Chapter 3

2.8K 83 0
                                    

Chapter 3

When I get down, Anton has already started setting the table. Sinadya ko talagang bumangon ng maaga dahil hindi niya ako tinirhan ng ulam kahapon. Buong araw tuloy akong nag-settle sa ramen.

"Milagro, gumising ka ng maaga?" Tumingin siya sa labas. Hindi pa kasi sumisilip ang haring araw.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at umupo sa tapat ng puwesto kung saan siya kumakain. Akma ko sanang dadamputin ang crispy fried bacon ngunit pinalo niya ng spatula ang kamay ko.

"Ouch!" I flinched in pain because it's hot. Inihipan ko agad ang tuktok ng kamay ko at dinilaan dahil may sauce na naiwan roon.

Nag-iwas siya ng tingin nang tumingala ako sa kanya. "Agahan ko iyan, magluto ka ng sa 'yo." Tinalikuran niya ako at ibinalik ang cooking pan sa sink.

"This is my father's house and I am his heiress, so everything in it is technically mine as well." Kinuha ko ang plato niya at naglagay ng fried rice at bacon pagkatapos ay agad akong sumubo. Kumuha rin ako ng sunny side up egg. Hindi siya makapaniwalang nakatitig lang sa akin. "Bleeh!" sabi ko sabay labas ng dila ko. Naglagay rin ako ng tomato sauce sa gilid ng plate ko.

Umiling lang ang lalakeng nasa harap ko ngunit may nakatagong ngiti sa mga labi niya. "May heiress bang walang pera ni piso sa wallet niya?"

"My father will return home soon, makikita mo."

He didn't answer. Naglakad siya at gumawi sa kuwarto niya. Malapit lang iyon sa grand staircase. Akala ko'y napikon na siya ngunit bumalik siyang may dalang brown envelope. "Iniwan ng papa mo."

I lick the side of my lips before taking it from his grasp. Iniwasan niyang muli na tingnan ang mukha ko. "What is this?" tanong ko habang binabasa iyon nang mabuksan ko.

Hindi siya sumagot.

I was rooted in my seat! Napahawak pa ako sa dibdib ko. "There is no way that my father would give you this house!" Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko. "You forged his signature!" Tiningnan ko siya ng masama.

"Malaki ang respeto ko kay Senyor. Sumusunod lang ako sa mga utos niya." Kumuha siya ng plato at umupo sa harap ko. He's grinning as he looks at me.

"Agh!" inis kong sabi. Pinagpira-piraso ko ang mga dokumento at itinapon sa harapan niya.

"Marami akong kopya niyan, 'yong isa; nakalaminate pa." Pang-aasar niya sa akin. Now, he's laughing.

Inis na inis ako. Tatayo na sana ako ngunit may napansin akong babaeng pumapasok sa kabahayan namin. The main door is open, gayundin ang main gate. Tinangnan kong muli si Anton. "So, nagpapapasok ka na ng mga babae rito?"

Sinundan niya ang direksiyon ng tinitingnan ko. He smiled. "Bata pa 'yang si June, huwag mo kaming pag-isipan ng malisya."

"The girl likes you, you are aware of that." Mahina kong sabi. Umalis na ako bago pa man makapasok sa dining area ang babaeng iyon.

"Hi! Maayong buntag, Ate Aliza May," she greeted, waving at me.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"It's me, June! Natatandaan mo pa ba ako?" She twirled in front of me. Lumaki na nga siya at mas tumangkad pa kaysa sa akin. Hindi ko alam kung sinadya niyang hilahin ang suot niyang cotton dress para mas lalong tumambad ang upper curve ng dibdib niya. Nilingon ko si Anton at nahuli kong nakatitig siya sa dibdib ni June. "Ay, nakita na ang ang puwet ng bata," she giggled.

Inis akong humakbang paakyat ng stair case.

"Hi, Kuya Anton. Sasabay po ako sa 'yo sa resort. I'd like to take a morning dip in the sea."

"Hi, Kuya Anton. Sasabay po ako sa 'yo sa resort. I'd like to take a morning dip in the sea." I silently mock her while walking upstairs. Hello? Nasa gilid na ng dagat ang bahay nila, bakit pa siya pupunta ng resort? Ugh! Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanila. Lalo na iyong pobreng 'yon!

"Ey," he knocked on my door after awhile. "Come with me, i will give you a job."

"Ayoko! Magtrabaho ka mag-isa mo!" sigaw ko at nagtalukbong ng kumot. I inserted my airpods in my ear at nakinig na lang ng music.

Maya-maya pa ay bigla akong unangat sa ere! "Ano ba? What are you doing? Ibaba mo ako!" sigaw ko. Kumakawag ako habang karga niya ako.

"Sumama ka sa akin sa resort."

"Ayoko!"

Nag-eecho ang boses naming dalawa sa loob ng malaki naming bahay dahil sa lakas ng boses namin.

"Huwag kang malikot! Mahuhulog tayo sa hagdanan," he hissed.

"Ayokong magtrabaho," reklamo ko. "Ayokong sumama sa 'yo. Ayokong kasama ang June na 'yon."

He chuckled. "Pinauwi ko na siya at kailangan mong magtrabaho dahil hindi kita bibigyan ng pera. O kung gusto mo, lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din."

Seriously?!

"Hoy, pobre! Bahay ko 'to!" singhal ko.

"Pobre man ako, may pera ako. E, ikaw?"

Natahimik ako. Ngumuso ako at kinunotan siya ng noo. He closed the door using his feet and carried me all the way to the garage. Doon lang niya ako ibinaba.

"Are you going to work for me now? Choose."

Ngumuso akong muli at nagpakawala ng malalim na hininga. Nilingon ko ang mga sasakyan sa garahe na tinanggalan nila ng fuel. Kaya hindi ako makagala dahil doon. Hindi rin ako makapag-online shopping dahil cut na ang credit cards ko.

They're all set to teach me a lesson.

"I-I'll work."

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon