Chapter 18
"Can we talk, please?" Ilang araw na kasi niya akong hindi pinapansin simula noong may mangyari ulit sa amin.
Hindi siya sumagot, nanatili lamang siya sa pagnguya ng pagkain sa plato niya. Adobong baboy at ginisang gulay. As much as I wanted to cook for him, hindi talaga ako marunong. Kaya tiyaka lang talaga ako nakakakain kapag umuwi na siya, gaya ngayon. I tried cooking twice, but both times the food was burned. Hindi na ulit ako sumubok, baka ang bahay naman ang masunog sa susunod.
"Wala talaga kaming relasyon ni Hugh. Kung gusto ko siya, e di sana noon pa bago tayo naging close. Kaibigan ko lang talaga siya, sanggang-dikit. Gano'n." Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya gayong wala naman kaming relasyon. Napabuntong-hininga na lang ako.
Nang matapos siyang kumain ay tumayo na siya.
"I'm still talking to you," sigaw ko. "Bakit mo ba ako ginaganito? Pag trip mo akong pansinin, pinapansin mo ako. Kapag hindi mo trip, deadma ka lang. Ano bang trip mo?"
Akma na sana siyang sasagot ngunit biglang tumunog ang phone niya.
"Senyor," sagot niya. Sinundan ko siya nang maglakad siya patungo sa living room ngunit nagulat ako nang bigla siyang tila nauupos na napaupo sa center table. "S-sigurado ka ba, Senyor?" dinig kong bulong niya. He is staring at the ground now, holding his head. "S-susunduin ko kayo." Nakita ko ang bahagyang pagnginig ng mga kamay niya. At kasabay niyon ay ang pagpatak ng mga luha niya.
Tumayo siya, nilagpasan niya ako at pumasok siya sa kuwarto niya. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng jacket.
"Saan ka pupunta? Anong nangyari?" takang tanong ko. Ngunit hindi niya ako muling sinagot bagkus umiiwas pa rin siya mga titig ko. Bakas sa mukha niya ang lungkot. "Sasama ako!" Humakbang ako para sumunod sa kanya ngunit nilingon niya akong may galit na sa mga mata niya. Napaatras ako. This is the first time Anton has acted in this manner. Iba ang galit niya sa akin noong mga nakaraang araw kaysa ngayon. Unti-unti akong nilukob ng kaba.
He was clenching his jaw, as if resisting the urge to speak. Muli siyang tumalikod at humakbang patungo sa main door. Hanggang sa garage ay sinundan ko siya. Akma sana akong sasakay ngunit sumigaw siya. "Fucking stay, Aliza May!" Bahagyang lumundag ang puso ko sa gulat. Galit na galit ang mga mata niyang sumakay ng kotse, pinaharurot niya iyon pagkabukas ng gate.
I quickly dialed my father's number, but it was busy. Pumasok na lang ako sa loob habang binubundol ng kaba ang dibdib ko. I called Anton as well, but he didn't answer. I also waited for him, but he did not return home. Natulog akong may pangamba sa puso ko.
At nasagot ang mga tanong ko kinabukasan, paggising ko.
Papa and Anton are already downstairs. Papa was stoic, but Anton was sobbing uncontrollably. Nabato ako sa nakita ko, napahinto ako sa kalagitnaan ng stair case. Papa is holding two urns in his arms.
Nanghina ako bigla at napadausdos akong umupo sa hagdanan. I had an empty feeling, manhid ko lang na tinitigan ang mga yakap ni papa.
"Magkakaroon ka na ng kapatid."
Napahawak ako sa ulo ko.
"Do you think I am happy?"
"Take this and leave this place."
I shouldn't have done it!
"Hindi nababayaran ang pagmamahal ko sa ama mo, Ey. I can leave this place. Pero alam kong susundan ako ng ama mo kahit saan ako magpunta."
Alam ko, Kate. Alam ko kung gaano mo kamahal ang papa ko. Alam ko kung ilang beses ka niyang pinaalis habang pinipilit mo siyang alagaan noong nagluluksa siya sa pagkawala ni mama. Alam ko kung ilang beses niyang ibinato sa harap mo ang mg pagkaing dinadala mo para sa kanya. Alam ko kung ilang masasakit na salita ang dinanas mo bago mo napaamo si papa. Alam ko ang lahat ng paghihirap mo, Kate. I'm so sorry. Nagpabulag ako sa selos ko sa 'yo. Na sa 'yo na kasi ang lahat ng atensiyon ni Papa, walang natira sa 'kin. I'm so sorry, Kate. I, too, wished for someone to look after me after my mother died. No one dared to ask me how I was. Nobody ever asked me if I missed my mother. No one. Kahit ikaw na kaibigan ko. Tanging si Papa lang ang inasikaso mo. I'm so sorry, Kate. I'm so sorry, my unborn sister.
"Dapat wala ka na pagbalik ko."
Dapat ako na lang ang nawala.
Galit ang mga mata nila nang tumingala sila sa puwesto ko. When the bell rings, Anton gets up. I wanted to say something, but I was too afraid. Tulala lang akong nakatingin sa kanila. Kahit noong nag-prayer service ang padreng dumating para kay Kate at sa baby niya ay hindi ako bumaba. Nanatili akong nakaupo sa taas.
Tahimik silang nagluksa at kahit noong pumunta sila sa mausoleum ay hindi ako sumama. I don't deserve to go there. Ako ang dahilan kung bakit hindi nakita ng kapatid ko ang mundo at ako rin ang dahilan kung bakit nawala ang pinakamamahal nila Papa at Anton.
I don't deserve to be here, anymore. Tanggap ko na. Tanggap ko nang puro kaguluhan lang ang dulot ko sa kanila. Tama si Papa, I am an ungrateful brat!
Umiiyak akong nag-empake ng mga gamit ko. I want to go away. Natatakot akong masaksihan ang lungkot sa mga mata nila, natatakot akong masumbatan sa kamaliang aking nagawa, takot ako sa maaaring sabihin ni Papa at natatakot ako kay Anton. He hates me now. Hindi ko makakaya kapag narinig ko mismo sa labi niya ang poot at galit niya sa akin.
I caused the death of Kate and my sister. And this is what I deserved...
to be gone...
BINABASA MO ANG
One Night Stand With An Heiress
RomanceAliza May Paulo, the heiress of a powerful man from Cebu, had it all -- beauty, brains, and wealth. But she yearned for more, a life free from the constraints of her dad's expectations. In a desperate attempt to break free, she stowed away on a boat...