Chapter 22

2.1K 85 6
                                    

Chapter 22

"I can't sleep, Mommy. Can I sleep next to you?" In the middle of the night, I was awakened by a small voice and she's yanking my blanket. Pinilit kong imulat ang mabigat kong mga mata para lang makita siya.

"K-kei," sabi ko na namamaos. She's dressed in her favorite red nightgown and is hugging her ponyo stufftoy, who is also dressed in red. Siya raw si Ponyo kapag suot niya iyon.

"Mommy, I miss you. Two days ka na pong natutulog dito. Can I sleep here, too?" Kahit ang lamp shade lang ang bukas ay naaaninag ko ang lamlam ng mga mata ng anak ko.

"N-no, baby," nanghihina kong sabi habang sunud-sunod ang pag-ubo ko. Tinakpan ko ng unan para hindi magising ang mga anak kong natutulog sa kuwarto. Pinili kong matulog dito sa sofa dahil baka mahawaan ko sila, mahirap na.

"Mi, mamamatay ka na po ba?" inosente niyang tanong na ikinagulat ko. Kahit gustung-gusto kong hawakan ang mukha niya ay pinigilan ko ang sarili ko. She had the same angelic face and curly eyelashes as the girl I had hurt before she disappeared. I believe God sent me Keira Celine to remind me of my mistake until the end of my life.

"N-no baby... I just have to—" umubo ulit ako na may kasamang pagnginig dahil nilalamig ako. "To take a rest. Pasok ka na sa loob—" Bumiling ako sa kabila para itago ang pag-ubo ko pagkatapos ay muli akong humarap sa kanya. Tumikhim muna ako. "Look at your baby ponyo, inaantok na siya. Sleep with her, anak. Tumabi ka sa mga kapatid mo."

Tumango siya. "Mommy, good night. Rest up so you'll be fine tomorrow." Napilitan siyang ihakbang ang mga paa niya nang bahagya ko siyang itulak para makalakad na. Lumingon pa siya nang nasa tapat na siya ng pinto. "I love you, mommy."

"I love you, too," halos pabulong na sabi ko.

Then it's Monday, so they got up early. Pang morning class kasi sila. They all wanted to kiss me, but I covered myself, afraid that I would infect them.

"Ate, ayaw pumasok ni Xydren... Babantayan ka raw niya," sumbong ni Karla nang muli akong gumising. Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko at nasilayan ko ang mga lukot na mukha ng mga anak ko. This is the first time I've felt ill kaya hindi sila sanay na matamlay ako. Hindi sila sanay na walang nagbubunganga sa kanila tuwing umaga.

"Don't worry about me, Xy. Sayang ang top mo sa class kung a-absent ka," malat na sabi ko. Among them, siya ang achiever. Madali raw siyang matuto at mataas ang IQ niya, sabi ng kaniyang mga guro.

"Mi, nagpaalam po ako kay Teacher Jeremiah. Sabi niya, ayos lang daw po dahil bibigyan niya ako ng review notes. Idadaan niya raw po mamaya," paliwanag niya.

"Paano ba yan, ate?" Namomroblemang tanong ni Karla. Nang tumango ako ay lumarga na siya kasama ang tatlo ko pang anak.

"Do you want to eat , Mi?" Worry was written all over his handsome face. "Nagluto po si ate Karla ng lugaw. Ikukuha kita kung nagugutom ka na."

"Sige nga anak, please." Kahit nanghihina pa at nanginginig sa lamig ay pinilit kong bumangon. Ngunit parang umikot ang paligid ko kaya pumikit muna ako at huminga ng malalim.

Nang marinig ko ang yabag ng anak ko ay pinilit kong ibalanse ang katawan ko sa pag-upo. Kasabay ng paglapag niya ng mangkok na may lamang lugaw ay ang muli kong pag-ubo.

Agad siyang lumapit sa akin at pinakatitigan ako. "You look so pale and very weak, mommy." He had a sad look in his eyes.

"Gagaling din si Mommy, anak. Huwag ka nang malungkot. Pakilapit mo na sa akin ang lugaw para makain ko na at nang lumakas na ako," pilit kong pinasigla ang boses kong malat na.

Sinunod naman niya ang pakiusap ko. Muli siyang tumayo at pumunta sa kusina at pagbalik niya, may dala na siyang baso ng maligamgam na tubig. "Mommy, sabi po ni Teacher Jeremiah, painumin raw kita ng madaming tubig para mailabas mo ang init sa katawan mo at para gumaling ka po kaagad. Painumin din daw kita ng gamot."

Tumango ako habang pinipilit ang sarili kong kumain kahit wala talaga akong gana. I want to eat not because I want to, but because I need to fill my stomach.

Nang matapos na ako, siya rin ang nagligpit. Inalalayan pa niya akong humiga ulit. Ang dalawang kumot na nakabalot sa katawan ko ay hindi kayang ibsan ang lamig na nararamdaman ko kaya nagpakuha pa ako sa kanya ng isang makapal na kumot.

"Mommy, puwede po ba akong maglaro ng ML sa phone mo?" tanong niya.

"ML? Wala akong ganoong games, anak. May laro bang ganoon?"

"Meron po, mommy. Iyon po ang nilalaro ko lagi sa baba, sa may piso net. Pero Epic IV pa lang po ako. Puwede pong i-download 'yon sa phone mo, mommy. Sabi ni ate Karla malakas daw ang WiFi natin."

"Ah, ganoon ba, anak?" Tumango ako kahit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya. "Kunin mo sa bag ko, anak. Birthday niyo ang password."

Palukso-lukso siyang pumasok sa kuwarto at pagbalik ay nakangiti na siya. Muli akong nakatulog habang pinanonood siyang maglaro.

Nagmulat ako nang marinig ko ang boses ng anak ko na parang may kinakausap. Nakatalikod siya sa akin at hindi ko maaninag ang ka-videocall niya.

"G-good afternoon po, Sir Paulo."

"X-Xydren," kinakabahang tawag ko sa kanya ngunit hindi siya lumingon. Marahil ay hindi niya ako narinig at nakapokus siya sa kausap niya.

"Yes? How can I assist you, young man? I accepted your friend request because, well, why not? You appear to be very intelligent. Your suggestions for my Davao hotel have piqued my interest. "Did you design it yourself?"

Napanganga ako.

"No, I just looked it up and think it's appropriate for the hotel."

I was moved to tears when I heard that man laugh.

"Nice ideas, I like it," he said. "And you're Xydren Yvonne Paulo? I must say, that's a cool name."

Nagsimula na akong kabahan. Kahit nilalamig ay parang pinagpapawisan na ako ng butil-butil.

"B-bigay po ni mommy ko," his voice cracked.

Doon ko pinilit na bumangon ngunit natigilan ako nang yumuyugyog na ang balikat ng anak ko.

Hindi nagsasalita ang kausap niya at nagsimulang umiyak si Xydren. Humikbi pa siya. "Ako po—"

"Relax, young man. "Breathe in and breathe out," papa instructed.

"Sir..."

"Yes, continue," sagot ni Papa. Hindi ko alam ang reaksiyon niya dahil nanlalabo na ang paningin ko, sa hilo at sa luha ko.

"My mommy is so sick; please help her."

"What is her name? Taga dito rin ba kayo sa Cebu?I can assist. I'll speak with my assistant."

My son kept crying. "She said you hate her, which is why she can't be with you."

"Pardon?"

Tumayo siya at doon bumilis ang tibok ng puso ko. He is walking towards me. Nagulat rin ang anak ko dahil akala niya siguro ay tulog pa ako. "M-mommy..." he said, stifling his sobs. Ipinaharap niya sa akin ang phone kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Tumabi sa akin ang anak ko. "Sir Paulo, could you please forgive my mother? She is currently helpless. She's been raising us all by herself. Please, Sir. I beg you. Please forgive my mother."

"I don't know her."

Parang nagunaw ang mundo ko.

Xydren also stops crying in the middle but continues to focus the phone on my face. "M-mommy." His face was filled with disappointment.

"Wait...Aliza May? Is that you, brat?!"

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon