Chapter 30

3.9K 107 52
                                    

Chapter 30

"Are you sure you don't want to throw a big party for your eighteenth birthday?" I looked at her with love in my eyes.

Kei placed her thin hands on my shoulder, snuggled me, and hugged me tightly. "Gastos lang 'yon, mom. We will be celebrating it along with our friends na lang. Babalik po agad kami kinabukasan."

Sa totoo lang ay dismayado ako sa plano nila ngunit hindi ko na lang sinabi. But, deep down, I am so proud of them because they value the money they spend. Hindi sila kagaya ng ibang kabataan na gastos dito, gastos doon. They also ensure that they purchase only what they need. Tsaka na lang daw sila gagastos kapag may mga sarili na silang kinikita. At 'yung trip to Balesin nila ay regalo ni Papa sa kanila, nalaman kasi niyang ayaw i-celebrate ng mga anak ko ang debut nila.

"All right, honey. Have a good time, okay?" I raked my hands through her hair, my gaze fixed on her angelic face. Dalaga na talaga siya, sila ni Luisa.

"It's time to let them fly, baby. Hindi mo na sila puwedeng itali sa baywang mo, may kanya-kanya na silang desisyon sa buhay." My husband walked past me, squizzing my bottom as he moved closer to the bodyguards.

Tumatakbo namang bumalik sa puwesto namin ang anak kong si Luisa. "Mom, kung sumama na lang kaya kayo? Spend some alone time with dad in the villa.." Ngumisi siya ng nakakaloko kaya hinampas ko ang mataba niyang braso. Imbes na masaktan ay nanggigil pa siya sa kilig. "Idol ko talaga kayo mommy, the love in your eyes for each other is on a higher level. Sana katulad ni Dad ang magiging boyfriend ko." Nangangarap ang mata niyang pumikit sabay lagay ng kaniyang dalawang kamay sa bilugan niyang mukha.

"There's no way that you will have a boyfriend, Luisa. Kapag thirty ka na, doon puwede na." Keith approached us and kissed me on the cheek. Ngumuso si Luisa sa narinig niya. "Ako na ang bahala sa kanila, Ma. Don't worry about them."

"Aren't we going?" Bored na sabi ng anak kong masungit. Humalik siya sa pisngi ko bago naglakad habang bitbit sa magkabilang-kamay ang bagahe ng dalawa niyang kapatid na babae.

"Lalakad na po, bossing." Then Keith and Luisa wave their hands at me. "Bye, mom!"

"Bye! Ingat kayo mga anak!" sabi ko habang ikinakaway ang kanan kong kamay pagkatapos ay tumingin ako kay Keira Celine na nakayakap pa rin sa akin, ayaw bumitaw. "Honey, happy birthday. Please always check with Luisa; she is a heavy drinker."

"Aye, Captain!" she saluted and giggled. Yumakap pa siyang muli nang sobrang higpit bago niya ako pinakawalan, "I love you so much, Mommy!" Tumakbo na siya habang malapad ang ngiting kumakaway  sa akin. Inalalayan siya ni Keith nang makarating siya sa maliit na improvised bridge na kumukonekta sa yate.

"Keith ang mga kapatid mo!" sigaw na paalala ko sa kanya habang nakayakap ako sa sarili ko dahil malamig ang simoy ng hangin. Kinipkip ko ang shawl na nakapalibot sa katawan ko.

Pabiro siyang sumaludo. "Aye, captain!"

"I will watch on them, don't worry, mom!" sigaw rin ni Xydren, nasa barandilya na nang yate naming may tatak na Santander's Gem. Malaki iyon at ginagamit lang namin tuwing may mahahalagang okasyon.

Anton approached me after instructing the bodyguards. Inakbayan niya ako at isinandal ko naman ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

"Time runs so fast. Parang kailan lang, ayaw nilang lumayo sa akin. Lagi silang nakabuntot at umiiyak kapag hindi nila ako nakikita. Pati nga kapag pumupunta ako sa banyo, gusto nilang sumama," bulong ko.

"We can follow them if you want, baby."

Ngumuso ako. "Kung hindi lang sana ako sinusumpong ng rayuma, talagang sasama ako."

One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon