Chapter 4
WARNING! SPG| R-18| MATURE CONTENT
P A T I K I M L A N G"Harder, please." Umangat ang dalawang binti ng babae at ipinulupot sa baywang ng lalake.
"Oh, ang sarap mo!" sabi ng lalake. Bumaba siya para halikan ang babae habang patuloy ang pagbayo nito sa kanya ng paulit-ulit.
Maya-maya ay tinanggal ng lalake ang kaniyang naghuhumindig na sandata at umatras ng kaunti para halikan ang babae mula dibdib, pababa sa puson at tumigil sa gitnang parte ng hita ng babae.
"Oh, ang sarap niyan..." umungol ng mahina ang babae. Pabiling-biling ang ulo niya habang pinagsasawa ng lalake ang pagsipsip at pagdila sa hiyas nito. Kumilos ang kamay ng lalake at inabot ang dibdib ng kaniig niya. Marahan nitong pinipisil ang utong niya habang walang sawa pa rin siya sa pagkain ng hiyas ng babae. "Oh, sige pa..." daing ng babae.
"Kanino ka lang?" tanong ng lalake habang sarap na sarap ito sa pagkain.
"Oh... Oh.... Oh... Sa 'yo lang ako, pareng Antonio," sagot ng babae.
Na-shocked ako!
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala," dinig kong sabi ng taong nasa likuran ko.
"Huwag kang magulo, wala pa nga sila sa climax," anas ko. Tutok na tutok ang paninilip ko. Umuungol sa sarap ang babae habang dinidilaan ng lalake ang kaniyang pagkababae.
I wonder how it feels? Seeing them do that made me remember my dream where Anton eats mine, too. Kaso panaginip lang pala 'yon. Then I realized, hindi pala mag-asawa ang pinapanood ko. I felt like puking all of a sudden.
"Anong climax? Ano bang tinitingnan mo riyan?" ramdam kong sumilip din ang nasa likod ko at bahagyang inilabas ang ulo niya para makita ang pinapanood ko. We were behind the big rock.
I held my breath when I smelled that familiar scent. Napatingin ako sa taong nasa tabi ko na ngayon. Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo bago niya ako hatakin sa braso palayo roon.
He was fuming mad. Hindi siya nagsasalita. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking braso.
"Sorry," I paused. Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako. "Kanina pa kasi kita hinihintay. Alas singko y medya ako natapos maglinis sa kuwartong nakatoka sa 'kin. Tapos wala ka pa sa opisina kaya naglakad-lakad muna ako around the area, then I went to dalampasigan hanggang sa makarating ako roon. Hindi ko naman sinasadya na manood, na-curious lang—"
"I had no idea you were a perv, Ey." Napamasahe siya sa batok niya at inikot ang ulo niya ng dalawang beses, tumunog iyon. Mukhang sumasakit ang ulo niya dahil sa akin kaya napayuko ako.
"Hindi ako perv. Na-curious lang talaga ako," mahina kong sabi. "Sorry."
I heard him sighed. Hinawakan niya akong muli pero sa kamay na. "Kumain ka na ba?" may halo pa ring galit sa boses niya.
"Hindi pa."
Huminto siya sa paglalakad. Nakayuko ako habang hinihila niya kaya tumama ang noo ko sa dibdib niya. "Tumingin ka nga sa 'kin? Ngayon, nahihiya ka na?"
Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko! "Hindi ko naman kasi expected na naroon sila."
Sumimangot siya at hindi na umimik pa.
As soon as we arrived home, June is already standing in front of our remote control iron gate. Tumabi siya ng makita niya kami at pumasok pagkatapos i-park ni Anton ang kotse sa garahe.
"Nagdala po ako ng hapunan. Alam kasi ni mommy na wala ang mga kasama niyo sa bahay. Dumaan po siya kanina sa Carcar kaya binilhan na rin niya kayong dalawa ng letchon at sinamahan na rin po niya ng inihaw na bangus," sabi niya habang hawak ang isang paper bag.
"Pasok ka sa loob," nginitian siya ng bahagya ni Anton. Sumabay sa kanya ang dalaga at sumunod naman ako. "Dito ka na kumain, saluhan mo kami."
"Talaga, kuya?" Nagningning ang mata ni June. Umirap ako sa hangin at umupo sa lagi kong puwesto. Si June naman ay sa tabi ng puwesto ni Anton.
Naghugas muna ng kamay si Anton bago siya kumuha ng kamatis at sibuyas sa refrigerator. Ni-reheat niya ang kanin at nagsimula siyang maghiwa ng kamatis sa kitchen top. Tahimik namin siyang pinanood.
Nangalumbaba si June sa harap ko. "Alam mo ba, ate? Lumipat na 'yong kapitbahay natin."
Tumaas ang kilay ko. "Sino?"
"Iyong laging nagvivideoke hanggang madaling-araw? Buti sana kung maganda ang boses. Hmp!"
I silently laughed once.
"At ang guwapo ng bagong-lipat. Crush ko nga e. Kaso masungit, tulad mo. Bagay kayo."
Hindi ako sumagot. Napatingin ako kay Anton. Biglang umasim ang itsura niya. Dahil siguro iyon sa hinihiwa niyang sibuyas.
"Magugustuhan mo kaya siya?" pangungulit niya.
Nagkibit-balikat lang ako.
"Ang hot kaya niya!" She stretched her legs and reached into her pocket for her phone. Kinalikot niya iyon at ipinakita niya sa akin ang itsura ng lalakeng tinutukoy niya.
Napanganga ako ng bahagya at napangisi. "Do you have his number?"
"Huh? Crush mo na rin?" she felt betrayed. "Hindi ka niya papatulan. Ako ngang sexy naiirita na siya, paano pa kaya ikaw na chubby?"
I laughed. Napalingon sa akin si Anton dahil sa pagtawa ko. Nag-seryoso ako at umupo ng tuwid. "What's the deal kapag napapunta mo 'yan dito sa bahay?"
Nag-isip siya ng ilang minuto. "Hindi na ako mangungulit dito." Malakas ang loob niyang sabi. Taas-noo pa siya.
"Okay, deal. Take a photo of me and show my face to him. Kakatok agad iyan dito. Sabihin mo, 6 pm siya dumalaw."
"Okay." Itinutok niya sa akin ang camera ng phone niya at nag-finger heart sign ako roon. "Chubby mo! Ang sarap pisilin ng chubby cheeks mo," nanggigigil na sabi niya. Nagawi kay Anton ang pansin niya. "Kuya! Durog na durog na yang kamatis na hinihiwa mo. Para saan ba 'yan?"
Walang imik na nagsandok ng kanin ang lalake at inilagay niya sa hapag ang mga inihanda niya. Naging super mince ang kamatis at sibuyas, hinaluan niya iyon ng toyo na may konting calamondin.
Sambakol na ang mukha niya at hindi na maipinta nang tumingin ako sa kanya.
Nagtagpo ang mga mata namin ni June at sabay kaming nagkibit-balikat. Tahimik kaming kumain dahil hindi na nagsalita pa ang lalakeng kasama namin. Mabilis din siyang natapos, agad na inilagay sa sink ang kaniyang plato at naglakad papasok sa kaniyang kuwarto. Pabagsak pa niyang isinara ang pinto.
"Baka pagod..." sabi ko.
"We never know." she grinned.
Nagtulungan kami sa paghuhugas at nagpaalam na siya dahil manonood pa raw siya ng kdrama.
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...