Chapter 25

2.2K 86 4
                                    

Chapter 25

"Is Dad going to be okay, Mommy?" Louise Agatha knelt and leaned close to his father's chest. "Dad's still breathing, mommy!" Tuwa siyang tumayo at pumunta ng kusina. Nagpabalik-balik naman ako ng lakad dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pagbalik ng anak ko, may dala na siyang isang maliit na batya ng tubig. Bago pa man ako makapag-react, naibuhos na niya iyon sa mukha ng ama niya.

"Why did you have to do that, Luisa?!" Gulat akong lumuhod. Ipinasa agad sa akin ng anak ko ang batya dahil nataranta yata siya sa pagsigaw ko.

"Agh!" Anton gasped for air and sat up quickly. Sunu-sunod ang pag-ubo niya dahil nakainom yata ng tubig. Basang-basa ang mukha niya pati na rin ang upper part ng long sleeves niyang puti, bumakat tuloy ang mamasel niyang dibdib. Tiningnan niya agad ako ng masama dahil akala siguro niya ay ako ang nagbuhos ng tubig sa kanya.

Nagtago si Luisa sa likod ko ngunit sumilip pa rin sa ama niya. "See, mommy? It's effective! Nagising agad si Daddy," she giggled.

Ang galit na itsura ni Anton ay napalitan ng ngiti dahil narinig niya ang nakakatuwang hagikhik ng anak ko. Masayang lumapit sa kanya si Luisa pagkatapos niyang iumang ang kaniyang mga braso.

"You're okay now, Daddy?" Bakas pa rin sa mukha ng anak ko ang natuyo niyang luha kaya hinalikan ni Anton ang gilid ng kaniyang nga mata. Luisa is giggling as he does it. Marahil ay nakikiliti sa balbas ng kaniyang ama. He looks hot with his beard. Pero mas gusto ko pa rin iyong clean face siya. I shook my head, ano ba itong iniisip ko? Huminga ako ng malalim at inalis ang sapot na namumuo sa utak ko. Agad akong kumilos at kumuha ng tuwalya. Walang nakatirang lalake dito sa bahay kaya 'yong maternity dress ko na lang ang nahablot kong damit. Hindi naman magkakasya sa kanya ang mga damit ko ngayon, maliliit na ang size niyon.

When I returned, Anton had already finished wiping the wet floor. Na-fold na rin ang higaan ko at nang sipatin ko ng tingin ang mag-ama ay tumataas-baba na ang paghinga ng anak ko at mahimbing na ang tulog sa balikat ni Anton, marahil ay napagod sa kaiiyak kanina.

"Pasensiya na, ito lang ang magkakasya sa 'yong damit." Ibinigay ko sa kanya ang dala ko. Mabilisan ko lang siyang sinulyapan dahil alam kong ipagkakanulo ako ng sarili ko. Nakakalunod ang mga tingin niya at pakiramdam ko bibigay agad ako at yayakap kahit na natatakot ako sa kanya.

"I have clothes in my car," sabi niya ngunit tinanggap pa rin niya ang mga iyon.

"Akin na ang anak ko, patutulugin ko sa kuwarto." Nakaunat na ang mga kamay ko para kunin sa kanya si Luisa ngunit hindi niya ibinigay. Bagkus ay tumayo siya at siya na rin mismo ang pumasok sa kuwarto. Sinundan ko siya roon habang iginagala niya ang paningin niya sa maliit naming silid. Lungkot ang dumaan na emosyon sa mga mata niya. "It never occurred to me that you would stay in such a place. This isn't your persona."

"Well, people change."

Tumatango-tango siya habang inihihiga sa kama ang anak ko. Kumuha agad ako ng yellow pair of clothes niya para palitan siya dahil nabasa rin siya sa matagalan niyang pagyakap sa ama niya.

"Can I?" sabi niya nang akma ko nang susuutan ng damit ang anak ko.

Nanginginig ang mga kamay kong ibinigay sa kanya ang damit.

"Napakarami nating pag-uusapan, Ey pero isasantabi ko muna iyon para sa mga bata. Where are they anyway? Bakit wala sila rito?"

Yumuko ako. "School days ngayon."

"Then why—" Napahawak siya sa batok niya sabay mura. "I forgot asking for our child's name." Matapos niyang damitan ang anak namin, hinalikan niya ito sa noo. He caresses her face as if he's memorizing every detail of it.

"She's Luisa Agatha Pau–" Marahas na tingin na naman ang ipinukol niya sa akin. "Can you please stop staring at me like that?" Matapang kong sabi, nakakuyom ang palad ko.

"You did not use my surname?" Mukha siyang nasaktan sa nalaman niya. "I'm going to respect your decision because, after all, I wasn't there for you during those difficult times," his voice cracked and he didn't say anything else.

"It's okay if you want to change it. May karapatan ka rin naman sa kanila."

Hindi niya ako sinagot. Tulala pa rin niyang pinagmamasdan ang anak ko. Marahil ay bago sa kanya ang lahat ng ito kaya hindi pa nagsisink-in sa kanya ang mga nangyayari.

I cleared my throat to catch his attention. "Actually, si Keith Zeijan ang pinakaunang lumabas, then Xydren Yvonne tapos si Louise Agatha at bunso si K-keira Celine..."

Kumilos ang kamay niya ngunit pinigilan niya iyon sabay ikinuyom na lang ang palad niya. "If you have contacted me, sana nasamahan man lang kita sa paghihirap mo." Hirap na hirap ang mga mata niya nang tumingin siyang muli sa akin. "Iuuwi ko kayo sa bahay ko, whether you like it or not," tila may tunog pinalidad na iyon kaya hindi na ako umangal.

Magsasalita pa sana ako ngunit nilunod iyon ng mga tawag ng anak kong nasa labas.

"Mommy?! Mommy?!"

Sabay kaming nagkatinginan ni Anton. Halata kong sabik siyang makita ang tatlo ko pang anak ngunit may kaunting takot sa mga mata niya. "Galit ba sila sa 'kin?" mabilisan niyang tanong.

Umiling ako. "They all love you." Parang sumisikip na naman ang dibdib ko dahil dama ko ang takot na nararamdaman niya.

Mabilis siyang tumayo at sinundan ko siya nang lumabas siya sa kuwarto. Saktong paglabas niya ay ang pagbukas naman ni Karla ng pinto.

Nakanganga silang lahat nang makita kung sino ang kasama ko.

Ilang segundo silang ganoon bago humakbang ng mabigat sina Keith at Xydren. "D-daddy?" Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila.

""I'm h-home," Anton said as he kneeled and extended his arms, waiting for them to approach him. Tahimik siyang humagulgol na nakaluhod habang humihingi ng patawad.

"Daddy!" sabay nilang sigaw at tumakbo sila sa kanilang ama. Parang pinupunit ang puso ko sa tunog ng pagtangis nila.

Tulala namang nasa tarangkahan sina Kei at Karla. Mahigpit ang hawak ni Kei sa kamay ng dalaga. Tila ayaw niyang lumapit sa kaniyang ama.

Napahawak ako sa dibdib dahil hindi ko kaya ang nakikita ko ngayon. I am not prepared for this. Walang nakapagsabi sa akin na ganito pala kasakit ang kanilang pagkikita. Sana noon ay nilakasan ko ang loob kong umuwi sa amin at harapin ang galit nila.

But everything happens in its own time.

"Daddy," mahinang bulong ni Kei. Nang punasan ni Anton ang kaniyang luha para makita kung sino ang nagsalita ay nanghina at natumba siya. Inalalayan naman siya ng dalawa.

Tila hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. "Kate..." dinig kong bulong niya.

Nagtatanong naman ang mga mata ni Kei sa akin. Mabilis akong lumapit dahil pinipigilan niya ang iyak niya, hindi na siya makahinga. Nakakuyom ang mga palad niya at namumula na ang mukha niya sa pagpipigil ng luha. Lumuhod ako sa harap niya at minasahe ang dibdib niya. "Kei! Hinga ng malalim, anak." Sinunod naman niya ang utos ko ngunit nang makita na niya sa tabi ko si Anton ay pinakawalan na niya ang iyak niya.

"D-daddy..." She sobs uncontrollably. Kagaya kanina ni Luisa ay hindi rin siya mapatahan ni Anton. Iyak lang siya ng iyak habang nakatungo sa dibdib ng kaniyang ama. "Ponyo heard our wish, daddy—" she pouted, "Finally, you're here."

Ngayon, alam ko na kung bakit lagi nilang pinanonood si Ponyo.















One Night Stand With An Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon