa pamilya ng matandang lalakeng naghatid sa akin ngunit hindi sila dumalo. Ang sabi ni Papa ay nagbigay na raw siya ng tulong para sa kanila. Ngunit sobrang bigat ng pakiramdam ko kaya nagpasama ako kay Anton para bisitahin ang puntod ng matandang iyon.

But I was so shocked when I reached there. "April!" gulat na tawag ko sa pangalan ng kaibigan kong sex guru. Namayat siya at ang itim ng gilid ng mga mata niya. Mukha siyang stressed at hindi pa nagkakaroon ng matinong tulog.

"Nagpakita ka pa?" galit niyang sabi.

"B-bakit? May nangyari ba? Bakit nandito ka?" Tumingin ako sa paligid at napansing wala naman siyang kasama.

"Ey!" sigaw niya sa mukha ko. Kulang na lang ay sabunutan niya ako sa galit niya sa akin.

Nagtaka ako. "What are you trying to say, April?" I tried holding her hand but she move back away from me.

"Namatay ang Papa ko dahil na-involve siya sa 'yo, Ey," she burst into tears.

I was stunned!

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon