Chapter 2
I stayed at home for a few months habang nililitis ang kaso. Until justice has served, napatawan sila ng reclusion perpetua. Ngunit kahit ganoon ay hindi ako kinakausap ni April kahit na ilang beses akong humingi ako ng tawad sa kanya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. She needed time to heal. Ganoon din kasi ako noong sumakabilang-buhay ang aking ina.
Walang awa siyang pinatay ng step-father nina Anton at Kate. Umawat siya habang inuundayan ng saksak ang ina ng dalawa. Walang tumulong sa kanila habang paos sa kakahingi ng saklolo at hilam ang mukha ko sa luha. Umawat naman si Anton ngunit dahil binatilyo pa siya noon ay hindi pa siya malakas at mas malaking lalake ang kaniyang amain. Sa pag-awat niya ay nadaplisan ng itak ang kaniyang kaliwang braso resulta ng malaking peklat niya ngayon sa parteng iyon. Noong araw na iyon ay kapwa dead on the spot ang aming mga ina.
Kaya hindi nila ako masisisi na tuwing makikita ko sila ay nag-iinit ang aking ulo.
Araw ng Biyernes nang maisipan kong lumabas. Dahil mainit ay nagsuot lamang ako ng yellow sunny dress. May sleeves iyon dahil ayokong ma-expose ang mala-braso de mercedez kong braso. Hawak ang clutch ko ay akma kong bubuksan ang malaking main door namin nang magsalita si Kate.
"Hindi ka raw puwedeng lumabas..." mahinhin niyang sabi.
"Bakit may batas ba na hindi puwedeng lumabas?" Lumingon ako sa kanya at pinasadahan siya ng tingin. Lumaki ang mga mata ko nang matuon ang pansin ko sa bandang tiyan niya. "Are you pregnant?!" Ipinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa mukha niya at sa kaniyang tiyan.
She nodded her head, smiling. "Magkakaroon ka na ng kapatid." She really looks innocent everytime she opens her mouth. Inosenteng nasa loob ang kulo.
"Do you think I'm happy for you?!" Salubong ang kilay kong lumapit sa kanya. Umatras siya ng bahagya at hinawakan ang kaniyang tiyan. Takot ang namayani sa mukha niya habang kinokorner ko siya hanggang sa malaking couch. Napaupo siya roon.
"Ey, anong ginagawa mo kay Kate?" alalang tanong ni Ate Elvina, ang mayordoma. Lumapit siya at akmang aalalayang tumayo si Kate.
"No!" tinapik ko ang kamay ni Ate Elvina. "Hayaan ninyo siyang umupo riyan!" I motioned Kate to sit on the couch. Masunurin naman siyang umupo. "Wait for me here." I swiftly go upstairs and get a bag full of cash from my father's vault. Ibinagsak ko iyon sa harap ni Kate, pagbaba ko. "Take this and leave this place."
Kapwa nanlaki ang mga mata nila, pati ang tatlong kasambahay ay hindi makapaniwala. Lumapit pa sila at nagbulungan.
"Hindi isang ka-uri mo ang sisira sa aming mag-ama."
"Aliza May..." kontra ni Ate Elvina. "Hindi ka ganyang pinalaki ng mama mo."
Hindi ko siya pinansin.
Mapait na ngumiti si Kate sa akin. "Hindi nababayaran ang pagmamahal ko sa ama mo, Ey. I can leave this place. Pero alam kong susundan ako ng ama mo kahit saan ako magpunta."
"You wish! Napakaraming magagandang babae riyan. Hindi lang ikaw ang naghahangad sa Papa ko. Madali ka lang niyang mapapalitan." Inirapan ko siya.
"Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan ka gayung magkaibigan naman tayo dati, Ey."
"Magkaibigan pero anong ginawa mo? Imbes na alagaan mo ang papa ko, iba ang ginawa mong alaga sa kanya," sumbat ko. "You offered yourself to him para mapag-aral niya kayong dalawa ng kapatid mo."
"Kahit kailan ay hindi ko hinangad na mahulog ang loob ko sa Papa mo, Ey. Kusa lang akong umibig sa kanya at hindi pera ang dahilan niyon," nagsimula na siyang humikbi. Inalalayan siya ni Ate Elvina maging ang iba naming kasambahay.
Mas lalo lang akong nainis sa eksena nila. "Dapat wala ka na pagbalik ko," banta ko sa kanya.
Hindi nila ako napigilang lumabas.
I went to our resort. Pinagsawa ko ang sarili ko sa sandbar at nang gumabi na ay nakipag-inuman ako sa mga guest. Most of them are foreigners. At ang isa doon ay mukhang tinamaan sa akin.
"My name's Marvin." He had an American accent. Hindi nakatakas sa akin ang pagsuyod niya sa kabuuan ko. Nakipagkamay siya at tinanggap ko naman iyon. "I heard you are the daughter of the owner of this big resort.."
Tumaas ang aking kilay. Hindi ko siya sinagot.
"Can we have a discount?"
I laughed. Binawi ko ang kamay kong hawak pa rin niya ngunit ayaw niyang bitawan iyon. "I'm not, I'm sorry." I lied, hiding my smirk.
"Oh," he said, still holding my hand.
"Can you let go of my hand?"
He laughed while releasing my hand, gently. Magsasalita pa sana ako ngunit—
"Ey, our baby girl is crying inside!" malakas na sigaw ng kung sinong poncio pilatong iyon. Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kanya. He strides near us and snakes his arm on my waist. "Gustung-gusto mo talagang sumusuot sa gulo," mahina niyang bulong sa aking tenga na nagdulot ng kakaibang init sa diwa ko. Naestatwa lang ako doon. "Please excuse us, gentlemen. My little girl is waiting for her mother." Itinuro niya ako.
Maang lamang na tumango ang mga guest.
He was able to get me out of there. However, he looks mad. "Kilala mo ba sila?"
"Hindi pero guest sila ng resort."
Ginulo niya ang kaniyang buhok, out of frustration. "You appeared to be a mature woman, but you are not, Ey. Hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yo. Go home." Mukha siyang problemado sa akin.
"Hihintayin na lang kita." Sinabayan ko siya sa paglalakad.
"Alam kong ayaw mong umuwi dahil mapapagalitan ka ng papa mo pagdating mo roon." He is biting his lower lip when I gazed at him.
"Why?" takang-tanong ko. Wala naman akong ginawang kapalpakan ngayon ngunit napanganga ako nang maalala ang ginawa ko bago ako umalis ng bahay. "Did she really left the house?"
"Patay ka nga bata."
"No way! I was just trying her." Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko ang kapasidad ni papa kapag nagagalit siya. Kayang-kaya niya akong itakwil dahil ramdam kong tunay ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Ako lang 'tong indenial. "Where did your sister go? My sister–er–brother is inside her!"
He just shrugged. "Hindi ko alam kung nasaan siya."
Nagtaka ako. "Bakit parang wala kang pakialam?" I massaged my temple as I sit in the couch. Nasa loob na kami ng opisina niya. Habang nag-iisip ay wala sa loob kong iginagala ang tingin sa mga nakadisplay na mga awards niya pati na rin ang awards ng mga resort namin. Ang kinaroroonan naming resort ay may Michelin stars. Hindi ko lang alam kung ilan dahil bihira lang naman ako rito.
"Wala na rin ang mga kasambahay roon, in case you're not aware."
"What?!!"
"Simula ngayon, ikaw na ang magluluto, maglalaba at magsisilbi para sa sarili mo. Congratulations! You are on your own. Wala na rin ang papa mo roon dahil umalis siya para hanapin ang kapatid ko."
"Bakit parang ang saya-saya mo?"
"Well, I'm looking forward kung kaya mo bang mabuhay mag-isa."
"Kinaya ko sa Manila," pambibida ko.
"Kinaya mo kasi kinuha mo ang mga cards at nagdala ka pa ng malaking amount ng pera ng papa mo," he paused, looking at me playfully.
"Anong tinutumbok mo?" Nahihiwagaan kong tanong.
"Your cards are cut. Walang iniwang pera ang papa mo. He locked the vault, too." Tumawa siya na parang nakakaloko habang pinipirmahan ang ilang dokumentong nasa table niya. "Puwede kang magtrabaho sa akin kung gusto mo." He chuckled, showing me again his perfect white teeth.
"You wish!"
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...